Ako yung taong pag umiral ang katamaran, wala na akong maaccomplish na productive sa araw na yon. ANg best example dyan eh minsan talaga, tinatamad akong pumasok. Nawala na kasi yung driving force ko dati nung 1st year 2nd year kung baket halos hindi ako umaabsent ng mga panahon na yon. Nagsimula talaga akong panay absent nung 3rd year ako.
Inaamin ko, ang talagang reason kung bakit kahit pagod ako, at inaantok eh pumapasok ako ng maaga eh dahil talaga Albert. Lahat ng galaw ko, lahat ng iniisip ko laging may factor si Albert. Pag inaantok ako sa umaga, lagi kong iniisip, "Kelangan ako ni Albert". Automatic bumabangon ako kagad sa kama ko. Tapos ittext ko na sya para gumising na sya.
Nung nagkaron kami ng gap ni Albert, nawala yun. As in napansin kong lagi na akong tinatamad. Kaya lagi akong absent. Pero ngayon, nagsisimula nanaman, magkaroon ng direksyon ang buhay ko.
Thesismates ko si Albert at Monil. Napapansin ko naparang gusto ko nang laging pumapasok kasi ayoko silang iwan on their on. Partly siguro dahil alam ko ako yung secretary nila, pero alam ko there is a much deeper explanation to it. Ngayon, gumigising ako at sinasabi ko sa sarili ko. "Kelangan nila ako..." At sigurado ako, tatayo na ako sa kama ko,pagkatapos nun.
0 comments:
Post a Comment