Honestly, hanggang ngayon masama pa din yung loob ko. We used to have a TP4 Scholar taking up Chemical Engineering. Since alam ko kahit papano, ako yung nag-influence sa kanya na kunin yung course, I took the responsibility of personally providing him all the help that he needed. Unfortunately, bumagsak sya. Binagsak nya ang favorite subject ko. Yes, bagsak sya sa Stoichiometry.

Nakakainis, actually hindi lang sa scholar na ito ako disappointed. Pati dun sa mga anak ko. Lahat sila tunuran ko ng Stoichiometry. Pero lahat sila binagsak pa din yung subject. Nakailang takes pa bago naipasa.

Ewan ko. Actually confident ako magturo ng subject na ito. Favorite ko nga kasi to. Pareho naman ang ginagawa ko sa mga tinuruan ko. Tatlong ways of solving pa nga yung tinuturo ko eh.

Yung una kung pano sya inexplain nung prof. Parepareho kami ng Stoich Prof. Kaya sigurado ako, maayos nauturo ang subject na ito kasi tried and tested ko na yung prof na yun. Favorite Prof ko din kasi sya. Kaya alam ko kung pano nya ineexplain yung theory at yung technique sa pagsosolve ng problems.

Yung pangalawa eh yung special techniques ko in solving. Binigay ko na lahat as in step by step kung pano ko iaanalyze yung problem. Ano yung mga Rule of Thumb na naformulate ko on my own. Lahat na ibinigay ko nah.

Yung pangatlo eh yung engineering way of solving it. May mga x and y na nagaganap at gumagawa ng equations. Para in line with the engineering way of analysis.

Basta sa point of view ko, naibigay ko na lahat pero ewan ko ba bakit parang hindi pa sapat yun para makapasa sila. Para kasi sakin, ang simple simple na nung topic:

Mass in equals Mass out

It doesn't get more simple than that.

Binago na nga din yung syllabus to incorporate yung Mass Balances na ginagamit dun sa mga Unit Operations subjects in higher years for chipipay points wala pa din. Kaya isa lang talaga ang napagtanto ko. Estudyante na ang may problema dito.

Lagi kong sinasabi ang learning ay may tatlong base factors lang:

Student. Teacher. Subject Matter.

Given na parepareho naman kami ng teacher. Given na ang Subject Matter ay the pinaka-basic basic of all the basic of the basic Chemical Engineering Subjects. Kya Conclusion. Estudyante na talaga ang may problema dito.

Di ko alam kung pano sila nakasurvive without developing yung analytical skills nila. In all honesty, di mo naman kelangan magreview sa Stoich eh, basta bear in mind lang yung napag-aralan sa Analytical Chem at Gen Chem like balancing, stoichiometric factors, concentration writing, etc. Nakapasa naman sila dun. kaya di ko magets kung bakit kelangan dibdibin yung pag-aaral.

Di naman din literal na yung numbers na lumabas sa exercise ganun din lalabas sa exam. It just shows na you nee dto understand the problem first and then think of a way to solve it. Di naman yun ibibigay kung walang solution eh.

Kaya para saken invalid yung reason na Di ako nakapag-aral o kaya Di naman binigay na example to eh. In real life naman kasi wala naman sample problems na eksakto. Pwede mo lang gawing guide pero word for word the same. Wala. Sinabi ko to dati sa mga estudyante ko na scholars sa UST:

"Kung di mo kayang dalhin sa TALINO, Dalhin mo sa TIYAGA.
Kung di mo kayang dalhin sa TIYAGA, Dalhin mo sa TALINO"

And I do believe it applies here.

Photobucket