Grabeh! natapos na din ang nakakalokang hell week! Hindi na ko nakapagblog during the week. Sobrang dami kasing ginagawa eh. Ay mali, SOBRANG DAMING PINAPAGGAWA!!! Pesteng English yan! Hindi naman major nagpapaka-major! Pero nakaraos na rin kahit papano. Medyo makakahinga na nang maluwag. Eto na ang verdict ko sa mga exams ko:

Physical Principles 2 Lecture
I did fair naman in this exam. Meron lang syempreng mga topic na super hirap na hindi mo masolve. Buti nalang multiple choice ito. The power of hula! Nakaklito pa rin yung choices as usual. Pero papasa ako dito! I'm sure of it.
Yung quiz naman after nung finals eh 2 lang yung hindi ko nasagot sa sobrang complex nung equation nya. Anyway, pasado nako dun kasi talagang inaral ko yung Electrochemistry sa lab dahil Galvanic Cells yun naassign sa group namin ni Lady Seo.

Chemical Engineering Calculations 1
Nasagot ko yung una tsaka yung sumunod sa kanya. Pero wiz ko na nasagot yung Bypass at recycle. Hirapation!!! Anyway, super duper mega everlou e^inf ang positive ko sa stoich kaya im sure, pasado ako kahit bagsak ako dito sa finals.

Numerical Methods
Ako unang natapos. Ang totoo kaya nagsubmit kagad ako kasi najejerber ako. Hindi ko na sinagutan yung mga bagay na alam ko namang hindi ko kayang sagutin. 72 points ako. Ni-compute ko eh!

Environmental Science and Engineering
Kaloka yung multiple choice ni Ma'am Eevee! Super hirap nung choices! sana naman eh pumasa kaming lahat dito. Sus me! 2 items yung milancovich cycle na lumabas. Nagpakwento pa nga ako kay Patty tungkol dun. With matching kabisado pa ako nung 3 common cycles. Leche, hindi naman pala yun yung tanong. Ilang years tska yung property nung isa. Kamusta naman!

Chemical Engineering Thermodynamics 1
Hello take 2 Thermo! hi summer Thermo 2! Bagsak na to! ang hirap nung exam hindi ba naiintindihan ng mga professors namin yun? Ang hirap hirap! Super basic naman kasi nung example sa book tapos sa exam namin super hirap nung ibibigay. Wala na ito! Summer nko!

Chemical Process Industry
Hindi ko na mamimeet everlou si Sir Tengkiat ever again as a prof! Yung Alipores na lang nyang Si Edsel ang magiging prof ko. OMFG! Sana naman wag nya akong ibagsak. Ako na naman yung naunang natapos. Patty alam mo ba kung anong reason? Alam ko naman kasing hindi ko nabasa yung mga parts na hindi ko nasagutan. Kahit isipin ko sya buong maghapon magdamag eh hindi ko sya maalala kasi hindi ko naman sya nabasa.

Technical Writing 2
Leche!.

No more words!