Sa tingin ng ibang tao, madali ako makibagay. Sa tingin nila, madali akong maging kaibigan kasi approachable ako. Pero ang hindi nila alam, marami akong insecurities sa sarili ko. Maraming nag-daang emotional scars saken bago ako naging ganito. Dahil hanggang ngayon, iyakin pa din ako.
Sa totoo lang takot ako sa lalake. Napaparanoid ako lagi. At the back of my mind there is this voice that tells me, "...iisipin lang ng mga yan habol mo katawan nila..." Na twing dadating ako, andun ako para silipan, harass-in, or rape-in sila. Habang ang tangi ko lang naman inooffer ay friendship. Oo aaminin ko minsan, syempre attracted din ako sa iba sa kanila, pero hindi naman ako ganung klaseng bakla. Hindi naman ako nanamantala. Makakasigurado naman sila na hindi ko sila pagsasamantalahan bagkus tutulungan ko pa sila pag kailangan nila, hindi na kailangan pang humingi ng tulong saken.
Nung Thursday, nasaktan nanaman akong muli. Muling bumalik yung hapdi nung mga oras na yun. Nagflashback ako dun sa unang beses na nireject ako.
"...wag mo na akong tawaging kuya..."
Sabi nya...
Ngayon...
"Whil kung magtetext ka wag mo na lagyan ng baby..."
Nasaktan ako. Siguro dahil wala naman kasi saken yan, endearment lang naman. Alam naman din nya kung sino yung gusto ko. Wala namang malisya saken. Nahiya nga ako, may mga nakakita pa ngang umiiyak ako. Kahit ngayon, iniisip ko lang napapaluha na ulet ako.
Haaaay...
Siguro ganun talaga. Oh well, move on.
0 comments:
Post a Comment