Mumbai, India
Mahilig talaga ako manood ng balita. Every night, I see to it na nanonood ako nito. Pero ngayon feeling ko ayaw ko muna manood baka mamatay ako sa nerbyos. Nagsimula ito nung mabasa ko sa internet yung Mumbai bombing. Kung saan isang hotel at hospital ang binasabog. Nung una hindi ko muna pinansin, pero nung napanood ko na ito sa TV, sinasabing may mga namatay, nasugatan, at may mga Filipino don. Nanginig ang buong katawan ko!
Hindi ko pa to sinasabi kahit kanino sa school. Eto ang dahilan kung bakit hindi ko mapakali lagi. Kaya gusto kong laging may kausap. Dahil... Ang Kuya ko... yung Doctor... nasa Mumbai, India sya...
Nandun sya para sa training sa Gastroentorology. Ang sabi, dun daw ang pinakamagaling na Gastroenterologists. Kaya pinadala sya nung Metropolitan Hospital dun. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, matalino at magaling na doctor naman talaga ang Kuya ko. Kahit na medyo inferior ako sa kanya, mahal ko yun. Dahil siguro sya yung sinundan ko. Pero dahil sa lahat ng mga kapatid ko, sya yung madalas kong makasama.
Nung Sabado nga, hindi ako pumasok, hindi kasi ako nakatulog nung Friday night. Iniisip ko kasi si Kuya. Although, nagtext naman sya samin, sabi nya 30 mins away pa sya dun sa bombing site. Pero syempre, 30 mins, malapet na din yun! Grabeh! Kelangan ko na ata ng pills para makatulog... Shet...
0 comments:
Post a Comment