Pauwi nako kanina, nang tawagin ako ni Ma’am Nette. Tulungan ko daw yung isang prof dalhin yung box Pharmacy. Kaso hindi pa kumpleto yung files, kaya naghintay muna ako with the prof dun sa SOCC office. Hinanap naming yung file sa office pero hindi naming makita yung files na kelangn ni Ma’am Nette. Sabi nalang nya dun sa Prof. ipapasunod nalang daw nya kay Jarry. Sinabi ko na sa kanila yung condition ni Jarry. “May sakiit pos si Jarry kahapon, hindi ko po alam kung pumasok ngayon. “ Ang sabi ko sa dalwang prof. Ang tagal nung sa SOCC files. Since naghihintay na kame, nakipagkwentuhan nalang muna ako kay Ma’am.
Syempre tinanong ko muna kung anong name nya. Sya daw si Assoc. Prof. Aranda yung SWDB ng Faculty of Pharmacy. Ayun, nagkwento sya tungkol sa anak nya not being religious anymore. Tapos ako naman ang nagkwento tungkol sa TP4. Aba syempre ano! Binibida ko yung project! Tapos kwento naman nya kay Jarry, na dapat daw Dean’s Lister sya, alagaan ang satili nya. Ang payat payat pa naman nya. Tapos ako ulet, nasabi ko sa kanya na ang adviser ko sa thesis ay si Dr. Bayquen. Sabi ni Ma’am friend and collegue da wnya si Dr. Aristea. Na nagseserve sa church si Ma’am Bayquen at merong kapatid na Doctor of Chemistry din. (Watta sisters!) Tapos na tinanong nya din ang pangalan ko. “Wilbert po” Syet muntik ko na ngang masabing “Whilhelmina po!” with matching very maarte gesture.
Kinulit na ni Ma’am Aranda yung SOCC. Kasi may meeting daw sila with the Dean of the Faculty of Pharmacy. AYun, at nagmadali na rin ang SOCC sa pagproproduce nung files na kelangan ni Ma’am. Sumond, we’re off to Pharmacy.
Sa Pharmacy, pumunta kami sa office nya. Infairness ang ganda nung office nila. So modern and sleek. Pinababa nya sken yung box dun sa baba ng table nya. Tapos nun, sasamahan daw nya ako, pupuntahan naming si Ma’am Bayquen. Pumunta kami sa Faculty Room. Kaso wala si Ma’am Bayquen. Tinanong nya yung full name ko. “Wilbert de Guzman” nalang yung binigay ko. Baka anu pa sabihin pag Whilhelmina de Guzwoman yung sinabi ko noh! Sasabihin nalang daw nya kay Ma’am Bayquen yung tungkol saken. Tapos daan nalang daw ako minsan sa office nya. Ang sabi ko naman sige po baka po next sem medyo madalas nap o ako ditto dahil nga p okay Ma’am Bayquen.
0 comments:
Post a Comment