Ang instructor ko for this subject ay ang adviser namen ngayon, si Mr. Virgilio Agbayani. Kung idedescribe ko si Sir, mabaet sya. Magaling sya magturo. Yun nga lang super strict when it comes to academics. Ang quizzes nun, pamatay! Ang post lab report nun, andaming pinaparevise! Kalerkey! Kaya naman medyo napressure ako sa paggawa ng Powerpoint Presentation para sa Pre-lab report ng Experiement 7. Idagdag mo pa na ang kapartner ko ay isang miyembro ng Dean’s List, si Lady Seo.
Pinagpursigihan ko talaga ang paggawa ng presentation. Ayoko kasing mapahiya kay Sir, lalong lalo na, mapahiya si Lady Seo.
Day ng report. Grabeh, nakakakaba, ang dami kasing sinita ni Sir. Kesyo, nagsayang ng ng mga reagents kasi gumawa ng marami tapos tinapon lang. Meron naman sa presentation hindi mabasa. Walang animation, etc.
Kami na! Group 7 na! Niload ko yung powerpoint namin dun sa laptop. Syempre si Lady Seo muna, sa title, objective/s, tska dun sa Principle. Nagkamali pa nga ako kasi dalawa yung bullet nung objectives. Tapos nakalagay dun sa slide “Objective:” lang. Syempre sinita galore ni Sir, sorry everlou naman ako. Yung mga sumunod na parts: Materials and Apparatuses, Methodology, and Procedure; ako na yung nagdiscuss.
Syempre puro animation yun. As in every single thing dun sa slide na may animation. Pero may napansin sya dun sa mga chemical formulas ko. May mga hindi tama yung subscript. Pero napansin din nya na kami lang yung may subscript. The rest kasi hindi nakasabscript yung mga number nila. Tuwang tuwa nga si Sir nung nakita nya yung dropper animation ko. Impressed! Pati syempre ang mga classmate ko. Inulit ulit pah!
Tuloy ang report ko. Ayan patapos nah, eh mahilig pa naman ako maglagay ng picture sa hulihan ng slide. Nilagay ko. Aba! Natuwa ang mga classmates! Pati na si Sir! Inulit ulit pa ulet!
Masaya ako kasi ni-acknowledge ni Sir yung slide na ginawa ko. He hopes daw na galingan ko pa sa Post lab discussion. Hihi! Flattered talaga ako! Makakaasa sya na gagalingan ko pa yung next report ko!
0 comments:
Post a Comment