Hinanda ko na ang sarili ko sa pag-alis ko sa callcenter. Simula pa lang alam kong aalis din ako at hindi ako magtatagal. Hindi naman dahil sa nature na work. Dahil alam ko na iba ang calling ko. Iba yung passion ko. Lalong lalo na, iba yung nakasanayan kong pamamalakad.
Pero ganun talaga siguro ako. Madali akong napalapit sa mga nakasama ko sa callcenter. Kahit ilang months lang kami nagkasma, aaminin ko nagenjoy at napamahal na din sila saken. Kaya siguro pinili kong hindi nalang magpakita at magparamdam sa kanila nung nag-AWOL ako. Sigurado kasi akong magbabago ang desisyon ko na umalis pag may constant communication pa din kami.
Actually, nung huling araw ko, nakita ko yung iba sa kanila. Medyo malungkot man ako kasi hindi ko na sila makakasama katulad ng dati, alam ko ay ito ay all fo rthe best. Nagyakapan dahil masaya na nagkita-kita kami ulet. It also is the last hug because last day ko na din yun sa company.
Pero meron akong isang regret nung umalis ako. Hindi ako nagpaalam sa isang tao na masasabi kong special saken. No no no! Hindi pang boyfriend material. Basta. Para maintindihan mo, ang pinakamemorable na sinabi nya saken ay, "you're making me proud". Yung simpleng line na yun, yun yung naging driving force ko para pumasok araw araw. Yung kahit ba pagod na pagod ako, sasampalin ko ang sarili ko. Bumangon ka hoy! Nandun sya!
Pero naubusan na din ang power nung line na yun, basta nung nagsnap ako wala na. Nung last day ko, nakita ko sya, gusto ko syang lapitan para sabihin na aalis nako. Pero nahihiya ako. Gusto ko sabihin sa kanya na grateful ako sa lahat ng binigay nyang advice saken. Na i'll treasure them forever at kung pwede ko syang gamitin, gagamitin ko sya whenever applicable sa field na papasukin ko. Ayoko kasing umiyak in front of the madlang people of the floor kasi talagang special sya saken. Kaya baka pag nagpaalam ako sa kanya ngumawngaw ako sa floor noh!
Hinding hindi ko sya makakalimutan. And I'll strive to be like him when in turn na tataas din ang position ko.
goodbye to you.... Kahit dito man lang, masabi ko ang gusto kong sabihin sayo.
0 comments:
Post a Comment