Presenting! SHARP EL-W506
Nawala kasi yung Casio fx 991-MS ko eh. So wala talaga akong choice kundi bumili ng bago. Hindi pwede akong laging humihiram kay Rexa na taga-Commerce kasi kelangan din nya yun. Dapat talaga ang bibilin ko eh Casio fx 991-ES na may natural display. Eh naengganyo ako ni Kuya Alex na bilhin nalang yan kesa yun. Si Kuya Alex yung attendant sa National Bookstore SM Manila na assigned sa calculators. Infairness cute sya. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit nya ako naengganyo. ANg ganda kasi nung features nung SHARP EL-W506 eh. Meron syang added features kasi mas maraming kayang gawin itong calcu ko ngayon compared sa mga calcu ng mga batchmates ko.
CASIO fx 991-ES
Ang calcu ko ngayon ay kaya ang 4x4 matrix kung san ang isa ay 3x3 lang. Instant display din ang mga imaginary numbers hindi katulad sa Casio na may pipindutin ka pa bago mo makita yung imaginary form. Mas maraming constants din ang laman ng SHARP, 52, hindi tulad sa Casio na 40 lang. Makikita mo na din ang conversion from one unit from another sa screen di tulad sa Casio na kelangan mo pang tignan yung likod ng calcu. Meron tong SOLVER function na gumagamit ng Newton-Rhapson Method para magsolve ng value ng x na hindi kaya ng Casio.
Kaya super saya ko ngayon sa bago kong calcu! Wahahhaha!
Note:
Casio pertains to the model fx 991-ES.
Sharp pertains to the model EL-W506.
The pictures are from the internet.
1 comments:
sir...paano po gamitin yung solver function? di ko magets yung instruction na nakalagay sa box eh...
Post a Comment