Photobucket


Super nainspire ako kanina sa episode ng Tyra sa etc. She tackled the lives of gay Americans living "in the hood" meaning, leaving in lowdown neighborhoods, where gang violence, and discrimination is the norm.

Yung isa, grabeh! Nasaksak,nabugbog, laging tinutukso. Wala syang masyadong kaibigan kasi puro nga homophobe yung mga nasapaligid nya. Lagi nga daw nyang tinitignan ang suot nya bago sya lumabas, baka daw its too "faggy" para sa mga tao. I'm happy naman kasi ni-surprise sya ni Tyra. Dinala sya sa House of Jordan. Dun nakilala nya yung iba pang homosexual kids na nagkaron din ng same experience as him. I'm sure he really felt relieved dahil nakakilala na sya ng mga bagong taong makikinig sa mga gusto nyang sabihin.

Yung isa si Isis, shokpoketels. Teenage pa lang sya. Nung tinanong sya kung nasan yung pamilya nya... "I don't know where they at, I just turned around and they were gone." Kaloka! Hindi naman daw kasi sya native ng New York so feeling ko iniwan talaga sya dun. Tapos nung tinanong sya ni Tyra kung bakit prostitution ang pinili nyang daan. Ang sabi nya, she was charged with felony nung nagtrabaho sya ng maayos. Since nagkaron na sya ng record, hindi na sya mahahire ulet. Kaya alam nya yun nalang yung trabaho nya.

Maswerte pa pala ako sa mga ibang bakla dyan. Ako tinutukso lang ako maski hanggang ngayon. Pero keber ko lang. Hindi ako nabugbig nasasaksak whatsoever. Buti nalang bakla ako sa Pilipinas! Kalerkey!