- Gagambino. Stars Dennis Trillo as lead. Tapos hindi pa nirereveal yung buong cast. Pero sure na ako sa mga ito Katrina Halili, Nadine Samonte, Jean Garcia, Bernadette Allyson, Isabel Oli, Mart Escudero, at Jennica Garcia. Plus si Glaiza de Castro na sabi eh makakagat da wng bubuyog sa magiging bubuyogina sya. Meron akong theory sa isang added cast dito. Tingin ko papasok dito si Marky Cielo. Namatay na aksi si Troy dun sa Asero. Kaya feeling ko entry character din sya dito katulad na nangyari sa Asero, at Encantadia. Papalitan nila ang Dyesebel.
- La Lola. Stars Rhian Ramos and JC de Vera. Tignan natin kung may star potential talaga tong si Rhian on her own without her 1st leading man, Richard Gutierrez. Pero may factor pa din syempre ang hunky na si JC dahil talagang magaling na actor naman si papalou. Papalitan neto ang Ako si Kim Sam Soon.
- Luna Mystica. Leads are Mark Anthony Fernandez and Heart Evangelista. Sa mga nabasa ko kasama rin daw si Eula Valdez and Sheryl Cruz sa line up. Ay nakakaloka! gusto ko kasi yung dalawang huli eh. Magagaling silang artista and I'm sure they will both portray their respective roles the best possible. This will replace Code Name: Asero.
- Saan Darating ang umaga. Stars Lani Mercado playing the role of Nida Blanca and Yasmien Kurdi as Maricel Soriono's Role. Hindi ko rin naman to mapapanood kaya wala na akong comment. This will replace Gaano Kadalas ang minsan.
- Zorro. Ang next project daw ni Richard Gutierrez kaya nag-aaral daw siya mag-fencing. Sumasang-ayon ako dun sa nagsabi na corny ito. Pinalabas ang Zorro Mexicanovela sa ABS. Ewan ko ba bat eto pa ang gusto ng siete for a gem like Richard Gutierrez. Sana nga gawa nalang ng bagong story for him katulad nung nangyari sa Mulawin na uber blockbuster.
- Family Feud. Goodbye GoBingo hello Family Feud to be hosted by Richard Gomez. No comment kasi hindi ko rin sya mapapanood.
- Kakasa ka ba sa Grade 5. Season 2! Syet gusto ko tong gameshow na papalit sa Celebrity Duets. Pero hindi ko rin sya mapapanood kasi may Saturday classes nga ako. not to mention TP4.
- My Dad is better than your Dad. Wala din akong idea. Basta from Fremantle Media daw yan.
- Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. To be led by Kapuso Royalties Dingdong Dantes and Marian Rivera. Wala akong idea kundi pangprimetime at remake ng drama movie nung 1980's.
- All About Eve. To be led by my favorite actresses. Pirena, Sunshine Dizon. Amihan, Iza Calzado. Amor Powers, Eula Valdez. Claudia Buenavista, Jean Garcia. Grabeh silang apat palang solve nako. Binili ng GMA yung right ng Koreanovela na ito. So i think si Nicole na si Iza at si Sunshine na si Karen? (Karen nga ba?) Hindi ko pa alam kung ano roles nila Ms. Eula at Ms. Jean. Pero sigurado ako salpukan to ng drama dahil magagaling ang cast!
- Captain Barbell meets Darna. Shoes ko! ilang beses ko na ito nasulat sa blog ko pero hindi pa rin sya lumalabas. I go for Aljur Abrenica for Captain Barbell! Ewan ko lang sa Darna. Feeling ko hindi pa ready si Kris Bernal para dun eh. Pero sabi ni Ma'am Wilma, next year daw ipupush nah.
- Full House. Ay nako! Winner to! Sino kaya ang gaganap dyan? Dapat daw Marian Richard. Kaso lam mo na busy mode ang dalawa kaya aI'm sure ibibigay sa iba yan.
- Coffee Prince. Wag Dingdong Marian dito! Please! Sinuman ang ilagay nyo dito siguradong sisikat! Kaya sino man ang mga hopefuls ng GMA 7 magpasikat na kayo sa audition nito! Siguradong sisikat kayo pag napunta sa inyo to! Ayoko ng Aljur Kris dito dahil hindi kayang magpakabrusko ni Kris.
- Totoy Bato. Syempre si Robin Padilla ito. Tapos si Regine daw ang leading lady nya. Ewan ko na. Wala na akong masabi.
0 comments:
Post a Comment