Kanina, nahabol ko pa si Ma'am Bayquen. Nagpapirma ulet ako ng bagong letter. kuno.
Ang totoong istorya kasi, Nung nagpacheck kami sa prof ko sa English eh hindi sapat yung binili naming gift. 250 pesos worth lang kasi. Ang minimum pala ay 100 each member. So 300 peysos. So nagdecide nalang kami nadagdagn yung ibibigay namin. Hinayaan ko na sina Albert at Monil nalang yung bumili. Kasi super pagod nako. Kaya ang ginawa ng beauty ko eh beauty rest sa CSC office.
Mga lagpas 12pm nagtext si Albert na punta na daw akong Main building para imeet sila at mapuntahan na namin si Ma'am Bayquen, ang thesis adviser namin. Sakto nakita ko si Ma'am Bayquen kasama ni Ma'am Quinto naglalakad sa direksyon na papuntang Engineering. Napanatag nako nung ganung direksyon sila papunta. Tetext ko na sana si Albert na papuntang Engineering si Ma'am nang biglang humiwalay ng daan si Ma'am Bayquen! Uuwi na sya!!!
Buti nalang at naisip kong papirmahan nalang yung letter namin. At sakto! 2 nga pala yung pinaprint ko kahapon! Yes! Sa isip ko kasi. Hindi naman alam ni Ma'am na 300 yung minimum. So sasabihin ko nalang na dalawa yung letter na kelangan. Which is trulala naman. Ayun. Habang pumipirma sya eh nagkwento galore muna si Ma'am.
Ayun nga, mahihirapan daw kami sa Leachate kasi hindi naman daw nya field yun kundi dun sa kapatid nya na Doctor of Chemistry din katulad nya. Kaya ibibigay nalang daw nya sa min yung thesis nya. Which is yun nga yung Carrageenan. Sa naalala ko eto yung topic.
by nucleuic bombardment of Gamma Rays
Pangalan pa lang astig na eh! Kaloka! Maraming taon na rin daw nyang pinag-tutuunan ng panahon yun. Nakailang thesis groups na rin ang nakasama nyang gumawa nun. Yung heavy metals nalang yung pinapalitan every year. hopefully nga daw eh maging success tong amin. Ay nako Ma'am ako din! Hope na hope ko dahil sisikat tayo parepareho! Wahahahaha!
Nakakaexcite gusto ko nang magthesis!
2 comments:
buti naman nadaanan nyo si maam bayquen.. eh pauwi naman pala siya..
well gudluck sa totoong thesis natIn.. push our lucK!!!
astiG naman thesis nyo!!!
name pa lang bongang bonga na...
shala ang thesis. goodluck sa thesis!
Post a Comment