Matagal ko na talaga tong gustong bilhin. Kaso nanghihinayang lang ako talaga lagi. Nang dumating ang isang pagkakataon. Sa exchange gift namin, 200 worth daw ang dapat bilhin. Chance! Kaya ang sinulat ko sa wishlist namin ay itong book na ito.

Photobucket


Masasabi kong medyo nakakatawa at nakakapag-paisip si Vlad Baustista. Meron kasing mga akda nya sa tingin mo ay walang kwenta eh. Pero kung iisipin mong mabuti, mabigat yung gusto nyang sabihin. Napapakita ito sa akda nyang “Si Mia”. Gustong gusto ko yung “Si Lola”. Nakaktawa sya. Lalo na yung Buhay Youth Oriented show! Sino ba naman ang makakalimot kina Peachy at Juaqs ng TGIS? Pero binigyan nya ng ispup ang mga ito sa kanyang akda. Naging Preachy at Kwaks! Matatawa ka talaga sa mga insights nung barkada sa youth oriented story na yun. Hindi man yun katulad nung sa barkada ko. Masasalamin pa din dun ang buhay ng ibang kabataan.

DIFFICULT IS NOT A WORD FOR PEOPLE OF COURAGE AND DETERMINATION.
– yan daw yung sinulat nya sa Yerabook nila. Aba may astigin pa pala sa sinulat ko!
ONCE A MIRROR HAS BEEN SHATTERED, EVEN IF YOU MAKE IT WHOLE AGAIN, STILL THE CRACKS REMAIN
-say mo?

Salamat Berna sa iyong regalo saken. Rest assured na aalagaan kong mabuti itong librong ito.