PhotobucketSi Jeseca Dayao ang isa sa masasabi kong may pinakamalaking naitulong (at maitutulong pa) ngayong college na ako. Sya yung tumatayong tutor ko pag may hindi ako naiintindihan o kya hindi ako pumasok. Minsan kasi talaga nakakatamad pumasok, minsan dahil sa schedule, minsan sa prof.

Una kong naging seatmate si Jes nung 1st year 1st sem ko sa UST-Engineering. Sa aura pa lang na ni-eexude nya alam mo nang hindi sya basta basta. Alam mong matalino sya, kasi nakukuha nya kagad yung mga lessons. Pero kahit na alam mong para syang nasa pedestal, she remains this humble person na pwede mong lapitan kahit anong oras.

Nakasanayan ko nang tawagin syang, “Lady Seo”. Kung maalala nyo, Lady Seo ang tawag kay Jang Geum sa Jewel in the Palace. Tinawag ko syang Lady Seo kasi, medyo may pagkahawig sila ni Jang Geum. (1) Parehong matalino; (2) Parehong humble at mabait; (3) parehong may chubby cheeks; (4) parehong laging nakasmile. Alam mo yun, yung kahit anong problema ang dumating samin, nakasmile pa din sya; (5) Parehong nagkaron ng jowang papalicious na mabait at matalino din katulad nya!
Pero actually, yung 1st 4 reasons lang ang totoong reason kung baket ko sya tinawag na Lady Seo, naging mag-on sila ni Toto nung 2nd year kame.

Si Toto yung boyfriend ni Lady Seo. 1st time namin sya naging classmate nung 2nd sem ng 1st year. Ikinagulat ko din na naging sila ano. Lately lang kasi namin nalaman na 1st sem of 2nd year naging mag-on si Jes at Toto. Ibig sabihin, seatmate ko sya, sila na! Heller! Close kaya kami nyan! Ang galing magtago ng sikreto ah! Hindi ko naamoy! Cute si Toto actually. He shares the same intelligence and also confidence katulad ng kay Lady Seo. Pareho silang smiling face. Kaya pag nakikita mo sila together, mapapasmile ka din kasi parang ang saya saya nila tignan.

Photobucket2nd sem of 2nd year naging maugong na si Jes at Toto na. Nalipat kasi ako sa ibang section nun kasi bumagsak ako ng Physics 1. Nung una hindi ako naniniwala. Kasi naman, close ko si Jes ano, wala naman syang nasasabi saken. Tapos hindi ko naman sila nakikita ni Toto na nag-uusap nun, much more nagkakasama. Talagang hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi nung mga panahon na yun. Until makita ko sila with my own four eyes. HHWW! Twing gabi sa UST! Nagra-rounds sila! OMG! Naloka loka ako dun! Sa harap ko dumaan sila HHWW! Shet! Parang gusto kong himatayin nun! Naloka talaga ako dun! Pero nung panahon na yun kahit na nakita ko na sila first hand. Ni-deny pa din nila yung totoo.

3rd year 1st sem. Session namin with our Guidance Counselor, Ma'am Irish. Tinawag si Toto. May tinanong sa kanya, nakalimutan ko kung ano. Basta yung sagot si Jes. Ang follow up question, ano mo ba sya? Ang sagot nya? Girlfriend ko po sya. Syet! After such a long time! Naconfirm na sa buong batch namin ang relasyon nila! Ang tagal din nun ah! Nag-anniversary na sila nung nalaman namin officially!

Ako ang utak sa pagsasabing mayaman si Lady Seo. Yung sya yung Prinsesa ng Bicol? Ako may pakana nun. Ewan ko din kung san ko nakuha yun. Basta ang lagi kong sinasabi sa kanya, “Kami kasing mga hampas lupa...” Tapos ayun, maraming mga bagay na ang sumulpot gawa nga “Mayaman si Jeseca Dayao”.
Listahan ng mga bagay bagay na ginawa namin tungkol kay Jes:

  1. May-ari sila ng Hacienda de Dayao sa Bicol
  2. Sya naman may Mansion de Jeseca
  3. Ang lupain nila kaya hindi nasisira pag may bagyo dahil may force field sila
  4. Kaya bumabaha sa España dahil dumadating ang submarine nila Jes para sunduin sya
  5. Front lang yung normal fone ni Jes, marami syang collection sa aparador nya
  6. Kunwari lang dorm yung tinitirhan ni Jes, alam mo na iwas kidnap
  7. Bumili sya ng bagong headband notebook ballpen, etc, sa iba't ibang bansa.
  8. Kontrolado ng Dayao Family ang US of A
  9. One Dayao Dollar is equivalent to 1 trillion US dollars
  10. Pag feel ni Jes, umuuwi sya sa Bicol using Helicopter
  11. Merong island sa Boracay called, Dayao island
  12. Nagpapagupit pa sya abroad
  13. Meron syang iba't ibang personal chef on different cuisines
  14. and many more!


Para sakin, hindi lang basta tutor ko sa mga subjects si Lady Seo. Isa syang kaibigan na pwede kong lapitan at asahan kahit anu mang oras. Kaya super thankful ako dahil merong isang Jeseca Dayao sa buhay ko. Hihi! =D