Wala na akong maisip pang ibang salita na pwedeng ilarawan ang mga taong nagreact violently kay Dan Brown.
Unang una, FICTION ang libro na isinulat nya. Pawang mga kathang isip lamang ang mga bagay na yon. Special nga lang ang case nato kasi sa Pilipinas ang setting. Ganun lang talaga sya kagaling magsulat kaya hindi na alam ng mga tao kung ano ang totoo at kung ano ang gawa gawa lang.
Pangalawa, eh ano naman ngayon kung yung libro ay inihantulad ang Maynila sa "gates of hell"? Mas nagrereact talaga violently ang mga tao pag totoo ang sinasabi sa kanila.
Ano ba ang pinagpuputok ng buchi ng mga to? Eto checklist:
***6-hour traffic jams - Check
***Suffocating pollution - Check
***Horrifying sex trade / prostitution - Check
Oh! Check naman pala lahat! Eh bat hindi nalang natin tanggapin na tama ang depiksyon ni Dan Brown sa Maynila? Take note. MAYNILA. Hindi PILIPINAS! Wala naman magiging epekto yung sinabi ni Dan Brown sa novel nya sa Philippine tourism eh. "IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES" naman ang tag line hindi "IT'S MORE FUN IN MANILA". Eh pero kung trip ng mga forenjer na maligo sa dagat ng basura at magpaka-Ultimate Fighting Champion sa mga holdapers eh baka nga may epekto.
Nakatira ako sa Tondo buong buhay ko. At araw araw nakakakita ako ng pulubi sa kalye, mga barong barong sa tabi ng tulay at riles ng tren, mga taong nagbebenta ng droga, at mga taong nahoholdap at nasnatchan. Bukod pa sa personal ko nakita na may itim na usok na pumapaibabaw sa Maynila nung sumakay ako ng barko papuntang probinsya. Hindi na kelangan pang ma-Imbestigador ni Mike Enriquez para malaman ko na uso ang bentahan ng laman dito samen. Totoo naman talaga ang sinabi Dan Brown. Kung may ekseherasyon man ito, nasa pagsusulat nya ito at hindi malayo sa katotohanan.
Nakakahiya kayo. Proud na proud kayo na sabihin na magagaling ang Pilipino. Pero yung simpleng maintindihan na FICTION ang libro ni Dan Brown, hindi kayo makaunawa. Hindi nyo ba alam, na ang award winning film ni Brilliante Mendoza starring Coco Martin ay about sex worker na sumeservice ng customer para lang kumita ng pera? Sa Maynila ang setting nyan. Sa award winning Indie film ulet na Babae sa Septic Tank, si Eugene Domingo ay nagportray ng isang ina na ibinenta ang anak nya sa forenjer para lang mabuhay nya yung iba pa nyang mga anak. Tuwang tuwa tayo sa mga likhang sining na yan, pero pareho yang nagpapakita ng mga sinabi ni Dan Brown.
Bobo. Yun nalang ang maiilalarawan ko sa inyo. Saktong Sakto kasi eh. Bobo.