Shoppingera's Guide: 168

Photobucket


Unang una, bago kayo lumibot ng 168, punta muna kayo sa information booth. Kuha kayo ng 168 Map. Nandun yung mga stall codes. yung floor plan. Tsaka yung mga products na mbibili mo sa bawat stall. Naku mapapadali ang paghahanap nyo kesa sa naghahanap lang kyo. At least pag may map, may destinasyon kayo.

2: Libutin muna lahat ng stalls ng product of your choice. Then pumunta sa pinakamura pero pinakamaganda ang quality. Pwede naman hawakan ang paninda dun. Sus!

3: Makipagbargain! Uso yun sa 168 noh!

4: Kung marunong mag-chinese at chinese ang may-ari. Intsikin mo! Mas mababa pa ang ibibigay sayo!

5: Wag pansinin ang mga sumisitsit. Gusto lang nilang ioffer ang degraded nilang products.

Dragoneer's Aria

So hindi na natuloy ang paglalaro ko ng theme hospital.. apparently yung nida-download ko eh pang PSX. So nauwi nalang ako dito...


Photobucket


Even though this games received many negative reviews, for me, may plus sides pa ren tong game na eto. Aside from ang Gwapo ni Langley, medyo cute din yung lead na si Valen Kessler. Hihi!!! May bagong gameplay silang ni introduce. Ang down side lang eh, kelangan mong gamitin yung mga super hinang mga "lusce", yung source ng magic, para lumakas yung mga yun. EH bat mo pagagamitin yun eh meron ka namang dragon skills. Ang nagbebenefit lang saking lusce eh yung heal tsaka yung Resurrection. Anyway, kelangan ko na sya tapusin ASAp dahil malapit ko nang isoli yung PSP. Ang hirap kasi, ang lalakas ng enemies, minsan 20 mins per battle ako. Grabeh na ito!

Parting is always painful

Hindi ko inexpect na makikita ako ng ganitong singer. Not to mention ng gantong genre! Shet! Gusto ko sya! I love it! Presenting!


Photobucket
Hatsune Miku


Isa sya sa pinakasikat na "singer" sa Japan. Dahil doon uso na yung mga tinatawag na Vocaloid. Mga Computer idols sa madaling sabi. Isa lang sya computer generated image. Nanggaling ang pangalan nya sa Hatsune (sound) at Miku (future). Obvious naman na may voice synthesizer na ginamit. Pero ang ganda ng kinalabasan! As of now marami silang Vocaloid idols. Pero si Hatsune Miku ang paborito ko. At eto ang favorite song ko:


Saihate with Romaji Lyrics


Saihate with English Translation


The Story behind Saihite


Panooring nyo yung tatlong videos ng malaman nyo ang pinagsasabi ko! Nakakaiyak yung song. As in. Pero dahil may techno twist yung song. Para kang napapasayaw na nadedepressed! Kaloka! I love it!!!

PSP week!

Hindi nako makapaghintay na makuha yung PSP! Haaaay! Lalaruin galore ko etong mga to:


Photobucket
Theme Hospital

Photobucket
Legend of Legaia


As in galore talaga!

De la Paz to be arrested




In my point of view, De la Paz was issued a subpoena so he is forced to attend the Senate hearing or else he will be charged with contempt. Kung wala naman kasing dapat itago bakit ka matatakot na humarap sa hearing? De la Paz's lawyer said that he advised his client not to attend the hearing because they haven't studied the subpoena yet. And that same morning of the hearing they filed a motion to quash the subpoena which was later denied.

I am yet to be a lawyer (*gulp* dream ko yun someday), but I believe that the fact the he was issued a subpoena means that the discussion regarding the matter is urgent. Even though this involves only the PNP, still, it is public funds that they are holding in Russia.

Magkano lang ba ang sweldo ngayon ni Juan dela Cruz? Minsan less than a hundred yung iba, samantalang yung mga Generals na yun milyones ang dala sa Moscow. I don't believe that it was a lapse in judgement that de la Paz was unable to declare the amount of money that he's holding. If you know the law and you abide it by heart, sa simula pa lang you will feel uneasy because you know you're not doing the right thing. As a retired police General with wisdom acquired through aging, alam ko, alam nya ang batas. Kaya ngayon dapat lang ipatupad ang batas sa mga taong nagkasala.

Join McCain is hot

Photobucket
John McCain


OMFG! Ang hot ni John McCain nung bata! Medyo kahawig nya si Justin Hartley!

Photobucket
Justin Heartley


Nako kung ganyan pa rin mukha ni McCain ngayon sa kanya na ang boto ng sangkabaklaan ng America!

HOT!!!

Goodbye A! Hello B!


Photobucket No more... Photobucket My new home...


Haaay! Hindi na pure A ang breed ko! Nalipat nako sa B. Well anyway, kerber din naman ako kung san akong section mapunta basta makagraduate ako noh! Pero marami akong mamimiss sa section A. Halos lahat kasi ng close ko eh maiiwan ko dun. Like Patty and Lady Seo. Tsaka yung Thesismates ko nasa A na din. Grabeh umiyak pa ko nun ah. Eto ang chorva.

Nung sumalang kami Jaboy sa pakikipagusap kay Ma'am Duran ang aming department chair (sabay kami kasi pareho lang kami ng case), eh sabi ni Ma'am sa B nalang daw kaming dalawa. Syempre ayaw namin ni Jabs kasi gusto namin sa A. Appeal kami. Nagdecide si Ma'am na isa sa A, at isa sa B. Alam kong si Glads ay nasa A kaya ako na nagsacrifice sa A nalang si Jabs para classmate nya pa din si Glads. Pero syempre appela ulet kasi nga yung mga Thesis mates ko nasa A. Mukhang ayaw talaga ako ilipat ni Ma'am sa A, kaya nilipat nalang nya yung mga thesismates ko sa B. Kinagabihan nitext pass ako na nasa B nako at kasama kong nalipat si Albert and Monil.

Aba ang dalawang thesismates ni atashi, wiz gusto sa section B. Medyo alam ko din yun, kasi nandun lahat ng dota boys sa A. Kaya fly sila sa UST Engg kinabukasan para kasuapin ang aming so wanted na department chair. Mga 10 am nagtext sa akin si Albert na lumipat na sila ulet sa A.

Nung tinext yun sakin, dun nako naiyak. Mga 3 hrs din yun ah, nauhaw nga ako nun after eh. Ewan ko, siguro kasi ang feeling ko, pinagpalit ako sa dota. Well, anyway kung ano man ang dahilan nila sa paglipat ulet sa A. Waley nako care. Basta ang gusto ko lang classmate ko ang mga thesemates ko sa Research 1 subject ko.

This led me para magpropose na makipagpalit nalang ako with Donald ng mga thesismates. Since pareho naman yung group namin na Advisee ni Dr. Bayquen, at si Donald ay nasa A na, mas maganda yung ganun. Eh hanggang ngayon hindi pa din nagdedecide sila Berna. Pag ako na inip hahanap na ako ng bagong thesismates, at dadalin ko sakin si Dr. Bayquen. Madusa sila maghanap ng bagong adviser. Che!

Message ko sa mga new classmates ko. Take care of me ha! Chos!

Not Proud anymore!

Photobucket2nd semester of SY 2007-2008, the shuffling of sections in Engineering was implemented. 1st semester of 2008-2009 the afternoon and evening schedule was implemented for the majoring students. July 2008, the PSP ban was announced, as well as the announcement of the Observation period of the Food Ban. Before, these were just gossips, and later became reality.

And now new breed of gossips.
The Chemical Engineering Department will continue the shuffling of sections even with the 4th year sections.
Thesis groups shall be determined by the department.

This is the very nature of suppression. Students have no more choices to make. They are simply robots that are controlled by the department and the Faculty Administration. I was once a very loyal and proud student of the Faculty of Engineering, and the Chemical Engineering Department. But now, I am proud no more! I am loyal no more!

Everything in the Faculty feels wrong. I mean, there's no more things that I like about the Faculty. Don't like the schedule. Don't like the Dean. Don't like the guards. Don't like the SWDB. I don't even like our course organization, and our very own department. It all started 2nd sem of my 3rd year. Everything went upside down. Everything went, anti-student.

In the Central Student Council office, both Kuya Cachi and I are really parading the pride of the Faculty of Engineering. We are projecting a sort of intellectual stature in the office. That is why Engineering students are tagged as great students. We both wave our departments flag, showcasing the greatness and complexity of our future profession. Everyone seems so amazed that we are from Engineering and are still able to give service to our fellow Thomasians.

Being exposed to law, both scientific and provisional, I can say that there are three types of law: Declarative, Limiting, and Changing. Declarative because it states a specific thing about the law. Limiting because it limits anything from the amount of pollution that one vehicle can exhaust to Thou shall not kill. and Changing because it tends to change prior laws to become more suited for the present. In reality, I feel like only the second type is applied in the Faculty. The administration makes laws that are declarative but are limiting in nature. I am choked to death by it.

Wala nang karapatan ang estudyante sa UST Engineering. Kung ako sa inyo na nagbabalak magENGG sa UST. Wag na. Magsisisi lang kayo. Puro nalang batas na sila lang ang may gusto. Hindi nakakaganang mag-aral.

Personality test


Advanced Global Personality Test Results
Extraversion |||||||||||||||||| 74%
Stability |||||||||||||| 58%
Orderliness |||||||||||| 46%
Accommodation |||||||||||||||| 62%
Interdependence |||||||||||||||||||| 90%
Intellectual |||||||||||||| 58%
Mystical |||||||||||| 43%
Artistic |||||||||||||||| 70%
Religious |||||| 30%
Hedonism || 10%
Materialism |||||||||||| 43%
Narcissism |||||||||||||| 56%
Adventurousness |||||| 30%
Work ethic |||||||||||| 50%
Humanitarian |||||||||||||||||||| 83%
Conflict seeking |||||||||||| 43%
Need to dominate |||||||||||| 43%
Romantic |||||| 30%
Avoidant |||||| 23%
Anti-authority |||||||||||| 50%
Wealth |||||| 23%
Dependency |||||||||||||||| 70%
Change averse |||||||||||| 43%
Cautiousness |||||||||||||||| 70%
Individuality |||||||||||||||| 63%
Sexuality |||||||||| 36%
Peter pan complex |||||||||| 36%
Family drive |||||||||||||||||| 76%
Physical Fitness |||||||||||||| %
Histrionic |||| 16%
Paranoia |||||||||||| 43%
Vanity |||||| 30%
Honor |||||||||||||| 56%
Thriftiness |||| 16%
Take Free Advanced Global Personality Test
personality test by similarminds.com

We're here in Pampanga!!!!

Wala lang! Magblog lang ako dito sa Pampanga ng makaexperience! Wahahahaha!!! Binibinyagan ko lang. Hihi!!! Kahit medyo malungkot ako kasi mukhang madedelay ako. Pero OK lang... kahit kanina pa tinitira ang ego ko sige ok lang... Magpapakasaya muna ako.. Hidni ko rin kasi malabas yung lungkot ko kasi feeling ko hindi ko kasalanan na bumagsak ako. Oh well.

Delayed ata ako... XD

Ay nako... Mukhang wala atang Thermo 1 retake next sem. Parang sa A lang ata may bagsak sa Thermo lahat sa B pasado lahat. Oh well. Bagsak na nga ako ng Thermo 1 at hindi ko na mababago yon. Ganun talaga ang buhay swertehan lang talaga sa prof. Maswerte ang B kasi si Ma'am Marcelo ang prof nila. Masasabi kong hindi ako super nalungkot nung nalaman kong bagsak ako. Pagkakita ko pa lang ng mga problems dun sa Finals alam kong wala na akong pag-asang pumasa pa. Meron na ring mga taong nagcomfort sa akin. Hindi man directly yung iba pero I appreciate yung mga words na sinasabi nila.

Si Patty, sabi nya...
OK lang yan, hindi mo naman talaga kasalanan, mahirap talaga yung mga exams

Si Berna...
Yung Finals nyo hindi pantao eh. Grabeh natawa ako dun...

Si Chen...
Normal lang sa engineering ang bumagsak

Isa pang Engineering student...
Bagsak ako sa isang major ko... retake ako next sem

ang kinakatakutan ko lang ngayon eh kung talagang madedelay ako dahil mukha talagang walang retake ng Thermo 1 next sem. Oh boy... problemang malupit to...

New Thesis topic!

Goodbye leachate! Hello Carrageenan!

Kanina, nahabol ko pa si Ma'am Bayquen. Nagpapirma ulet ako ng bagong letter. kuno.

Ang totoong istorya kasi, Nung nagpacheck kami sa prof ko sa English eh hindi sapat yung binili naming gift. 250 pesos worth lang kasi. Ang minimum pala ay 100 each member. So 300 peysos. So nagdecide nalang kami nadagdagn yung ibibigay namin. Hinayaan ko na sina Albert at Monil nalang yung bumili. Kasi super pagod nako. Kaya ang ginawa ng beauty ko eh beauty rest sa CSC office.

Mga lagpas 12pm nagtext si Albert na punta na daw akong Main building para imeet sila at mapuntahan na namin si Ma'am Bayquen, ang thesis adviser namin. Sakto nakita ko si Ma'am Bayquen kasama ni Ma'am Quinto naglalakad sa direksyon na papuntang Engineering. Napanatag nako nung ganung direksyon sila papunta. Tetext ko na sana si Albert na papuntang Engineering si Ma'am nang biglang humiwalay ng daan si Ma'am Bayquen! Uuwi na sya!!!

Buti nalang at naisip kong papirmahan nalang yung letter namin. At sakto! 2 nga pala yung pinaprint ko kahapon! Yes! Sa isip ko kasi. Hindi naman alam ni Ma'am na 300 yung minimum. So sasabihin ko nalang na dalawa yung letter na kelangan. Which is trulala naman. Ayun. Habang pumipirma sya eh nagkwento galore muna si Ma'am.

Ayun nga, mahihirapan daw kami sa Leachate kasi hindi naman daw nya field yun kundi dun sa kapatid nya na Doctor of Chemistry din katulad nya. Kaya ibibigay nalang daw nya sa min yung thesis nya. Which is yun nga yung Carrageenan. Sa naalala ko eto yung topic.

Crossbreeding of Kappa Carrageenan with heavy metals
by nucleuic bombardment of Gamma Rays


Pangalan pa lang astig na eh! Kaloka! Maraming taon na rin daw nyang pinag-tutuunan ng panahon yun. Nakailang thesis groups na rin ang nakasama nyang gumawa nun. Yung heavy metals nalang yung pinapalitan every year. hopefully nga daw eh maging success tong amin. Ay nako Ma'am ako din! Hope na hope ko dahil sisikat tayo parepareho! Wahahahaha!

Nakakaexcite gusto ko nang magthesis!

Hello Thermo Take 2!

Grabeh! natapos na din ang nakakalokang hell week! Hindi na ko nakapagblog during the week. Sobrang dami kasing ginagawa eh. Ay mali, SOBRANG DAMING PINAPAGGAWA!!! Pesteng English yan! Hindi naman major nagpapaka-major! Pero nakaraos na rin kahit papano. Medyo makakahinga na nang maluwag. Eto na ang verdict ko sa mga exams ko:

Physical Principles 2 Lecture
I did fair naman in this exam. Meron lang syempreng mga topic na super hirap na hindi mo masolve. Buti nalang multiple choice ito. The power of hula! Nakaklito pa rin yung choices as usual. Pero papasa ako dito! I'm sure of it.
Yung quiz naman after nung finals eh 2 lang yung hindi ko nasagot sa sobrang complex nung equation nya. Anyway, pasado nako dun kasi talagang inaral ko yung Electrochemistry sa lab dahil Galvanic Cells yun naassign sa group namin ni Lady Seo.

Chemical Engineering Calculations 1
Nasagot ko yung una tsaka yung sumunod sa kanya. Pero wiz ko na nasagot yung Bypass at recycle. Hirapation!!! Anyway, super duper mega everlou e^inf ang positive ko sa stoich kaya im sure, pasado ako kahit bagsak ako dito sa finals.

Numerical Methods
Ako unang natapos. Ang totoo kaya nagsubmit kagad ako kasi najejerber ako. Hindi ko na sinagutan yung mga bagay na alam ko namang hindi ko kayang sagutin. 72 points ako. Ni-compute ko eh!

Environmental Science and Engineering
Kaloka yung multiple choice ni Ma'am Eevee! Super hirap nung choices! sana naman eh pumasa kaming lahat dito. Sus me! 2 items yung milancovich cycle na lumabas. Nagpakwento pa nga ako kay Patty tungkol dun. With matching kabisado pa ako nung 3 common cycles. Leche, hindi naman pala yun yung tanong. Ilang years tska yung property nung isa. Kamusta naman!

Chemical Engineering Thermodynamics 1
Hello take 2 Thermo! hi summer Thermo 2! Bagsak na to! ang hirap nung exam hindi ba naiintindihan ng mga professors namin yun? Ang hirap hirap! Super basic naman kasi nung example sa book tapos sa exam namin super hirap nung ibibigay. Wala na ito! Summer nko!

Chemical Process Industry
Hindi ko na mamimeet everlou si Sir Tengkiat ever again as a prof! Yung Alipores na lang nyang Si Edsel ang magiging prof ko. OMFG! Sana naman wag nya akong ibagsak. Ako na naman yung naunang natapos. Patty alam mo ba kung anong reason? Alam ko naman kasing hindi ko nabasa yung mga parts na hindi ko nasagutan. Kahit isipin ko sya buong maghapon magdamag eh hindi ko sya maalala kasi hindi ko naman sya nabasa.

Technical Writing 2
Leche!.

No more words!

Protina por seyl?

Wala akong magawa. Ayoko pang mag-aral kaya ng browse muna ako ng blogs ng rainbow fairies. Nakita ko ito sa blog ni Bryan.

Photobucket


Seriously? Baka hindi naman babae bumibili nyan! Baka Baklejes!!! Kaloka! Oi Joeward! Gusto mo ba nyan??? Bibili kita! Pag may sampaguita flavor bibigyan kita ng tatlong box! Chos!

Source: Miseducated Virgin

The Raw Shark Texts

Photobucket


Winner na winner tong book na ito. Kasi super "conceptual" siya. Ito lang yung libro na pinaulit ulit kong basahin ang isang chapter para lang maintindihan ko. Super lalim kasi ng story ng gusto nyang sabihin. There are many nested facts that needs to be uncovered first before you can understand the whole story. Although I finish the book, I found the nested meanings in the internet. Ngayon masasabi ko nang kumpleto na yung RawSharkText experience ko kasi alam ko na yung mga facts na parang nakatali sa isa't isa dun sa libro.

Para saken it is a good read. Pero dapat handa ka mag-isip kasi sinasabi ko sayo napaka-Conceptual nya talaga. Kelangan ng extreme imagination. Buti na nga lang nagbigay ng mga pictures yung author kundi hindi ko din maiimagine yung mga ilang scenes dun.

Kaya sya Conceptual, kasi you'll be dealing with these guys:


Photobucket
Ludovican: The biggest, most ferocious Conceptual Fish

Photobucket


Buti nalang fiction yan. Nakakatakot talaga kung totoo yung mga yan. Maraming quotable quotes dyan eh. Hahanapin ko tapos gagawa ako ng bagong post about it.

Super Drive

Super duper favorite ko tong song na ito na Opening song ng Animé na Gravitation. Medyo naloka kasi ako dun sa Gravitation kasi gay-themed sya. Istorya ng isang sikat na nobelista na nakipagrelasyon sa vocalist ng isang up coming band. Maganda yung story nya sobra!


Gravitation - Super Drive - Yousuke Sakanoue
Super Drive by Yousuke Sakanoue
OST Gravitation

Itsu no ma ni ka bokura nanigenaku deatta
yasashisa yoseatte kakurenbo wa tsuzuku no
sou sa

No, wanna sell your soul shareta kiiroi [tacchi] de
No, forget smile again itsumo odotteitai dake

hashiri-nukeru ashita aruite-wataru bokura
nishikaze ni noseta boku no koe todoku no?
sou sa

No, wanna sell your soul otogi-banashi no sekai de
No, forget smile again zutto nemutteitai dake

nee oikakete oikakete shiroi kaze
nee koi ni natte ai ni natte hane hirogetai

nee ii koto mo warui koto mo subete tashite
ni de watte umaku ikite toki wo koetai


"se--no" de te wo tsunaide mizutamari koetara
niji ga nozoku sora akai ito tsunagu no
sou sa

nee oikakete oikakete shiroi kaze
nee koi ni natte ai ni natte hane hirogetai

nee ii koto mo warui koto mo subete tashite
ni de watte umaku ikite toki wo koetai

toki wo koetai
toki wo koetai


Without noticing a thing, we casually bumped into one other;
drawing closer to gentleness with each other, the hide-and-seek goes on--
that's right,

No, wanna sell your soul With a tasteful touch of yellow
No, forget smile again I just want to keep on dancing forever

As we walk across today, will my voice, entrusted to the western wind,
reach as far as the tomorrow that we'll run through?
That's right--

No, wanna sell your soul In this world of fairy-tales,
No, forget smile again I just want to keep on sleeping forever.

Hey, chasing after it -- chasing after it -- that pale wind...
Hey, I'm falling in passion, I'm falling in love, and I want to spread my wings

Hey, taking both the good things and the bad things, and adding everything together
and dividing by two, and getting along great -- I want to spend my life that way.

When we splash through a puddle, our hands joined with a "let's go",
the sky with a bit of a rainbow peeking through is a red thread binding us--
that's right,

No, wanna sell your soul ame ni soppo mukarete mo
No, forget smile again bokura waratteitai dake

No, wanna sell your soul Even if we look the other way in the rain,
No, forget smile again We just want to keep on laughing.

Hey, chasing after it -- chasing after it -- that pale wind...
Hey, I'm falling in passion, I'm falling in love, and I want to spread my wings

Hey, taking both the good things and the bad things, and adding everything together
and dividing by two, and getting along great -- I want to spend my life that way.

I want to spend my life that way.

Lokomoko!

Ay nko naloko ako nung post dun sa eleap! Ang filename, Key to Finals... Akala naman ng lola nyo nagkamali si Ma'am at nilabas ang answers sa Finals sa Phychem. Eh kasi multiple choice lang yun so ABCD lang ang sagot. Nung buksan ko yung word file eto yung laman.

Photobucket


Toogsha! Wow mali! Che!

Papaness Galore

Ay nako mukhang papanay ata ako ng Kenny Rogers SM Manila. Ang cutie kasi nung isang attendant nila dun. Habang namimili ako ng bibilin para sa food namin ni Mudrax, may I bati ang papalou sa akin, "Sir ano pong order nyo?" Napatingin ako sa kanya. Nagsalita sya ulet, "Pag meron na po punta nalang po kayo sa counter..." Habang tinuturo yung cashier sa tabi nung food window. Ngumiti nalng ako. Kasi ningitian nya ako eh. Shet parang natunaw nga ata ako nun. Ang cute kasi eh. Hindi ko din alam kung bakit out of nowhere eh tinanong nya ako. Eh hindi naman nya trabaho yun. Taga-lagay kaya sya ng food sa mga orders. Hmmmp.. is it a sign? Meron pang isang bese ngakatinginan kami habang papunta sya sa kitchen. Sign number 2 naba yun? Interested ba ysa saken?

Che! Ilusyon! pero pupunta ako ulet dun bukas! Whahahah!

Tapos yung isa pa si Kuya Alex. Yung attendant dun sa National Bookstore SM Manila. Wala lang napakacharming nya kasi. Ewan ko. Pero crush ko sya. Ang lakas ng sex appeal nya!

Etong last crush ko sya simula ng makita ko sya. Syet ang sarap pumatol sa bata! Pero syempre hindi pwede dahil taken na ang Dyosang to. Sa nafifeel ko. Responsible sya. Kasi part na sya nung Engineering Student Council. sayang at hindi yung section nila yung natour ko dati. Kung baket ba naman kasi sa mga pulpol ako na assign eh. Oh well. Nako. Pag eto sumali sa pageant bibili ako ng 3000 boto! Pang Mr. Eng'g na to eh! Sigurado ako magiging campus hunk to! Kung kelangan kong ipangalandakan sa UST na merong Earl Velasco ang Engineering, shet! gagawin ko!

Fav pics of Earl

Photobucket
Emo!

Photobucket
Cute Smile!

Photobucket
Emotero talaga!

Photobucket
Wacky Face! Reminds me of Alberchie!

FINALS!!! HELLWEEK!!!


Photobucket


OMFG!!! Eto na ang judgement week! Kung ano ang performance ko dito yon ang magdidikta ng kapalaran ko sa SEM na ito! SUs miyo! Thermo! Thermo! Thermo! Disturbia!!!! CPI!!! Disturbia!!! Yang dalawnag yan nalang! Makakahinga nako nang maluwag!

First fight! Sir Agbayani! Woohoo!!! Waaaaaa!!! Disturbia!!!

New Calculator!


Photobucket
Presenting! SHARP EL-W506


Nawala kasi yung Casio fx 991-MS ko eh. So wala talaga akong choice kundi bumili ng bago. Hindi pwede akong laging humihiram kay Rexa na taga-Commerce kasi kelangan din nya yun. Dapat talaga ang bibilin ko eh Casio fx 991-ES na may natural display. Eh naengganyo ako ni Kuya Alex na bilhin nalang yan kesa yun. Si Kuya Alex yung attendant sa National Bookstore SM Manila na assigned sa calculators. Infairness cute sya. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit nya ako naengganyo. ANg ganda kasi nung features nung SHARP EL-W506 eh. Meron syang added features kasi mas maraming kayang gawin itong calcu ko ngayon compared sa mga calcu ng mga batchmates ko.


Photobucket
CASIO fx 991-ES


Ang calcu ko ngayon ay kaya ang 4x4 matrix kung san ang isa ay 3x3 lang. Instant display din ang mga imaginary numbers hindi katulad sa Casio na may pipindutin ka pa bago mo makita yung imaginary form. Mas maraming constants din ang laman ng SHARP, 52, hindi tulad sa Casio na 40 lang. Makikita mo na din ang conversion from one unit from another sa screen di tulad sa Casio na kelangan mo pang tignan yung likod ng calcu. Meron tong SOLVER function na gumagamit ng Newton-Rhapson Method para magsolve ng value ng x na hindi kaya ng Casio.

Kaya super saya ko ngayon sa bago kong calcu! Wahahhaha!

Note:
Casio pertains to the model fx 991-ES.
Sharp pertains to the model EL-W506.
The pictures are from the internet.

Ka-blog episode today!

Photobucket


Yung unang feature eh yung kay Lucky Mercado about street dancing. Actually gustong gusto ko yun. kasi sumayaw si Lucky! Shet! Humihiyaw ako habang sumasayaw sya. Kinikilig ako sobra!

Eto nah. Dito nako naghimutok. Nagfeature sila ng mga Campus Hunks. Infairness gwapo ung Mike Pamintuan from University of Asia and the Pacific. Yung taga La Salle no care nako. Hindi ako mahilig sa semi-kal eh. Yung pangatlo grabeh nagtransform ang aura ko! They featured Martin Reyes as UST's campus hunk! Pano sya yung naging campus hunk ng UST? Eh hindi ko nga kilala yun! Hindi sila talaga nagresearch! Hindi karapatdapat yung Martin Reyes na yun to be Campus hunk.

Hindi sya popular. Kaya hindi nya yung deserve yung noun adjective na "campus" sa harap ng word na "hunk". Dapat maraming nakakakilala sa iyo at maraming kinikilig from different colleges pag nakikita ka.

Eh hindi ko sya kilala no. Pati yung mga prominent Council members eh hindi din sya kilala ibig sabihin hindi sya kasikatan! Dapat si Jarjar or si Kuya Cachi yun! Hindi sila nagresearch! Ano ba yan! Tapos sabi pa nila Council member yung Martin na yun? eh bat di sya kilala ni Jar?! Oi! Ayus ayusin nyo ang pangreresearch ah! Mali mali ang nilalabas nyo! Isa pa iboboycot ko yung show na yan!

Pag kayo nagfeature ng Campus hottie sa girls at hindi si Chesca Tingcungco ang nifeature nyo! Wala na ito! LOKOHAN NAH!!


PhotobucketPhotobucket
Martin Reyes; Jar-Jar

PhotobucketPhotobucket
Chesca; Kuya Cachi

I like this!

Pagkakaibigan

Masarap kumain ng Ice candy—
matamis,
Masarap,
malagkit.
Nakabalot sa isang transparent
Na plastik.

Nako gustong gusto ko yan! Yun nah! Whahahahh!

Source: Fudge's Blogsite

Out! Loud and Proud!


Photobucket
Proud to be a Filipino Gay!


I'm so proud at member ako nito!


Photobucket


Can't wait magpakaactive dito kasi super busy pa ako. tiganan naten pagkagraduate kung anon gkapalaran ko dito hihi!

I'm gonna die!

Presenting! Candidate number...

Photobucket

Baket kamo 6 kagad? Dahil yan ang score ko sa Chemical Engineering Thermodynamics Quiz Number 3!!!Nakakaloka!!! Late kasi ako nyan! tapos hindi pa ako nag-aral! Ang akala kong 10-11 na quiz. 9-11am pala!!! Sinabi ko pa nga yun kay Albert eh! Ang mokong hindi naman ako tinext. Adik! Wala talagang utang na loob sa ken yung lalaking yun! Chos!

On another side, mukhang medyo ok naman ako sa Quiz kanina. As in confident ako lahat sa mga sagot ko. Nagulat nga ako at medyo mabilis akong masagot kanina. Medyo lite din naman pala su Ma'am nakikipagjoke pa. hindi nya lang alam kung gano ako kinakabahan sa subject nya.

May quiz kami sa Saturday CPI. Kamusta naman ang 3 hrs, 150 points! Kaloka! 7 topics yung included! Sino ba naman ang sisipagin pag yan ang aaralin mo ha? Nako!!! kakaririn ko to! makikita ng Prof ko dito! Hindi ko uurungan ang challenge nya! Whahahahah!

Akala ko pa naman makakapagpahinga ako. Iniintay ko pa yung mga bago kong staff for CSC. Kaya hands on pa rin ang drama ko sa projects. Hindi ko naman magawa kasi hanep tong course ko sa pagpapahirap sa kin. Hindi na nga ako makapaglaro ng Yu-Gi-Oh sa computer ko eh.

Hindi nako makapaghintay sa meeting ng RainbowBloggersPhils! hindi nga kasi ako nakaattend nung una kasi Bday ni Kuya Cachi. Aattend na talaga ako sa meeting next time! Ay wait! Online meeting pala yun sa Oct 4! Excited nko! Haaay! After nang madugong quiz ayun ang gagawin ko! Yey!

SIKLAB! Burn in the Passion to serve!

Photobucket


SIKLAB is ready to fight head on with the other party LIT-RESPECT. Lakas ng Inhinyerong Tomasino - Responsible Engineering Students for Progressive yada yada. Ang haba! Ang corny corny. Lumiit ang Respect ko sa kanila.


  • LIT, who is the official affiliate of the Lakas Tomasino Coalition (LTC) in the Faculty of Engineering. It is very evident the LTC is the most powerful Political Party in UST. For they dominated not only the Central Student Council but also the Local Student Councils through their affiliates. But the reverse is what happened in the Faculty of Engineering. Lakas ng Inhinyerong Tomasino is the least powerful political party in Engineering. Not only were they unable to be recognized last year, they lack that student support that they need.
    I am deeply ashamed that an affiliate of a powerful Central party asked help from a neutral local political party. Why didn't they ask help from they mother party? I am sure if they were responsible enough, they would seek the Central party's guidance. I am sure that everyday I am exposed to Lakas Coalition's Central Advisory. I am not sure which one is which but I am quite aware that Kuya Cachi is one of them. Knowing Kuya Cachi, I know that he can think of ways to help his Political Allies.

  • RESPECT. Responsible Engineering Students who Strive to be Perfect Efficient and Concerned Thomasians. I already said this from my previous blog. I am really disgusted with the merging of RESPECT with LIT. RESPECT a very much structured political party, to merge with an unstable political party? Yuck! That's the only word I can think of.

    And double yuck after I heard the reason why RESPECT didn't want to merge SIKLAB when we ask them to. RESPECT declined because according to our outgoing SIKLAB Chair, Arvin Ballesteros, RESPECT wanted to be neutral because that's the main reason that their forerunners started RESPECT in the first place. We 'respected' their reasons. And now here we are in this situation where they merged with the political party that is affiliated with our opposing Central Party. yuck! Yuck!

    Triple Yuck for the reason that Kat Corpuz doesn't want the landslide to happen again in the succeeding elections. That is why they clung to the power of Lakas!
    It is a reason. Yes. but her reason is just pure politics and not really striving to have COMPETENT CANDIDATES for the election.
    Ang masasabi ko lang kaya kayo natalo nung last election eh dahil nahugot nyo lang yung candidates nyo. Tsaka wala kayong gimik! Puro Kat Corpuz lang ang narinig ko sa mga co-candidates mo? Ano yan? Nagdasal ka na madadala mo sila? Sa Face off debate talong talo kayo noh! Hoy! tandaan mo to. Kuya Syd deserved that seat more than you kaya magpakatino ka! YUCK! YUCK! YUCK!

    Quadruple yuck for clinging to Lakas in the last elections. Clearly you have blurry understanding of your ideals. (Wow! That's irony ah!) YUCK YUCK YUCK YUCK!!!!!


SIKLAB is now ready as ever! Like what we have in our hearts in the last election "WE WILL RATTLE RESPECT IN THE ELECTIONS!" Obviously, they felt the power of SIKLAB. Being true to one's ideals is really a great power. Power that evidently shook the more structured RESPECT. By now, It's time to change our roar! "WE WILL RATTLE LAKAS IN THE NEXT ELECTIONS IN THE FACULTY OF ENGINEERING"

We achieved one of our Trusses last year which is Political Maturity in the Faculty of Engineering. I am very very proud of that. Although the outcome is not what I hoped. Still, our opposing political parties are doing someways to beat us.

Here's a bonus to our opposition party in Engineering. I am the Legal Officer Emeritus of SIKLAB. If you want to battle with technicalities, I am very much ready to take on the challenge. Just make sure that my rival in your party is at par with my level of understanding.

Che!

New Kapuso Shows!


  1. Gagambino. Stars Dennis Trillo as lead. Tapos hindi pa nirereveal yung buong cast. Pero sure na ako sa mga ito Katrina Halili, Nadine Samonte, Jean Garcia, Bernadette Allyson, Isabel Oli, Mart Escudero, at Jennica Garcia. Plus si Glaiza de Castro na sabi eh makakagat da wng bubuyog sa magiging bubuyogina sya. Meron akong theory sa isang added cast dito. Tingin ko papasok dito si Marky Cielo. Namatay na aksi si Troy dun sa Asero. Kaya feeling ko entry character din sya dito katulad na nangyari sa Asero, at Encantadia. Papalitan nila ang Dyesebel.

  2. La Lola. Stars Rhian Ramos and JC de Vera. Tignan natin kung may star potential talaga tong si Rhian on her own without her 1st leading man, Richard Gutierrez. Pero may factor pa din syempre ang hunky na si JC dahil talagang magaling na actor naman si papalou. Papalitan neto ang Ako si Kim Sam Soon.

  3. Luna Mystica. Leads are Mark Anthony Fernandez and Heart Evangelista. Sa mga nabasa ko kasama rin daw si Eula Valdez and Sheryl Cruz sa line up. Ay nakakaloka! gusto ko kasi yung dalawang huli eh. Magagaling silang artista and I'm sure they will both portray their respective roles the best possible. This will replace Code Name: Asero.

  4. Saan Darating ang umaga. Stars Lani Mercado playing the role of Nida Blanca and Yasmien Kurdi as Maricel Soriono's Role. Hindi ko rin naman to mapapanood kaya wala na akong comment. This will replace Gaano Kadalas ang minsan.

  5. Zorro. Ang next project daw ni Richard Gutierrez kaya nag-aaral daw siya mag-fencing. Sumasang-ayon ako dun sa nagsabi na corny ito. Pinalabas ang Zorro Mexicanovela sa ABS. Ewan ko ba bat eto pa ang gusto ng siete for a gem like Richard Gutierrez. Sana nga gawa nalang ng bagong story for him katulad nung nangyari sa Mulawin na uber blockbuster.

  6. Family Feud. Goodbye GoBingo hello Family Feud to be hosted by Richard Gomez. No comment kasi hindi ko rin sya mapapanood.

  7. Kakasa ka ba sa Grade 5. Season 2! Syet gusto ko tong gameshow na papalit sa Celebrity Duets. Pero hindi ko rin sya mapapanood kasi may Saturday classes nga ako. not to mention TP4.

  8. My Dad is better than your Dad. Wala din akong idea. Basta from Fremantle Media daw yan.

  9. Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. To be led by Kapuso Royalties Dingdong Dantes and Marian Rivera. Wala akong idea kundi pangprimetime at remake ng drama movie nung 1980's.

  10. All About Eve. To be led by my favorite actresses. Pirena, Sunshine Dizon. Amihan, Iza Calzado. Amor Powers, Eula Valdez. Claudia Buenavista, Jean Garcia. Grabeh silang apat palang solve nako. Binili ng GMA yung right ng Koreanovela na ito. So i think si Nicole na si Iza at si Sunshine na si Karen? (Karen nga ba?) Hindi ko pa alam kung ano roles nila Ms. Eula at Ms. Jean. Pero sigurado ako salpukan to ng drama dahil magagaling ang cast!

  11. Captain Barbell meets Darna. Shoes ko! ilang beses ko na ito nasulat sa blog ko pero hindi pa rin sya lumalabas. I go for Aljur Abrenica for Captain Barbell! Ewan ko lang sa Darna. Feeling ko hindi pa ready si Kris Bernal para dun eh. Pero sabi ni Ma'am Wilma, next year daw ipupush nah.

  12. Full House. Ay nako! Winner to! Sino kaya ang gaganap dyan? Dapat daw Marian Richard. Kaso lam mo na busy mode ang dalawa kaya aI'm sure ibibigay sa iba yan.

  13. Coffee Prince. Wag Dingdong Marian dito! Please! Sinuman ang ilagay nyo dito siguradong sisikat! Kaya sino man ang mga hopefuls ng GMA 7 magpasikat na kayo sa audition nito! Siguradong sisikat kayo pag napunta sa inyo to! Ayoko ng Aljur Kris dito dahil hindi kayang magpakabrusko ni Kris.

  14. Totoy Bato. Syempre si Robin Padilla ito. Tapos si Regine daw ang leading lady nya. Ewan ko na. Wala na akong masabi.

Anu ba ito!

Ang buhay talaga sadyang hindi mo mapredict. Sobra. Akala ko robot na ako dahil sobrang programmed na ako para gawin at tapusin ang mga projects na binibigay ng mga prof ko. Pero hindi pala.

Hindi ko akalaing makakapgblog ako ngayon. Ang alam ko kasi, may quiz kami online sa Environmental Science and Engineering subjcet ko. Pero it turns out, nalate na ina-upload ni Ma'am so ang deadline eh bukas pah so bukas nalang ako magsasagot. Hindi pa kasi ako nakakapagreview.

Kahapon, biglaan lang, tumambay kami sa dorm ni Sky. Sandaling sandali lang. Tapos, napunta kina Yzza naman. Tapos it led na punta naman kami kina Jarry, kung saan nagovernight kami. Kwekwento ko to ng buo pag nakuha ko na yung mga pics namin.

Sabi ko magpapahinga kao buong magdamag pero eto nagbloblog ako. akala ko may quiz kami bukas sa Physical Chemistry 2 Lecture wala naman pala. Hindi ko lang alam kung tuloy yung quiz namin sa Chemical Engineering Thermodynamics 1. Pero pahinga mode muna ako ngayon. I deserve this rest noh!