mentally unstable

Super duper confused ako. Hindi ko na alam talaga kung anung gusto kong gawin. Literal na nagsasabong sa utak ko yung dalawang personalities ko. Yung mabait at not so mabait side of me. Yung understanding at unaccepting part of me. Yung mahal na mahal sya, at galit na galit sa kanya na ako din pareho.

Photobucket

Kanina umiyak ako at napasigaw na mahal na mahal ko sya. Napahagulgol ako ng malakas. Tumutulo yung luha ko habang sinisigaw sa malakas na ulan sa bintana ko na mahal na mahal ko sya. Hawak yung panyo kong leopard print, humahagulgol ako na mahal na mahal ko sya. Haaay... Kahit papano, nabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

Ang hirap labanan nung feeling na ganun kalakas. Pinipilit ko syang ikinulong sa puso ko pero lagi akong naooverwhelm. Constant struggle tuloy ang labas namin. Pilit akong nagpapakatatag. Sana TIME, bilisan mo dyan at tulungan mo na ako. Next year pa 'possibly' sya magkaron ng time para makapag-usap kami ng masinsinan. Kaya please, hirap na hirap ang loob ko. Tignan mo naman ito:
Photobucket


Baket dyan parang ang saya saya namin? Baket? BAKET?! BAAAKKKKETTTTT??!! Baket ngayon wala nah? Gulong gulo ako! What did I do to deserve this?! Kahit bigyan nyo lang ako ng explanation kung bakit naging ganto ang lahat. Masaya na akong magmomove on. Everything was alright. Why did it end like this? ARRRRGGGHHHH!!!!

Bigyan mo naman ako ng explanation. Please!!!!! Please!!!!!
Photobucket

Stand of Solidarity

Gusto ko humingi ng tawad sa mga kaibigan ko. Alam ko naging selfish ako nung bumalik sya sa buhay ko. Honestly, inisip ko na sya na talaga ang para saken. Hindi ko kasi maexplain yung kaligayan na naramdaman ko eh kaya paxenxa nah. Sobrang saya ko kasi talaga nung bumalik sya. Alam ko nakalimutan ko na gamapanan yung mga dapat kong gawin kasi nung mga panahon na yun, sya lang yung laging nasa isipan ko. Kaya patawad, at ngayon babalik nako sa mga roles ko sa inyong lahat:


Photobucket
...maging ate sa mokong na to...

Photobucket
...maging soul sister...

Photobucket
...maging goddess of infinity...

Photobucket
...maging pseudo bestfriend...

Photobucket
...maging bond sister...

Photobucket
...maging partner in crime...

Photobucket
...maging fellow royalty...

Photobucket
Photobucket
Photobucket
...maging prime support ng mga kolokoy na to...


Salamat din kasi kahit ganun ang ginawa ko, andyan pa din kayo. Alam ko nafifeel nyo din na I'm hurting. May built in Dispersion ability ako eh. Salamat salamat dahil alam ko hindi ko mag-isa sa paharap sa challenge na ito sa buhay ko. For now, ang ginawa ko, nifold ko muna lahat ng Photobucketemotions ko pertaining to him at kinulong lang sa loob ng puso ko. Alam ko naman kasi hindi ako tuluyang makakamove on kasi marami pang tanong ang hindi pa nasasagot. Gustong gusto ko talaga silang malaman. Pero alam ko, pareho pa kaming hindi pa handa para sa mga yun. Kaya sana sa Final showdown namin, suportahan nyo ako. Hindi ko kasi kakayanin mag-isa eh. Masyado ko syang mahal para mabilis na makamove on.

Photobucket
BnBp, my second family


Love us or hate us, we are still one family

Photobucket

Tigang

Habang ako'y naglalaro ng aking favorite mind games sa Friv, umandar nanaman ang multi-task powers ng dyosang ito. Habang pilit nisosolve yung puzzle sa mga laro, naisip ko na ang drama drama ng buhay ko lately. Parang indie film yung buhay ko! Ay nako! Halos lahat ng elements ng gay themed indie film andito nah. Trust issues, self-discovery, hesitation, alternative happiness... Kulang nalang bed scene! Kumpletos rekados na!

Photobucket

Hmmmp... Actually, two years na akong celibate. Ewan ko din ba. Madaming chance na pwede pero I just chose not to. Ngayon ang problema ko, may sexual urges ako lately. Nasabi ko nga na sexually attracted ako sa "kanya". Sabi nya kasi ayaw nya ng mga bagay na bastos so hindi ko yun inoopen. Bukod pa dun, natatabunan ng pagmamahal ko yung lust ko para sa kanya. Pero ngayon na unti-unti nang namamatay yung pagmamahal ko sa kanya, lumalabas na ngayon yung sexual urges. Magaling ako magself-control. Hindi naman ako balahura na kung sino sino nalang. Madalas naman minor lang din yung mga gantong nararamdaman ko kaya I can keep them at bay. Nahihirapan lang ako kasi naipon ng naipon kaya medyo marami at mahirap madissipate ng mabilis.

Kung binabasa mo to ngayon, pwede ba tayong magbreak up sex? Para naman masabi ko na hindi naman nasayang lahat ng emotions na ininvest ko sayo. Wahahahaha! Maramdaman ko naman physically yung mga pinagsasabi mo sakin dati. Ang pathetic eh noh? Sinaktan mo na nga ako, sayo ko pa din gusto makipagsex! Wahahahaha! Sabi ko nga, hindi ako balahura na kung kani-kanino lang papatol. Ay! Bakit nga ba tatawaging break up sex un, wala namang relationship na naganap! Wahahahahaha! Kung ako pa din si Betong na mahal na mahal ka, sasabihin kong "kahit ito nalang po ang huli kong request, kahit po kalimutan mo na ako afterwards." Pero hindi na ako un eh ang sasabihin ko na ngayon, "Patikim nga!" wahahaha!!! Parang FUBU lang!

Tinatawanan ko lang yung urges na to pero sa totoo ang hirap. Puro lalaki pa naman yung mga kaibigan ko. Pero I'll stay true to my word na hindi ako pumapatos ng kaibigan. Kahit mahirap, gagawin ko lahat malampasan ito. And then one day, lilipad ulet ako. Bilang isang natatanging...

DYOSA


Photobucket

Food for my thoughts

Pag wala ako so mood or malungkot ako, dalawa lang ang ginagawa ko. Nagpaparaparaparadise ako, o kya nagluluto. Pero dahil wala akong datung para makapaglakwatsa at magmall para sumayaw, nagluto nalang ako nung isang araw. Matagal tagal na din ako hindi nakakapagluto ng comfort food. Siguro kasi matagal akong hindi naging malungkot. Kaya nung napagdeskitahan ko magluto, super sarap nung nagawa kong corn soup! whhahhahaha!!

Photobucket


Meron pa akong madramang shoutout na pinost sa Facebook habang tinitira ang heavenly corn soup ko.

"Just made corn soup for my soul, my brain, and my heart. I'll eat this wholeheartedly."

Food really makes me feel comfortable, buti nalang eh may talent ako sa pagluluto kaya pag may ginusto akong kainin eh kahit papano eh napagbibigyan ko yung sarili ko. Hindi ko rin namamalayan, pag nagiintay ako para kumulo or magchange yung color ung niluluto ko, narerelax ako habang nag-iisip. Minsan nga, habang nagluluto ako nagkakaron ng peace of mind. Kasi dun ko naiisip yung mga dapat kong gawin.

Ngayon na wounded yung heart ko, nakatulong din talaga yang corn soup na yan. Lalo na nung feeling ko na I was enveloped by this warm feeling. Naramdaman ko talaga that everything will be alright. Ang sarap pa nguyain nung corn kernels. It was just me. Eating one of my favorite ingredients. Alone. Having all the time in the world. It's simply a bliss. Parang unti-unti nang gumagaling yung sugat ng puso at kaluluwa ko. Kaya ko to! Isa akong Dyosa! Nagkatawang tao lang ako para sa kanya! Ngayon na wala na sya, ako'y magiging isang Dyosa muli!

Speaking of food...

PhotobucketNaubos ko na yung pasalubong nya na Peanut Brittle from Baguio. Infairness masarap sya. Hindi ko inexpect na ganun sya kasarap. Medyo malambot kasi yung caramel eh. Hindi sya yung nakakatrauma na nabili namin dati na super tigas! In a span of two weeks ko din sya kinain, at ngayon ang last day nya! whahahahaha! Hindi naman ako reluctant kainin kasi alam ko, in good faith naman nya to binigay saken. Tsaka masarap eh, baket ba? Pagkain yan eh, anu bang ginagawa sa lafuz kundi lafangen!

PhotobucketKanina din binuksan ng parents ko yung isa pa nyang pasalubong, yung strawberry jam. Niaarbor nga yun nung isa kong friend kasi fav nya daw yung ganun. Pero syempre yung time na yun eh special pa sya saken kaya sabi ko, kung hindi lang yun bigay nya, ok lang eh. Pero ngayon na bale wala na kami sa isa't isa, ay isheshare ko nadin tong Jam. Infairness, kahit hindi ito yung brand na gusto ko (gutso ko kasi yung may buong strawberry eh), masarap pa din. Hindi sya uber tamis kahit na alam kong sakasakan ng daming sucrose at glucose ang laman nun.

Matapos ng nangyari, ay isisigaw ko. Isisigaw ko na isa akong

Photobucket


Photobucket

Closed System

Photobucket


Ganyan sana yung gusto kong maging relationship namin. Close Friends. Walang malice sa isa't isa. Pwede kaming maging intimate pero hindi oover. Yun bang walang pretentions. Hindi namin nijajudge yung isa't isa kung ano kami, o kung anu yung ginawa namin. Basta pag magkasama kami, alam namin na we can be ourselves. Our innocent and honest selves. Walang lokohan. Walang lihim. Just bare. But in a sudden twist of fate, nawala nalang bigla.

Personality shift
Syempre naman nasaktan ako. Sabihan ka ba naman ng I love you very much ng dalawang magkaibang instances. Kahit sa text lang yun, pero dahil tiwala ako kanya, naniwala akong totoo yun. At sa huli, binawi nya din yung mga sinabi nya. Hanggang friendship nalang yung maibibigay nya saken. Naiintindihan ko naman yun. Pero sana niexplain nya lang kung bakit pa nya ako sinabihan na I love you very much tapos bigla nalang mawawala. Napansin ko lang na sinabihan nya ako ng ILYVM after ko sya matulungan in some way. Must be his form of thank you.

PhotobucketNawala lang naman yung closeness namin nung sinabi nyang super busy na sya. Siguro pride ko nalang yung nagdidictate saken na magalit. Pero hindi ako papadaig sa pride ko. Hindi ko lang mapigilang maisip kung san ba talaga kami nagkamali? Lokohan lang ba talaga yung nangyari? Pero bakit kaya nung nagsisimula palang sya sa bago nyang school, pag nagkakasabay kami magonline sa Facebook kahit na nasa school sya, sya yung nagiinitiate ng conversation namin? Bakit kaya nya ako pinasalubungan nung umuwi sya from Baguio? Bakit nya tinanong kung sino yung favorite author ko at binili nya ako ng dalawang book? Bakit sinabi nyang proprotektahan nya ako bilang White Knight ko? Bakit nya ako inangkin at sinabing "my Betong" kung hindi talaga yun yung nararamdaman nya? Bakit pa ba sya bumalik sa buhay ko kung sasaktan lang din nya pala ako?

Andaming questions pero sya lang makakasagot ng mga yan. Puro Bakit. Kasi wala talagang linaw sakin yung mga mixed signals nya. Kung bilang isang bisexual eh hindi sya naiinlove sa bading na katulad ko, sana hindi na lang nya sinimulan kung hindi rin pala sya sigurado. Nagkanda leche leche pa tuloy lahat. Naalala ko pa sinabi nya yung linya na "Kung kelan ko naman naisipang gawin yun, mukhang lalayo kana". With regards to "yun" hindi sya nagelaborate. Maayos naman yung simula, masaya naman, pero biglang nag 180.

Anyway, he's in the past now. Pero hindi ko parin tuluyang isasarado yung pinto ko sa kanya. Pero katulad nung sinasabi ng title ng blog post na ito, My heart is a closed system. Hindi ko na sya bibigyan ng piraso ng puso ko, pero pede ko pa syang bigyan ng emotions ko, whether good or bad emotions, depende na yun sa kanya. I'll just be vigilant nalang for his next move. May unfinished business pa kami kaya I know there would be a possibility na kontakin nya ako ulet. He may have won this battle, but the war is not yet over!

Feeling ko kilala ako ni Marcelo Santos III in real life! Swak na swak itong video story nya eh! Ganyan ako nagpakatanga sa kanya, lahat inintindi ko. In the end, binawi na rin nya lahat.

Photobucket

Project MS3

Super nainspire talaga ako magsulat sa nangyari sa buhay ko lately. Samahan mo pa ng kakapanuod sa mga video stories ni Marcelo Santos III. Ay! Grabeh! Hopeless romantic ang feeling! Kaya ngayon, naisip kong pagsamahin yung dalawa. Gagawin kong video story yung mapait na love story ko! whahahah! Kahit magalit pa sakin yung other party, wala na akong paki! Naggoodbye nako sa kanya! Tsaka dapat nga maflatter pa sya noh! Pageeffortan ko yung Project Marcelo Santos III or Project MS3! Hindi ko pa alam kung ilang episodes sya, kasi nibrebreakdown ko pa yung lahat ng maganda at hindi na dapat isama. Pero super excited nako dito! Gagawin ko to hangga't wala pa akong trabaho. Wihihihi!!!

Kung magagalit sya, etong sa kanya! FREEZING FIELD!!!!
Photobucket

Photobucket

Expecto Denique

Ngayong araw na ito, sisimulan ko nang tuluyang kalimutan na ang pinakamamahal ko. Sa simula palang, handa na ako sa pwedeng mangyari. Inihanda ko na yung sarili ko sa labis na sakit at kalungkutan na mararamdaman ko. Ngayon, puputulin ko na yung pagmamahal na yun. Bawat masasayang minuto namin ay ituturing ko nalang na mga nakaw na sandali. Ituturing ko nalang ang nangyari bilang isang malaking pagkakamali.

Gusto kong magpaalam sa iba't ibang persona na ipinakita saken ng pinakamamahal ko. Ito yung iba't ibang stage ng pakikitungo nya sakin. Nais kong sabihin sa bawat persona na yun yung nilalaman ng puso ko.

Paalam White Knight
Photobucket

Sa simula palang alam kong parang napressure kita kasi binigyan kitang tag na White Knight ko. Alam kong hindi mo yun ginusto, at patawad dahil ginawa ko yun ng walang kaabog abog. Naging masaya naman ako na kahit sa maikling panahon, alam kong naging sincere ka sa pagiging White Knight mo. Alam ko, hindi ka na babalik simula nung nagkaron ka ng problema. Kaya sinubukan kong maging ako naman ang protector mo nung mga oras na yun habang pinagdarasal ko na bumalik ka pa din. Tama ka, you failed as my White Knight. Ayokong sabihin sayo yun dati kasi ayokong mawalan ka ng loob. Tiwala pa din kasi ako sayo. Pero ngayon na siguradong sigurado na ako na hindi ka na babalik, gusto kong sabihin sayo na kahit nagfail ka bilang White Knight, hindi yun kawalan sa pagkatao mo. Ikaw pa rin yun. Kahit anong gawin ko sa buhay ko, kahit makahanap pa ako ng iba pang mamahalin, ikaw lang si White Knight. Ikaw lang ang White Knight ko.

Paalam Superman
Photobucket

Kahit isang araw lang kita nakilala, dahil isang araw ko lang nalaman na ikaw na si Superman, masaya pa din akong nakilala kita. Naintindihan ko na kung bakit hindi masyadong nag-aalala yung mga kaibigan mo sayo. Napakastrong mo pala talaga kasi. Patawarin mo ako kung naging sagabal ako sayo. Kung nagiging dagdag na pasakit ako sayo kasi lagi akong nangungulet. Patawarin mo ako dahil minahal kita ng sobra sobra at naging dahilan yun kung bakit naghirap ang loob mo. Wala akong intensyon na maging burden sayo, hindi ko yun sinasadya. Gusto ko lang kasi sanang iparamdam sayo na mahal kita Superman, at susuportahan kita sa kahit anong problemang kakaharapin mo. Sa huli, hindi pala talaga ako ang Kryptonite mo. Ipagdarasal ko na makita mo yung Kryptonite mo, na gagawin ka muling tao.

Paalam angel
Photobucket

Pinakanalulungkot ako kasi kelangan na kitang pakawalan ng tuluyan. Matagal ka nang lumipad palayo, gagawin ko lang official ang pagkawala mo. Salamat angel kasi binigyan mo ako ng oras para pakinggan yung mga kwento mo. Marami pa akong gustong matutunan at malaman mula sa sayo pero alam kong hindi na maaaring mangyari pa yun. Marami tayong mga pangarap na hindi na matutupad. Marami nang mga bagay na naisip natin na hindi na natin pwedeng gawin. Nanghihinayang talaga ako sa mga bagay na yun. Pero meron akong itutuloy na isa. Yung Project enREACH. Alam kong magandang project yun kaya kahit ako lang mag-isa, itutuloy ko pa din sya. Isasama pa din kita bilang isa sa founders nun dahil hindi naman mabubuo yun kung wala ka. Angel, susubukan ko tuparin yung mga napag-usapan natin patungkol sa passion natin kahit mag-isa lang ako. Kahit hindi mo ako matulungan physically, sana naman ipagdasal mo na magtagumpay ako. Igigive up man kita, hindi ko pa rin tuluyang ilelet go ang mga pangarap natin.

Paalam Prince Charming
Photobucket

Paalam na Prince Charming. Salamat pinagbigyan mo akong makita kung sino ka talaga. Alam ko nung mga unang araw na bumalik ka sa buhay ko, totoo lahat ng sinabi mo. Alam ko nung mga araw na yun, sinasabi mo yung totoong nasa puso mo. At naging masaya ako kasi kahit papaano, masasabi akong napabilang ako sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Ikaw lang yung lalaking nagpakilig sakin ng ganito. Aaminin ko, simula nung napagpasyahan kong magpaangkin sayo, naging loyal talaga ako sayo. Kahit na maraming nagpaparamdam, ikaw pa rin ang iniisip ko. At kahit na sexually attracted din ako sayo, natabunan sya ng nag-uumapaw na damdamin ko para sayo. Pero hindi ako nagsisisi. Gusto lang kitang mag-ingat. Alam ko naman na kilala mo ako. Matapos ito, sigurado akong mawawala na si Betong nakilala mo. Unti-unti ko nang nararamdaman yung pagshift ng personality ko. Pero lagi mong iisipin na mahal na mahal na mahal ka ni Betong. Yun nga lang, hindi na sya babalik. Nagdesisyon na akong tumawid sa bridge. Hindi nako babalik. Salamat Prince Charming na kahit sa maikling sandali, napaligaya mo ako. Salamat. Salamat.

PhotobucketPhotobucket


Paalam na sa lalaking pinakamamahal ko... May You Kindle Every Love...




Photobucket

The Kuya Doc Bulletin

Photobucket
Sasuke and Itachi Uchiha


I finally was able to watch the battle between the two brothers, Sasuke and Itachi Uchiha. My gosh! I cried horribly during episode 141 when Madara is narrating the true story behind Itachi's conquests. In the end, he did everything for the sake of his little brother. Even at the expense of his own reputation. Kalerkaley!

The episode inspired me to write about my own big brother. I don't know. I just had the urge to write about it. Maybe I am not too vocal of what I really feel towards him, or towards his actions. But my hands are itching to type what I'm thinking! hihi! I have two big brothers (actually three if you count the other one). The one I'm pertaining to is the one whom I followed, the one who is now a doctor.

The earliest memory that I have of my big brother is in our kitchen sink. I was sitting on top of the lavatory, while he was standing in front of me. I don't remember what age I was when this happened but I remember him brushing my teeth while singing "Pasikot sikot tatsulok". He was doing round motions with the toothbrush. This is also the 1st time he showed me how to gargle. Of course, I remember that I wasn't able to do it and he was laughing like mad.

I used to play indoor games with him along with our Big sister. The games that we played together if I remember correctly are: Dominoes, Uno Cards, Millionaires Game, Dama, and Jackstones. I really really remember that we played jackstones because he is very talented in the exhibition part! I swear!

There are two instances that I remember that I celebrated my birthday with him as kid. The 1st one is actually the 1st time that I met his then girlfriend (now his wife). We watched the animated movie Hercules in Tutuban Silverscreen. The 2nd one is when they took me to Dreamscape in Robinsons Galleria where they paid for my Ride-All-You-can pass.

But being his brother is not always that happy. I actually grew up in his shadow. People had the notion that since he took up medicine, I will as well. Since he is the best, they expected me to be the best too. Maybe that's the reason that my parents where strict when I was a kid when it comes to academics. I was forced to excel because I need to be at par with my brother. Well, sorry for them, but after I hit puberty they can't force me to do what I don't want to do. I knew what I want, I have moral standards and I know how to take care of myself, uhmm.. sometimes! whahaah!

I find it very funny that when I do something stupid, my big brother is usually the one to take me out of it. Like when I skipped my PE class during my one year of stay in UST Pay High. Also, I think he's my mom's secret weapon when I'm being stubborn. She usually asks him to talk to me. Yep, and I usually listen. Usually. Wihi!

The only time that I remember that I cried because of my Big Brother was not too long ago. When he finally confirmed that I am a homosexual, I felt as though he rejected me. Maybe he wasn't expecting to confirm it or what, I just felt that he had a change of heart. There was this instance that I thought that he doesn't want me near his kid in the fear of infecting his son. I think I cried myself to sleep that night if I remember correctly. Well, that's the past. I don't feel that right now and I'm certain that he doesn't feel that way now.

Things that my Big Brother taught me
  • Never Litter - there was this time that I threw a candy wrapper in a pile of trash, he scolded me. He said that it's already dirty, why would I make it dirtier (by simply adding another candy wrapper).
  • Think outside of the box - He answered the word problems in my algebra book when I was in high school. He said it was his favorite topic in algebra, and he showed me some techniques too!
  • Never let anyone dirty your name - if you need to fight then fight for it. As long as you will fight with dignity and without malice. Yeah, I followed this, that's why I didn't let those political backstabbing stop me from being who I am.
Yeah. I'm his little brother. The cry baby no more. But still as stubborn as ever! hihi!!!
Photobucket

Facebook question

Merong ilang araw ng lumalabas sa Facebook wall ko na question. Ito yun:

1+1+1+1+1+1+1+1+1+1-1+1+1+1+1+1+1x0 =?

Ang sagot sa question na yan ay 14. Basic Algebra. MDAS RULE!!! Multiplication Division Addition Subtraction! Please lang! Mahiya naman tayo kung zero yung sinagot natin!!! Nakakahiya kayo mga ChE students pa naman kayo! Kakainis na eh! Andami na zero yung sagot!

PhotobucketSunugin! Sunugin! Sunugin! Sunugin!Photobucket


Photobucket

New Youtube Subsciption



OMFG!!! Those eyes!!! I'm attracted to those eyes!!! The Facial marks!!! So perfectly placed!!! *faint* Grabeh na itu!!!

Kev Jumba you're my new addiction! Photobucket Wihi!

Photobucket