Hindi ko talaga makalimutan yung pagkapanalo namin nung 1st year namin sa UST Faculty of Engineering. Hindi lang ako nagenjoy sa pagconceptualize kasama ng mga uber talented kong mga classmates, nasayahan din ako sobra nung kasama ko silang lahat magperform. 99 years na kasi nun ung Engineering, tapos may theme yung Founding celebration ng "'99 years, Future Ready". 2nd sem na un syempre. Ang adviser namin nun ay si Engr. Cristino "Butch" Carbonel. O diba ang swerte! Well, sya naman talaga yung naginspire samin to strive na paghandaan mabuti yung Engg Parade. Tingin ko din, without his support, wala kaming mabubuong ganung concept.

Meron kaming mga songs na kinanta nun. Mula sa creative minds nila Jepoy at Chi Dieng, lumabas ang pinakakwelang ispup lyrics na narinig ko. Actually, isang kanta nalang ang kabisado ko, kasi lagi ko yun kinakanta, pati dance step alam ko pa!

Eto nalang yung kantang kabisado ko pa lyrics at dance:

Thomasian Chemical Engineer in the tune of Katawan by Hagibis
Kaming lahat! ay Tomasinong talaga!
Wala kaming! Mga bobo't tanga!
Di tulad! Ng FEU at Mapua!...

Mahilig kami sa Mathematics!
Problem Solving at Pagdodrawing
Lalo na ang pag mix ng chemical... aahh aaa aaals!!

Go Go Go, Go Go Go, Go Go Go,
1-2!
Go Go Go, Go Go Go, Go Go Go,
1-2!


Ang naisip namin ay magperform sa parade, tapos yung mga costume, mga mutant. Meron kaming teenage Mutant Ninja Turtles, X-Men, at Incredible Hulk. Ang saya nga eh! tapos yung mga walang costume, face paint nalang. Ang pinag-usapan eh yung mga may costume lang yung magpeperform, tapos yung mga nakaface paint, kakanta sa gilid. Eh syempre ang lola nyo, uber confidence kaya nakapagperform ako sa gitna at sa harap! Masaya! May picture nga ako sa e-cube eh, kaso hindi ko namahanp yung dyaryo na yun kaya hindi ko maishare.

Any way sa paghahanap ko sa mga account ng mga fellow 1-2, eto nlng ang nakit ako.

Photobucket
Fagneto


Bwahahahah! Si Sed! malaki naambag nyan! Sya ang nagsuggest ng Infamous! Crab dance! Whahahahha!