Ganyan sana yung gusto kong maging relationship namin. Close Friends. Walang malice sa isa't isa. Pwede kaming maging intimate pero hindi oover. Yun bang walang pretentions. Hindi namin nijajudge yung isa't isa kung ano kami, o kung anu yung ginawa namin. Basta pag magkasama kami, alam namin na we can be ourselves. Our innocent and honest selves. Walang lokohan. Walang lihim. Just bare. But in a sudden twist of fate, nawala nalang bigla.
Personality shift
Syempre naman nasaktan ako. Sabihan ka ba naman ng I love you very much ng dalawang magkaibang instances. Kahit sa text lang yun, pero dahil tiwala ako kanya, naniwala akong totoo yun. At sa huli, binawi nya din yung mga sinabi nya. Hanggang friendship nalang yung maibibigay nya saken. Naiintindihan ko naman yun. Pero sana niexplain nya lang kung bakit pa nya ako sinabihan na I love you very much tapos bigla nalang mawawala. Napansin ko lang na sinabihan nya ako ng ILYVM after ko sya matulungan in some way. Must be his form of thank you.
Nawala lang naman yung closeness namin nung sinabi nyang super busy na sya. Siguro pride ko nalang yung nagdidictate saken na magalit. Pero hindi ako papadaig sa pride ko. Hindi ko lang mapigilang maisip kung san ba talaga kami nagkamali? Lokohan lang ba talaga yung nangyari? Pero bakit kaya nung nagsisimula palang sya sa bago nyang school, pag nagkakasabay kami magonline sa Facebook kahit na nasa school sya, sya yung nagiinitiate ng conversation namin? Bakit kaya nya ako pinasalubungan nung umuwi sya from Baguio? Bakit nya tinanong kung sino yung favorite author ko at binili nya ako ng dalawang book? Bakit sinabi nyang proprotektahan nya ako bilang White Knight ko? Bakit nya ako inangkin at sinabing "my Betong" kung hindi talaga yun yung nararamdaman nya? Bakit pa ba sya bumalik sa buhay ko kung sasaktan lang din nya pala ako?
Andaming questions pero sya lang makakasagot ng mga yan. Puro Bakit. Kasi wala talagang linaw sakin yung mga mixed signals nya. Kung bilang isang bisexual eh hindi sya naiinlove sa bading na katulad ko, sana hindi na lang nya sinimulan kung hindi rin pala sya sigurado. Nagkanda leche leche pa tuloy lahat. Naalala ko pa sinabi nya yung linya na "Kung kelan ko naman naisipang gawin yun, mukhang lalayo kana". With regards to "yun" hindi sya nagelaborate. Maayos naman yung simula, masaya naman, pero biglang nag 180.
Anyway, he's in the past now. Pero hindi ko parin tuluyang isasarado yung pinto ko sa kanya. Pero katulad nung sinasabi ng title ng blog post na ito, My heart is a closed system. Hindi ko na sya bibigyan ng piraso ng puso ko, pero pede ko pa syang bigyan ng emotions ko, whether good or bad emotions, depende na yun sa kanya. I'll just be vigilant nalang for his next move. May unfinished business pa kami kaya I know there would be a possibility na kontakin nya ako ulet. He may have won this battle, but the war is not yet over!
Feeling ko kilala ako ni Marcelo Santos III in real life! Swak na swak itong video story nya eh! Ganyan ako nagpakatanga sa kanya, lahat inintindi ko. In the end, binawi na rin nya lahat.
0 comments:
Post a Comment