Photobucket


Actually, hindi ko pa ito nasusubukan. Pero ilan ito sa observation ko pag naglalaro kami ng Naruto. Of course magaling si Whel, maglaro ka naman ba buong magdamag. May mga ilang instance lang na nattalo sya ni Jebs. Pero kahit anong gamiting character ni Whel, magagamit nya yun ng maayos.

Beginner’s Guide
1. Alamin ang basic controls.
2. Matutong magKawarimi.
3. Magpractice muna nang isang character.
4. Alamin ang abilities and jutsus ng character na yun.
5. Pag napalabas mo ang chakra ng kalaban, kunin mo ito.
6. Remember na pag tumalsik ang kalaban, matutong magcharge ng chakra.
7. Matutong magsafe landing. Ang pagtama sa lupa at pader ay may bawas sa buhay.

Pag namaster mo na ang mga ito, ito naman ang mga tips ko pagkalaban mo si Whel. Take note, hinding hindi mo matatalo si Whel pag hindi mo master ang lima sa beginner’s guide.
1. Mabilis pumindot si Whel pag nagsusuper jutsu yung mga char. Pag sya yung nagjutsu, try mong pababain yung bawas by entering the controls as fast as you could, malay mo magkamali sya at mabreak mo yung jutsu. Magpractice magpasok ng controls.
2. Pag Hinata ang character nya. Mag-ingat dun sa skill ni Hinata na gumagawa sya ng chakra dome, siguradong aabutin ka ng 64 hits. Walang block yun. Nakakita ako ng butas dun. Gamitin yung Grab ni Narutong may isang buntot. Nakakapasok yung chakra dun sa dome. Next counter move for that is to summon yung tag team partner mo. Hindi ko pa naproprove yan pero nakikita ko kasing hindi tinatablan ng ilang attacks yung tag team partner.
3. Maraming combo alam si Whel, lalo na yung superjustu ending combos nya. I have approximated that. Normally, tatlong suntok at pagtumalsik, superjustu. Try to kawarimi dun sa 2nd and 3rd hit. Tapos unahan sa superjutsu si loko. After the third hit may approximately, 1.5 seconds para tamaan ka nung superjutsu ending. Normally, kay Neji yung ganun.
4. Magaling mag-estimate ng timing si Whel, dahil na rin siguro sa maraming fighting game na nalaro nya. Pag nahuli ka dun sa mga nagchacharge na jutsus, i.e. chidori, rasengan, susunud sunurin ka na nya. I have yet to see a counter for this pero better watch out dun. Ang Hypothesis ko, call yung tag team partner.
5. Ang pantalo dun sa nagchacharge najutsu eh pag hindi pa puno yung gauge, pwede mo pa itong macancel, use throw items.
6. As a general rule, wag pabuksan ang gates nila rock lee at gai kahit na sino pa ang kalaban mo.
7. Walang block pag puno na yung gauge charging jutsu, lumipat kagad sa kabilang lane. Especially, yung laser nung 4 tailed Naruto.

Madadagdagan pa ito dahil medyo tumatagal na ang laban nila ni Jebs. Mas maraming data yung nakukuha ko pag ganun. Mark my words! MAtatalo ko din si Whel! Whahahahahahah!