Photobucket


I love to watch Filipino films. But I do set a level of quality to the films I watch. Hindi naman kelangan pangFAMAS yung performance. Basta ba hindi masyadong mababaw. Yun bang katanggap tanggap yung story at quality of acting. Inaamin ko, meron kasi talagang Filipino films na such a bore, ambabaw na nga nung story, hindi pa maayos yung acting.

Meron akong kakilalang hindi na daw sya nanunood ng Filipino films. Boring daw kasi at sayang sa pera. Naalala ko sya nung nagbabasa ako ng libro ni Direk Joey Javier na Porn Again. Yung subject nya said the same thing. According to the book, yung thinking sector daw are always nagging those in the industry about the poor quality of materials that are presented in contemporary movies. Sabi pa din sa libro ni direk, pag nag-gamble naman na gumawa ng quality film, hindi mo rin naman maasahan yung mga kabilang sa thinking sector na yun.

Like yung Emir starring Frenceska Farr. Super ganda nung material as in quality talaga pero napapansin mo iilan lang din yung nanuod. Hindi man lang napuno yung sinehan. Nasan na ba yang thinking sector na yan? Baka naman 10% lang ng population ng Pilipinas yang thinking sector na yan ha?

Alam ko naman na medyo behind tayo technically, pero masasabi ko madaming movies natin ang de calibre na hindi lang nabibigyan ng shine because of the shrewd mentality na boring at sayang sa pera ang Filipino movies. Yung indie films narerecognize ng ibang bansa. I must admit na I'm a patron of Indie Films. marami rami na din akong napanood sa Sinehan. Merong maganda, merong ang sarap itapon!

Yung kakilala ko na yun na hindi nanunood ng Filipino movies, napag-alaman ko na nanuod sya ng isang Love Team Filipino Movie. I mean, sinabi nya saken na boring ang Filipino movie tas manbunood sya ng isang cheesy Filipino film? ano ba naman? anung kabobohan yan?

Siguro gone are the days yung mga FPJ movies and let's face the truth yung Dolpy type of comedy. I believe that we, the local moviegoers, are more intelligent that before. I agree na sana wag kami bigyan ng crap-like movies. Pero sana intindihin din ng mga madlang people that producing a movie is foremost an industry. Kaya nga nauso ang indie para kahit hindi bumenta ok lang. Mainstream is different. Kelangan bumenta. Kaya meron syang tried and tested formula na sinusunod para magkaron ng profit.

Ang masasabi ko lang sa thinking sector. Most of the Filipinos watch movies dahil gusto nilang magenjoy. Obviously, hindi kayo ang target ng marketing team ng movie na yun kung hindi yun patok sa panlasa nyo. Sana lang dont call Filipino movies flop because for people like me who doesnt have high standards that you have, I watch it because I enjoy it.
Photobucket