Grabeh, alas singko na ng madaling araw, alive ang kicking pa rin ako! Kasalanan ko rin naman, uminom ako ng dalawang tasa ng kape na super tapang. Eh kasi gutim na gutom na ako, wala kasi akong pera kahapon, kaya ayun, dinaan ko nalang sa libreng kape sa office.
Kanina talangang umaga nung ginising ako ni mudra medyo di maganda yung mood ko kasi naman 2 hrs lang ang tulog ko. Eh si mudra naman kasi may pagkamakulit. Lahat nalang pinapaalala pag umaga. oh ubusin mo yang pagkain mo. Yung kape mo nasa baba. Medyo nagtaray ako, kasi naman, as if naman hindi ko nakita yung kape nung unang beses akong bumaba para magCR at kumuha ng pagkain diba?
Nag-alinlangan din talaga ako pumasok. Nakakatamad kasi eh. Make up class ng Stoich Lab. Tapos inaalala ko yung TP4, kasi wala akong na text na TP4 scholars na hindi tuloy ung class namin today kasi wala yung directory sa comp ko. Kaya kahit masakit sa loob ako, at kahit na super inaantok ako, suot ng uniform ang drama ko at nagfly na to school.
Leche, nakaramdam pa ako ng rumble sa tyan ko nung nasa dyip nako. Eh leche pa yung nasakyan kong jeep super bawat lahat ng kanto eh tumitigil at super tagal pa maghintay. So para maremedyuhan yun, baba ako ng Jollibee Tayuman. Ay nako, may gumagamit din ng CR. Syet! Kelangan na mag-isip. Nako! Lumabas nako, at naglakad na papuntang UST. Sa Tan Yan Kee nako chochorbells...
At umabot naman ako awa ng Diyos. tapos lumabas ako ulet ng USTe para ipaprint yung message ko sa mga TP4 students na walang class. Pinapost ko kay Kuya guard then fly na to Engg Building.
Grabeh, sa dami ng ginawa ko ng umagang yon, late pa rin si Maam. Pero hindi ako nagsisising pumasok ako ng umagang yon. Dahil sobrang natuto talaga ako ng Stoich process. Parang ayoko na ngang pumasok ng Stoich Lect eh. Wala naman kasi ako napupulot dun. Sa Lab nalang ako papasok.
After nun, pumunta nakong office. Hindi ko na kasi kakayanin yung class eh. Lalo na yung kay Sir Tengkiat, 4 hrs na lecture. Grabeh, kakalabanin ko ang antok dun sa class na yun. So sa office ginawa ko na lang yung Numerical Methods Machine Problem ng group ko. Bali Gauss-Jordan Method yung napunta samin. Kahapon, nagawa ko na yung pinakacode mismo. As in lumalabas na yung tamang sagot at yung tamang matrix output. Lalagyan ko nalang ng text sa Monday para maipasa ko na kay sir.
Tapos nun umuwi nako, saktong narinig ko yung pangalan ni Rex sa radyo. Nanood ako ng Shakugan no Shana at natulog ng 4 hrs....
Kapagad grabeh ang araw!
0 comments:
Post a Comment