PhotobucketPhotobucket


Marami nakong naririnig about sa book na ito. Isa na ata si Averi dun sa nagsabi sakin na maganda daw ito. Biglaan lang din nung binasa ko sya. Nagkataon kasi na merong kopya na nakakalat sa bahay namin. Sa aking imbestigasyon, sa kuya ko yung librong yon. Si Mitch Albom yung sumulat, yung author ng Tuesdays with Morrie.

Napaisip ako ng librong ito. Katulad nga ng sinabi Mitch Albom sa foreword nya, isa itong interpretasyon ng heaven para sa kanya. Sabihin na natin na ganun nga ang langit. Pagkamatay mo, meron kang limang taong makikita sa langit. Maaring family mo, friend mo, co-worker mo, teacher mo, may instance pa nga na stranger pa sayo. Dun ipinakita na lahat tayo ay kasali sa friendster connection (Hwat??!).

Napaisip ako. Sino kaya yung limang taong makikita ko if ever mapunta ako sa heaven? (ay parang siguradong sa hell ang punta ah!) May criteria ito ah! Una, Dapat patay na sya! Pangalawa, dapat nasa heaven sya! Masamang damo ako eh kaya siguro matagal pa ako mabubuhay. Eto yung mga taong feeling ko makikita ko sa heaven:

Hula ko isa dyan ang dati kong bestfriend na si Jeane Tegio. Well, hindi ko na sya friend ngayon kasi hindi naman sya nakikinig sa mga payo ko sa kanya. Pinayuhan ko syang makipagbreak na sa boyfriend nya dati pero hindi nya ginawa. Nambabae na yung boyfriend nya nagbubulag bulagan pa rin sya. Alam nyo pano ko nalaman na may babae yung boyfriend nya? Nagkakulugo silang dalawa! Ngayon sasabihin nya saken na mahal sya ng boyfriend nya eh may tinitirang iba?! Kung monogamous yung boyfriend nya sa kanya, hindi sila magkakahawaan ng mga genital warts noh! Yuck! Ang kwekwento siguro sakin nung babaeng yun yung buhay nya after naming mawalan ng balita sa isa’t isa. Naku mag-iiyakan kami sa heaven! Bongga itu!

Isa ko pang hula eh isa sa mga pulubing hindi ko pinapansin sa daan. Hindi kasi ako nagbibigay ng limos lalo na yung nasa daan. Yung sa may UST kasi feeling ko may inuuwian eh. Nakakapgbihis pa nga ng malinis na damit eh. Anyway, baka isumbat sakin na dahil ako daw yung huling taong dumaan sa kanya, parang sakin mapupunta yung sisi yung bakit sya namatay etc.

Wala na akong maisip pang iba. Meron akong dalawang friend na nasa langit na: Si Argielene at Mariflor. Pero hindi ko alam kung isa sila dun sa limang may epekto sa buhay ko. Dun sa book kasi, meron 2 complete strangers dun sa bida pero nakita nya. Marami pa naman siguro akong mamimeet sa buhay kong ito. Tignan nalang din natin kung kanino ako makakaimpluwensya at sino yung mga makakimpluwensya saken.

May isa lang akong gustong pabago kay Mitch Albom. Hindi Sundalong ang Filipino ng soldier kundi Sundalo. OK? Mga Pinoy! Keep on inspiring authors to write something about the Philippines! Sikat eh!