Masayang masaya ako kanina kasi binigyan ako ni Mon ng gift, isang “Happy Bert-day” poster. Masaya na rin ako kasi kahit mukhang minadali lang ni Mon, at least nag-effort pa din sya for that. Bukod pa sa gastos ha. Yung poster na yun ang 1st material gift na nareceive ko for my bithday. Ewan ko, sanay naman din akong di binibigyan ng gift ano, pero, wala lang napakaspecial nung poster na yun para sa ken ngayon, ayan sya ngayon, nakadisplay sa kwarto ko.
Meron akong isang taong hinihintay na batiin ako ng Happy Birthday. Pero feeling ko hindi na nya gagawin. Ewan ko, feel na feel ko kasi na parang wala naman syang balak sabihan ako nun. Sya pa naman yung unang unang taong akala ko makakaalala. At yung unang taong alam kong may gift para saken. Pero wala, hindi na nya naalala, walang bati, wala ding gift. Haaay. Pero ok lang din, hindi ko rin naman sya masisisi, sino ba naman ko? Chos!
Sabi ni Donky, ibibili daw nya akong book, wala pa din (Uyy, nagpaparinig ako Donky!). Si Whel din, bibili din daw ako, pero hanggang ngayon wala pa din. Ay nako, ang mga gift ko ah! Nyahahhaha! Gusto ko talaga ng mga libro! Check out my wish list! Naalala ko tuloy, nung binili ako ni Lady Seo ng book nung 2nd year College. Tuwang tuwa talaga ako dun! It's a book of poems. Very inspiring sya, kasi yung poems tackles about anything and everything about LIFE. Nakakatuwa nga yung pagbigay niya sken nun. Hiniram nya pa yung bag ko. Tas nilagay nya dun. Haaay Lady Seo! Mahal talaga kita! Alalay mo ako for life!
0 comments:
Post a Comment