He Loves me
by Vanna Vanna
OMFG!!!!
Talagang kinanta ko talaga sya! Gumagalaw mag-isa yung lips ko at napapasabay sa kanta! HOMAYGASH!!! ALAM KO YUNG KANTA!!! Antanda ko na nga talaga yata. Alam ko pa tong kantang to from Vanna Vanna, may you rest in peace girls!
Yung kanta na yan from Vanna Vanna ay isa lang sa mga kantang sikat nung bata pa ako. Sa naalala ko, super sikat ang OPM nun. Halos pantay lang sila nung boy band songs sa kasikatan. At marami talagang sumikat nung time na yun basta patok sa masa yung kanta mo. Pero iiwnan ko na yung mga legends na ha. Like yung e-heads, rivermaya and the like.
One prime example nung sumikat to the max ay si Jolina Magdangal. Bago pa sya sumikat nun with her teeneeboper roles kasama ng kanyang love team na si Marvin Agustin, eh talagang sumikat na sya dun sa mga kanta nya. Hmmp... naalala ko nalang ay Paper Roses at Tameme yung talagang super sikat.
Tameme
by Jolina Magdangal
Isa sa pinakagusto ko talaga nun ay si Roselle Nava. Binili pa nga ako ng Ninang ko ng casette tape (wala pa pong CD nun!) ng album nya. Nakalimutan ko na yung title nung album nya, pero meron akong tatlong favorite songs dun sa album na yun. Yung first two songs sa Side A: Is it my Imagination, tska You; Tska yung 3rd to the last song sa Side B: Ang National Anthem ng mga Sawi, Bakit nga ba Mahal Kita. So syempre super sikat sya talaga dun sa National Anthem ng mga sawi, at dinagdagan pa nya! Naglabas naman sya ng National Anthem ng mga Martyr! Dahil Mahal na Mahal kita. Sa dami ng Martyr at Sawi nung mga panahon na yun, instant hit pareho yung mga kantang yan!
Bakit nga ba mahal kita
by Roselle Nava
Kasabayan ni Roselle Nava ay si Lindsay Custodio. Meron din syang mga magandang kanta kaso hindi ko na maalala. Sorry!
Pinakakilala si Carol Banawa sa kanta nyang Stay. lalo na ng mga sawi, pero mas gusto ko yung first song ever na nirelease nya, Till it's time. Pansawi din! Wahhahahh!
Till it's time
by Carol Banawa
Kasabayan ni Carol Banawa ay si Tootsie Guevarra. Sino ba namang makaklimot sa kantang Kaba? diba? Sya ang nagpauso ng National Anthem na.... Pasulyap sulyap!
Pasulyap sulyap
by Tootsie Guevarra
Hindi po ang Sexbomb, Viva Hot Babes at Mocha ang mga kaunaunahang girl groups sa Pilipinas. Mas marami pang nauna sa kanila. Isa na nga yung Vanna Vanna. Pero nung bata ako, ang pinakagusto kong girl group ay yung Tangerine. ang pinakagusto kong kanta nila ay Huwag na Huwag. Kinakanta ko pa din ito sa videoke.
Huwag na Huwag
by Tangerine
Isa pang nahumaling ako sa kanta ay kay Jamie Rivera. Eto yung pre-church songs days nya. Gustong gusto ko yung mga kanta nya sa Once More... album nya. It includes the tracks: Thank you - hindi po ito yung gasgas na kanta na pang teacher's day, I'm Sorry - ay! Grade 2 ako nung sumikat to!, Anong Pangalan mo? - eto yung 3rd song sa Side A. I Just wanna tell you - fast song to na ang message, I'm over you!, Bakit Hindi ako? - may video to eh. Napakaemotional na kanta.
Bakit hindi ako
by Jamie Rivera
O sige na nga... aamin nako, nung bata ko, nagustuhan ko din yung kanta ni April Boy Regino. Elk! Syempre alam naman natin ngayon na jologs na ang turing sa kanta nya, pero nung bata ako, sinasabayan ko pa ang hand action ng Di ko kayang tanggapin! Super sikat talaga si "Idol" nun. Gawin ba namang theme song ng mga pelikula ni Juday! Nagpalit na sya ng leading man from Wowie de Guzman to Rico Yan kanta pa din ni April Boy yung theme song ng pelikula nya.
Di ko kayang tanggapin
by April Boy Regino
Ang pinakanamimiss ko talaga sa airwaves eh yung mga dating kanta ni Queen of Soul, Jaya. Napakagaganda kasi nung mga kanta nya nun. Napaka-soulful. Lalo na yung mga ginawang theme songs ng Viva love team couple na sina Bobby Andrews at Angelu de Leon. Laging Naroon ka tsaka Wala na bang Pag-ibig to naman a couple. Gustong gusto ko din yung collaboration nya with the King of Soul, Janno Gibbs, Ikaw Lamang. Ikaw ang pag-ibig... sa araw at gabi...
Laging naroon ka
by Jaya
Isa pang OPM royalty ang talagang namimiss ko yung mga kanta, walang iba kundi ang Asia's Nightingale, Lani Misalucha. Tila at Bukas nalang kita Mamahalin ang favorites ko.
Tila
by Lani Misalucha
Pag pinag-usapan ang OPM di mawawala si Donna Cruz! Ay nako! My classmate ako nun elementary na uber fan ni Donna Cruz! Lahat ata ng songhits nun na may kanta si Donna Cruz binibili nya. Pero ako, dalawa lang yung gusto ko sa kanya: Wish tska Isang Tanong Isang Isagot. Syempre gustong gusto ko din yung theme song ng aking most favorite Filipino movie, Do Re Mi, I can na kinanta ng tatlong leads na sina Donna Cruz, Regine Velasquez, at Mikee Conjuangco. Panalong panalong graduation song!
Wish
by Donna Cruz and Jason Everly
Hindi alam ng lahat pero yung kanta ni Victoria na To be near you ay official soundtrack ng American show na Felicity. May video sya na may clips ng nasabing show.
To be Near you
by Viktoria
Gustong gusto ko yung Girl band na WYRD because they put the band in girl band since they play instruments. Isa lang yung kanta nila na alam ko at gutong guto ko yun, Scream.
Scream
by WYRD
I wanna be a firewoman... I wanna put out your desire... Firewoman na kinanta ni Barbie Almalbis sa una nyang banda na HUngry Young Poets. Hanggang ngayon favorite ko pa din sya at kaslukuyang tumutugtog sa laptop ko habang tinatype ko to. super favorite ko kasi ang ganda ng message at melody.
Firewoman
by Hungry Young Poets
Haaaay kakamiss yung ganyang mga kanta...
2 comments:
Naku Wilber, dapat pala suportahan mo ito.
www.OPM2Go.com
Kanina ko lang nalaman, and I hope it will pave the way for the resurrection of OPM. :)
Homaygawd Sir Mugen! Yung mga kumakanta sa Master Showman binebenta yung kanta nila sa site!!! love it!!!
Post a Comment