Grabeh, ang saya ng dance practice namin kanina. Andaming songs! Kahit mukhang maiikli lang yung mga steps, super dami naman! Grabeh! Andami kong siniksik sa utak ko kanina! Meron pa naman mga walang counting kasi sa beat nung song yung steps. Grabeh, kalerkey yun! Pero enjoy talaga yung dance practice. Dati kasi nung high school ako every month sumasayaw ako, kasi every month may program eh. Minsan dalawa pa nga sa isang month eh. At tapos multiple dance pa ako. Grabeh, those wer ethe days. Ang saya saya talaga nun.
The best talaga nung high school kasi hindi lang puro modern yung nasasayaw ko. May folk dance, interpretative, jazz, at kung anik anik pa! Depende sa theme nung program. Fav ko sa folk dance yung Tinikling! Ang saya kasi nun, lalo na yung thrill na maiipit yung paa mo pag hindi ka nagtino sa pagsasayaw mo. Gusto ko yung sayaw namin dati yung Modern Jazz. Dun kasi nakita yung dancing prowess ng batch namin, kasi puro 4th year lang yung sumayaw nun. Hindi man sa pagbubuhat ng sariling bangko ano. Batch namin yung isa sa pinakamagaling na batch ng dancers sa school na yun. Actually, kami nalang yung batch na may versatile dancers. Dahil yung mga sumunod sa batch namin puro modern lang ang kayang sayawin noh! Hindi pa nga nila masayaw ng maayos!
Ang saya saya talga nung practice, especially yung sayaw namin sa Whine up! Ang landi! Pambading! Nakakaloka!
Eto yung routine namin kaso walang Whine up dyan kasi para sa mga ibang committe yun, Cultural kasi kame. Pero sasayaw din kami dun. Kami pah!
Part 1
Part 2
0 comments:
Post a Comment