Ten Rules that govern Inhinyera Dyosa Whihelmina's life
Rule#1
"Kung gusto mong igalang ka ng mga tao, maging kagalang galang ka. Haliparot ka tapos gusto mo galangin ka?!"
Rule#2
"Wag kang gagawa ng bagay na maari mong ikahiya. Prevention is always better than Damage Control."
Rule#3
"Ang kaibigan di pinapatos, kung masarap sya, konting tiis, baka sa susunod twing nakikita ka nya, wala na syang ginawa kundi mainis."
Rule#4
"Wag tumikim kung pagsisisihan mo din. Di mo naman pwede isuka yan eh."
Rule#5
"Wag mong asahang proprotektahan at uunahin ka ng mga lalake. Hindi ka prinsesa teh."
Rule#6
"Pag nagmahal ng boylet, magtira rin ng pagmamahal sa sarili. Hindi dapat lahat ibinibigay."
Rule#7
"Pag nadapa, matutong tumayo mag-isa. Tapos, kumanta ng Stronger by Britney Spears."
Rule#8
"Wag hayaan ang mga tao ay husgahan ka dahil lang sa sexual orientation mo. Mas magaling ka sa kanila, at kaya mo yung patunayan."
Rule#9
"Lahat ng bagay sa mundo may dahilan. Kelangan mo lang hanapin o hintayin ang sagot"
Rule#10 *NEW*
"Maging mabuti ka, wag mabaet. Alay sa taong mahal ko. =D"
0 comments:
Post a Comment