I have this friend na special place sa puso ko. No I'm not in love with him. But rather, I have this great admiration and deep gratitude to him. He's the only person, as of now, na feeling ko girl ako pagkasama ko sya. At mahirap maghanap ng ganun ah.

masasabi kong hindi part si Romarchie ng usual circle of friends ko. Una, hindi ko sya DotA-mate. Pangalawa, magkaiba kami ng section. Kumbaga, sa school ang only common thing lang namin ay pareho kami course. Other than that, there no more things that can bridge us together.

Actually, Romar lang talaga ang name nya. Binigyan ko lang sya ng nickname na Romarchie. Meron akong tatlong reasons sa pagtawag sa isang tao sa nickname, or not the usual address to him/her:

(1) Magaan ang loob ko sayo
(2) May respeto ako sayo
(3) Close tayo

Nung College marami akong ganto:

Sir Raniel - kasi officer sya ng CAT nung HS sya.
Kuya Jun - sya kasi yung 1st ever class president namin. At nagstick na sya til the end.
Alberchie - umm... 1st close friend nung College.
Ruffee - classmate ni Albert nung HS na once upon a dyosa eh naging close ko.
Jabs - shorthand ng nickname ni Jan Rannel na Jaboy.
Glads - jowaers ni Jabs, shorthand term sa Gladys.
Hesed - yan talaga yung real name nya. Pero ayaw nya nagpapatawag nyan gusto nya Sed lang.
Chie Dieng - Chinese name ni Jeff, ako lang ata tumatawag nyan sa kanya sa school.
Ma'am Berna - tawag ko sa fav prof ko.
Sir Butch - tawag ko sa fav ES prof ko.
Sir Jojo B - tawag ko sa the best Math Prof ever!
Sir Tenki - unofficial tawag ko sa the best prof ever!
Ma'am Aris - tawag ko sa thesis adviser ko.
Sir A - tawag ko sa best Chemistry Prof ever!
Lady Seo - tawag ko kay Jes, kahawig nya kasi si Lee Young Ae, yung gumanap na Jang Geum sa Jewel in the Palace.
Bektas/Baek Mu - tawagan namin ni Joey, derivative ng beki
Papa J - tawag naming mga "girls" of CSC 08-09 kay Jarry, ang aming poging Vice President
Kuya Keych - tawag naming mga staff sa aming gwapong gwapong Presidente nuong CSC 08-09

You get the picture.

Going back kay Romarchie. Siguro reason (1) yung dahilan kung bakit binigyan ko ng Nickname si Romarchie. Magaan kasi talaga yung loob ko sa kanya.

First time ko naging classmate si Romarchie nung nalipat ako ng section nung 2nd year ako dahil bumagsak ako ng Physics 1. Nalipat ako sa section nila na 2-8. Hindi naman din kami masyadong nakakapag-usap nun dahil super magkalayo ang upuan namin. Alphabetical arrangement ng upuan kasi almost lahat ng subjects namin. De Guzman ako, tapos sya T yung first letter ng surname nya. Sa 2nd row ako, sa last row sya. Sa right side ako, sa left side naman sya. Dahil nga hindi ko rin sya kaDotA, hindi rin kami masyadong nakakapag-mingle sa labas ng classroom.

Come start ng majoring years, medyo nakakapag-usap na kami. Since we are taking the same subjects, nagpapalitan kami ng information regarding dun sa mga topics, quizzes, seatwork, etc.

Pero tingin ko, mas naging close kami nung 4th year second sem. Dahil ako'y may binagsak nanamang subject, Thermo 1, nilipat ako ni Ma'am Berna, Department Chair namin that time, sa section nila Romarchie, ang 4ChE-B.

by that time, free for all na ang seating arrangement. Since ang mga tao ay may mga preferred seatmates nah, wala akong choice kung hindi umupo lang dun sa mga bakante. Since nasanay naman ako na sa right side 2nd row laging nakaupo, napagdesisyunan ko nang dun umupo. Naunahan nako ni Romarchie dun sa preferred seat ko, yung Right 2nd row 1st seat from the middle, tinabihan ko nalang sya. Tapos si Jabs dun sa harap ko, pareho kaming nilipat ni Ma'am Berna ng section.

Dun na kami nagstart na maging seatmates. Pag meron akong di maintindihan, sya yung tinatanong ko. Sa Section A kasi si Jes ang dinadayo ko. Pag meron akong namiss na klase dahil sa pagiging die hard student leader ko, sa kanya ako humihiram ng notes. Tapos ayun, minsan nagkwekwentuhan din kami.

Naging kaparty ko din sya sa SHIFT - a better Choice for a better ChES. Dun na talaga siguro kami ng click. Sumama sya sa SIKLAB style training sa Fort Santiago. Ayun, nakilala nya ako bilang Legal Officer at mentor ng mga Student-Leaders. Nakita nya how I work as a Campaign Manager which, for the record, none of my regular circle of friends had seen.

Pinaka-natouch ako kay Romarchie dun sa moment namin sa likod Burol nung Caleruega nung retreat namin. Morning ng third day yun. Free time yun eh. Maaga pa kasi. After breakfast. Nageexplore ang lahat. Nagpipicture lahat. Pero sadyang loner lang talaga ata kaming dalawa ni Romarchie kaya we ended up with each other's company.

After passing through a bridge, dumating kami dun sa likod burol. Nagkwekwentuhan kami habang naglalakad at umaakyat. nakwento nya na may burol na mas mataas pa dun na inaakyat baba nya sa province nila. May nikwento pa nga syang funny story about sa tita nya. Nqagsusumigaw kami dun sa tuktok ng burol since kami lang naman yung tao. Kitang kita from there yung retreat house.

Medyo umambon na kaya napagdesisyunan na namin bumaba. Sya actually yung nag-advise na bumaba na kami kasi magiging maputik at madulas daw yung burol pag umulan. Syempre ako'y isang Tondo Geisha kaya medyo eng eng sa pagbaba. Si Romarchie yung unang bumaba tapos tinuturo nya saken kung saan ako dapat tumapak para hindi madulas. Eh dahil eng eng nadulas ako dahil sa maling tapak sa maputik na surface. Ayun, napaupo ako sa putik tapos nasira pa yung tsinelas ko. Hindi ako nagtuloy tuloy pababa kasi inalalayan ako ni Romarchie. Tatawa tawa nalang kami nung nakababa na kaming dalawa. Dun na dumating yung iba naming batchmates at ni-attempt nilang umakyat sa maputik na burol. Ewan ko na kung ano nangyari sa kanila, umalis na kasi kami.

Photobucket
Commemorative Picture ng pagkaupo ko sa putik
hindi po yan pupu

Isa pang gusto kong conversation with Romarchie eh nung batch meeting about sa aming 5th year field trip. Eto ang naging comment nya nung may nagsabing ayaw nyang pumuntang Bohol kasi magbabangka, at marami daw namamatay na graduating students na nagbabangka:

"Pag ang barko lumubog, pwede kang lumangoy. Eh pag ang eroplano bumagsak, pwede ka bang lumipad?"

Tama naman sya diba?

Haaay kakamiss si Romarchie. Hindi nya siguro alam na he has that special place in my heart. Hmmmmp... Sa Wednesday, I will be one step closer na magkasama kami ulet. Hopefully sa work in their province. Hihi!

Photobucket