Pumunta akong SM Manila. Nakawork clothes. May extrang dala kasi expected na pagpapawisan.
Sa labas ng Arcade. Nakita ko nang wala yung Machine. Patay.
Okay lang yan. Baka nasa loob.
Pumasok ako. Hinanap ko yung Machine.
Owwwwwwwwwsiiyeeeeeeeeeeeeeeeetttt!!!
Wala.
Wala na ang machine.
Wala na ang Parapara Paradise Machine sa SM Manila.
The Horror...
Ngayon masasabi ko ng officially, patay na ang Parapara Paradise sa Manila. As of my knowledge wala nang machine sa Manila. Haaaay!
Parapara Paradise
in Manila
Maraming maraming salamat Parapara Paradise sa lahat ng naitulong mo sakin. Dahil sayo, naging close ko si Kenneth at si Mart. Sila yung mga poging kasama ko nung 1st time kita nilaro nung birthday ko nung 4th year high school ako nung nagcelebrate kami sa Robinson's Place Manila.
Dahil sayo, madami akong nakilalang tao, si Blood Reign, si Emi, pati na din ng buong tropa ng Acolhez.
Dahil sayo, naovercome ko ang heartache at bitterness. Pinagtyagaan mo ko habang nagsasasayaw ako ng 10 tokens non-stop.
Dahil sayo, napagtanto ko na pwedeng magmerge ang anime songs at dance. Favorite kong sayawin yung Eurobeat version ng Let me be with you, yung opening song ng Chobits; Tsaka yung Opening song ng Neon Genesis Evangelion na Cruel Angel's Thesis.
Dahil sayo, gumugulong ang creative juices ko sa paggawa ng sayaw na sasakto sa Freestyle Expert mode mo. Alam ko konti lang yung mga kantang namaster ko, konti lang din kasi yung naiibigay kong oras syo, kaya sana mapatawad mo ako.
Maraming salamat Parapara Paradise. Maraming maraming salamat. Di kita malilimutan.
Bilang pag-alala eto ang ilang media exposure ng Dyosa habang nagsasasayaw sa machine:
Nafeature po ang Dyosa together with other Parapara Paradise Enthusiasts (called Paralist) sa USO feature ng Kabataan News Network. Ako po yung nakaitim pero wala akong interview kasi part ako sa ending credits. Hihihi!
Si Bryan Dongeto din po yung naging guest ng Unang Hirit for their Pump-it-up feature.
Eto naman ang Picture cut-out ng Dyosa habang sinasayaw ang parapara mode routine ng kantang 100 by Dave Rogers:
Finally, the Dyosa dancing part of the parapara mode routine of the song Crazy for you:
Haaayyyy kakamiss!
0 comments:
Post a Comment