I was watching Case Unclosed, of course sa Kapuso Network, at meron akong napagtanto…

Gwapo si Hen. Gregorio del Pilar! Swear!
Photobucket


You don’t know Hen Gregorio del Pilar? Aba! Mag-aral ka naman ng Philippine History no!
Dapat alam mo tong mga sumusunod tungkol sa kanya!
Si Hen. Gregorio H. del Pilar ay:
  • ang pinakabatang heneral sa kasysayan ng Pilipinas. 22 lang sya nung naging general sya.
  • Unang sumapi sa rebolusyon nung pagkagraduate nya sa Ateneo de Manila, nung 21 years old sya. Nakita nya daw kasi yung need na sumali at maging aktibo yung mga kabataan patungkol sa kalayaan ng ating bayan.
  • pamangkin ni Marcelo H. del Pilar.
  • isa sa pumirma sa deklerasyon ng Republika ng Pilipinas nung 1898.
  • tinaguriang bayani ng Tirad Pass, dahil dun ang kanyang huling laban at hantungan. He defended the trail para makatakas sa tropang Amerikano si Pres Emilio Aguinaldo.


Photobucket

Some things you might not know about Gen. Gregorio del Pilar.
  • Close sila ni Pres. Emilio Aguinaldo. Nakita kasi ni pres yung potential ni “Gorio” as a leader. Marami kasing nagging accomplishments si Gorio nung nasa Bulacan unit pa lang sya ng Katipunan. i.e. Nakasamsam (para sakin nakapanghold-up) sa prayle na kinuhanan nula ng mga datung; Nakakuha ng armas mula sa mga guardya civil.
  • Lapitin ng chiks si loko. Apparently, may mga chikkas sya kahit saan sya magpunta. Naging kasintahan nya daw yung little sister ni Pres Aguinaldo. Ang kwento pa, kahit may labanan, nang chichicks pa din daw sya.
  • Hyper daw magpaimpress itu, Plantsadong uniform, kumikinang na sapatos, at kabayong puti. Eh kahit ako nainlove eh! Pang prince charming ang dating eh!
  • Matapos ang 8 buwan na exile nila sa Hong Kong bumalik sya with Ahguinaldo at dineklara syang diktador ng Bulacan at Nueva Ecija.
  • May isyu na sya daw ang pumatay kay Hen. Antonio Luna. (Si Mr Swabe, na kapatid ni Juan Luna)
  • Namatay sya sa isang bullet wound from the back of his head through his throat. Ibig sabihin from the top yung bumaril sa kanya.

  • Sya ang huling namatay sa labanan na iyon.

    Ang isyu dun sa Case Unclosed eh kung Bayani ba or isang Berdugo (executioner) si Hen. Gregorio del Pilar. Meron kasing nagsasabi na berdugo sya ni Emilio Aguinaldo. Ginagamit sya para patayin yung mga political enemies (both current and potential) ni Aguinaldo. Isa na nga sa pinapapatay sa kanya eh si Antonio Luna. Usual, walang makapagsabi ng totoong nangyari.

    Photobucket
    Gen. Antonio Luna


    In my point of view naman, he was just doing his job. He was a soldier. He had the obligation to follow his superior. And that time that superior was Pres. Emilio Aguinaldo. Kaya nga ayokong mag-CAT, ROTC, Pulis, o sundalo. You are obliged to follow your superiors. Yuck! Kaplastikan! Minsan (o kadalasn) naman kasi, yung mga nasa taas, hindi naman deserved para dun. Kaya parang ako, I doubt na rin yung kabayanihan ni Emilio Aguinaldo. Para kasing nung sa Fil-American war eh, naginging greedy na sya for power. Diba may isa pa nga syang isyu na siya daw yung nagpapatay kay Andres Bonifacio?

    I refute yung sinulat nung mga American writers na sinasabing may kaduwagan daw ginawa si del Pilar sa Tirad Pass. And I quote. “Lumaban kayo! Ang tumalikod babarilin ko!” sabi daw yan ni del PIlar sa mga sundalong Pinoy. I agree dun sa sinabi nung mga contributors, na the story was made out of sensationalism. Biruin mo naman aksi 300 American Soldiers vs 60 Filipino Soldiers + del Pilar. Dehadong dehado!

    Kaya pinili ni del Pilar na sa Tirad pass gawin ang amush ng mga American pursuers nila eh dahil may upper hand sila ditto. Makipot ang daan, at applicable for guerilla tactics. Bundok kasi yun eh. So pag nasa tass ka madali mong makikita (at mababaril) ang nasa baba. Eh meron Filipino local ang nagturo ng pasikot sikot dun sa Tirad Pass. Mas nakapunta sa mas elevated na lugar yung mga Kano. In the end napalitanb nila yung pwersa ni del Pilar. Ayun, from above, binaril si del Pilar. Patay. After the battle 2 kano lang ang patay habang 52 Fil soldiers ang namatay.

    Biruin mo naman yun, kapwa Filipino pa mismo yung naghatid sa hantungan ng kapwa Filipino. Kaya ako, naniniwala, Filipino lang ang magkakanulo sa kapawa Filipino. Sigurado yun! Maniwala kayo saken!