haaay nako! ang hirap nang course na ito! Grabeh na ito! Para akong sasabog sa dami ng pinapagawa! Puro projects, assignments, seatworks, make up classes pero wala naman akong napapapala!
Quiz nang quiz pero wala naman pumapasok sa utak ko. Sobrang gagaling kasi ng mga prof nmin na puro doctorate at hindi kayang lumevel sa aming mga kautakan. Quiz tapos kakalimutan mo din kasi mapapalitan ng bagong sobrang complex din. Kaloka.
Sinusumpa ko na ang subject na Chemical Engineering Thermodynamics! Nako! Wala talaga akong natutunan! Para akong umaattend sa klase makikinig na akala meron nang maisasagot sa quiz. Pag dating ng quiz, super complex at hindi ko na masagot. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyayari. Hindi ko alam kung baket ganun lagi yung ginagawa ng prof ko. Pero isa lang ang totoo. Nakakatamad na yung subject na yun. Pasok ako ng pasok, at nakikinig sa klase pero wala naman masagot sa quiz.
Ang English naman, grabeh paggawa ng paggawa ng projects parang hindi rin namin natutunan ng maayos. Pagroup-group pah! Ayan! hindi din ako marunong gumawa ng Daily reports, examination reports, etc. Nakakainis! Paggawa ng paggawa ng activities! Para san? wala! Para lang m eron syang magrade-an! In the 1st place kung hindi sya nagpapaggawa ng mga projects na yun may time kami magquiz. May time kami mag-aral sa mga mas mahalaga pang subjects. Hindi ko maisip kung baket kasi sya pa yung pinili ng department para maging english teacher namin. Leche!
Pero i can;t tune back now, konti nalang, gagraduate nako! Kung hindi ako para sa planta meron pa akong isa pang buhay na pupuntahan. Ang pagtuturo. Hihi! Gogo!
1 comments:
hay...
the pressures of being a college student..
suddenly, i missed it..
Post a Comment