Gumising ako nang maaga para magluto. Pero ang dapat talaga, nagising ako nang maaga. Naalimpungatan ako ng mga 4 am. Ewan ko ba, nagset naman ako ng biological time na 5 am ako gigising. Eh kaso, mas nagising pa din ako ng mas maaga, siguro nararamdamn ng katawan kong hindi ako matatapos magprepare ng food pag 5 ako gigising.
After ko maligo, nagluto na ako ng babaunin namin. Kagabi, bago matulog nagsaing nako. Alam ko kasing matagal lumamig yung kain eh. Nung binuksan ko yung rice cooker, medyo mainit init pa din yung kain. Nagsandok ako at nilagay dun sa microwavable plastic, pero hindi ko muna sinara, hinayaan ko muna silang lumamig, naglagay ako sa 2 lalagyan.
Sunod kong niluto yung yung Tuna in brine na binili ko sa puregold. Yun yung una kong niluto kasi asin lang naman yung sabay nya at tubig lang mawawash away na yun. Actually, hindi ko sya niluto, ininit ko lang. Wala kasi akong panggisa kasi wala namn rekado dun sa place ni Albert. Sinunod kong niluto yung corned beef na sabi ni Albert na pwede ko daw lutuin. Hindi ko na nilagyan ng oil yun, kasi hindi ko naman isya igigisa. And finally, yung huli kong niulto yung pabaon sakin ni mom na SPAM. Ayun, kelangan ko na nag oil nun. Naghanap kao sa mga cupboard, unang bukas, wala. Sa pangalawa bumulaga saken yung minola cooking oil. Naglagay ako nang relatively medium amount sa casserole, madumi kasi yung frying pan. Habang pinapainit ko yung oil, ni-slic eko na yung SPAM. Hindi ko masyadong pinatatagal sa init yung spam, gusto ko lang nman kasi siyang initin. Kaya hindi rin masyadong nagtagal yung pagluluto ko nun.
Nilagay ko na yung mga iluto ko sa mesa at nilabas yung binili ko ring sandwich spread, colorful sandwich wrappers, at yung isang buong tasty bread. Ay pati rin pala yung Eden Singles. SInimulan ko nang gumawa ng sandwiches. 1st step, lagay ng isang slice ng bread. lagyan ng spread. Lagyan ng "meat" palaman. place another piece of bread. ilagay sa wrapper. Marami akong piangagawang sandwiches. May four decker. Triple decker.
Bago man kami pumasok sa mga bus namin, aba si Donald, nakanenok na ng tatlong sandwiches! Kalerkey! Tingin ko nakakuha sya ng isang four deck tapos 2 normal sandwiches. Hindi kami nagbreakfast ni Albert kaya sa bus na kami kumain. Syempre yung ibibigay ko sa kanya yung four deck kasi alam kong mas mabubusog sya dun. Syempre sken den ano! ako naman nagprepare nun! Ang binigay ko nalang kay Nior eh yung Triple deck.
After ng clean up, gutom na lahat ng tao. Kanya kanya kaming punta sa mg cottages na inari namin. Syempre ako ang kasama ko sa cottage yung mga boys at si Glads. Sabay labas ng food. Ang inaalala ko lang kasi kulang kami sa ulam ni Albert dahil puro kainin yung dala namin. Nagsiksik pako ng pangatlong lalagyan ng kanin bago kami umalis.
I'm so proud of us kasi nagshare share kami ng kanin, ulam, drink, at mga utensils. Grabeh. Hindi mabibili nang pera yung mga ganun bonding shining moments! Parepareho kaming nakaraos sa pagkain dahil we were all willing to share what we have para pantay pantay ang pagkabusog namin. I'm so happy!
0 comments:
Post a Comment