photo 964548_291643657637951_508087905_o_zps03a157ff.jpg

Ang blog post na ito ay nainspire ng bonggang bonggang show na My Husband's Lover ng GMA Telebabad. I must say super happy ako sa show na ito. Hindi ko pa napapanood lahat ng episodes habang sinusulat ko ang blogpost na ito. First five palang yung natatapos ko. Pero I must say super accurate ang depiction ng facets of a gay man's life. Super! Kaya nga nainspire akong isulat ito. I will answer all the questions perennially asked to a dyosa like me.

Maraming beses na din natanong sakin kung may balak akong mag-asawa at kung may balak ako magkaanak. Isa lang naman ang lagi kong sagot dyan. Isang malaking...

Depende.

Pero sigurado ako hindi ako mag-aasawa ng babae at hindi ako magkakaanak through intercourse with a girl.

Depende, kasi hindi din naman ako sure na makakatagpo ako ng lalaking para saken. Yes. Lalake ang gusto ko. Hindi ko magets kung bakit ang mga taong nagtatanong saken eh pinagpipilitan na iba pa din pag babae ang papakasalan ko. Ang pangaral kasi ay ang lalake ay para sa babae at vice versa. Para yun sa mga straight. Pero sa katulad ko na di straight or isang homosexual, dito na nagkakatalo.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-iba ng mag-asawang lalaki at babae sa mag-asawang lalaki at lalaki. In an ideal sense, kung pareho lang naman na pagmamahal ang syang ugat ng relasyon, bakit mag-kaiba sila? Why is one considered a taboo? Don't get me wrong, hindi patungkol ang post na ito about marriage equality. Gusto ko lang iraise yung question, ano ang pinag-kaiba ng heterosexual relationship sa homosexual relationship kung LOVE naman ang nagbubuklod sa dalawang tao?

Eto kasi ang tinanong ko sa sarili ko, kung magpapakasal ba ako sa babae, magiging masaya ba ako? Makukumpleto ba ang buhay ko? Siguro sa simula oo. Pero alam ko, magkakaron ng kakulangan. Dahil merong kulang sa pagkatao ko na hindi mapupunan ng babae.

Malamang ang sunod na tanong dyan eh, pano ko naman nalaman? Try nilang panuorin yung episode 5 ng My Husband's Lover, dun sasabihin ni Lally na sya mismo may nararamdamang kulang. Kasi yung asawa nyang si Vincent ay hindi buo ang pagkatao. Hindi ko kayang magmahal ng babae katulad ng pagmamahal ko sa mga lalaking nagustuhan ko. May kanya kanya tayong outlook sa buhay. Masasabi kong selectively close-minded in nature ang mga tao. Syempre ang mga straight close-minded na sila na hindi sila makikipag-relasyon sa same-sex. Ganun din ang mga homosexual, close-minded na din na makipag-relasyon sa opposite sex.

Gusto ko ibalik yung question sa mga nagtatanong saken, Ikaw ba open makipagrelasyon sa same sex? Sigurado ako, isang malaking HINDI ang sagot dyan. Kaya wag mo na akong pangaralan na "iba pa din pag babae ang pakakasalan mo", kasi ikaw mismo hindi mo magetz ang point of view ko. Point of view mo yan as a straight person. Eto ang point of view ko as a homosexual.

Ngayon usapang anak naman. Hindi daw ako magiging fulfilled pag hindi ako nagkaroon ng sariling kong anak na kadugo ko. Ang masasabi ko dyan...

SAYS WHO?!

Again, eto nanaman ang tinuro satin nung mga bata tayo. Na dapat after magtapos ng pag-aaral mag-asawa't magka-anak. Inuulit ko, ito ay para sa heterosexual. Although may kakilala akong mga homosexuals na gusto din magka-anak, pero ako, ok lang kahit wala. Kung magkakaron man ako, it will be through artificial insemination katulad ng ginawa ni Joel Cruz. Hindi ko maatim na makipagtalik sa girl. Oh, may naririnig ako, hindi ko pa naman kasi nasubukan. Bago mo ko sabihan ng ganyan, siguraduhin mo lang kaya mong makipagsex sa same sex ah!

Oh may isa pakong narining, yung ibang bading nagkakaroon ng anak. Well, iba iba din naman kaming mga bading. Siguro sila, napagtanto nila na bading sila after nila magkaanak. Ako kasi 9 years old palang ako, alam ko na kung ano ako. Or sila kaya nilang sikmurain na makipagtalik sa babae. Pero ako hindi. Hindi ko kaya talaga. Kaya hinding hindi mangyayari. Iniisip ko palang kinikilabutan ako! Pwede ba!

Sa usapang relasyon naman, sabi ko nga kanina, hindi ko rin naman sure kung makakakita ako ng lalake para saken. Siguro dala na din ng magkakaron ko ng pusong babae, mala-fairy tale yung gusto kong Prince Charming. Sino bang hindi lumaki sa fairy tale? Pero syempre, si Prince Charming ay sa fairytales lang. Kaya nga ang hinahanap ko ay yung totoong tao. Yung hindi looks, hindi pera, at hindi koneksyon ang dahilan ng relasyon namin. Kundi pagmamahal. Idealistic diba? But I am prepared to live on my own kung wala din naman akong makikitang lalake na para saken. Kasama na yun sa preparations ko sa buhay ko. I chose to be gay and I will live with it. No drama. No whining.

Sa usapang kasal, kung bibigyan ng pagkakataon. Gusto ko naman din ikasal. Pero sa lalaking mahal ko at mahal ako. I'm prepared to take his surname. It will signify that I am entrusting him my whole body and soul. My life is his and I will be forever be in his service. I will take it abroad, wala namang pag-asa na magkaron ng same sex marriage dito sa Pilipinas. Sigurado ako kung magkakaron man, andaming restrictions. Kung sasabihin nyang, maging housewife ako, ok lang din sakin. Ganun ako magmahal eh.

Proud ako maging Dyosa. Kasama na yung ups and downs sa buhay. Ito ang buhay na pinili ko. Mas pinili kong ipakita sa mundo ang tunay na ako kesa, sabi nga ni Tita Bong, magtago sa cabinet. Tingin ko naman, I am emotionally and mentally ready for the life of a gay man. Currently pinupunan ang magiging financially ready. hihi!

Photobucket