After naming magcastlefight ng mga boys. Umalis kami nila Monil at Albert papuntang Recto-Avenida para maghanap ng Snowglobe at Twilight na book. Nung una talaga hindi ko maintindihan kung ano yung gustong bilhin ni Monil. Basta ang sabi nya, yung shineshake. Wonder galore naman ako kung ano yun. Hanggang sa iexplain ni Albert na pag nishake mo yung bagay na yun, mapupuno ng glitters yung bagay nay un. Ayun. Snowglobe pala. Naghulaan pa kami.
So from ROSE online computer shop naglakad kami papuntang Morayta. Sasakay sana sina Albert at Monil pero sabi ko maglakad nalang kami para madaanan namin yung isang pang National Bookstore sa may tabi ng FEU.
Feeling ko nga para akong prinsesa na may 2 royal guards. Kasi nakatriangle formation kami. Ako sa likod tapos yung dalawa sa harap. Ang gwagwapo naman nung mga Royal gurads ko! Whahahaha!
1st stop. National Recto. In vain ang search namin dito. Well, ni-popoint out ko naman kasi kay Albert na luma na kasi yung book na yun. May mga sumunod na books na nga na nagtuloy ng story eh. Ang sabi ko intayin nya nalang kasi sure ako, magkakareprint nun. Like what happened to Lord of the Rings. Pati yung snowglobe ni Monil wala din.
Habang naglalakad kami papuntang National Bookstore Avenida. Kung anu ano na naman yung iniisip ko. Natempt nga akong sumigaw ng…
“FROSTDRIVER!!!” yun bang ala-Takius!
Para kaming isang party sa Ragnarok (yung online game).
Ako isang Sage.
Si Albert isang Knight.
At si Monil isang Assassin.
Sage ako, kasi yun talaga yung favorite character ko kahit nung naglalaro pa ako.
Si Albert naman kaya Knight kasi medyo matipuno sya. Syempre wielding different swords and all, dapat lang maging matipuno ang isang Knight.
Si Monil naman kaya Assassin kasi payat sya. Parang si Iruga dun sa animé version. Yung mga assassins kasi rely on their speed. Mas medaling gumalaw pag mas magaang ang katawan mo.
Tapos yung Avenida yung battleground namin.
Habang ni-cocombo nila yung isang high level monster, nicancel ko yung nicacast nung monster na spell, kaya sumigaw ako ng…
“SPELLBREAKER!!!”
Eh fire monster yun, kaya ng cast ako ng…
“DELUGE!!!”
Tapos ni-embue ko ng ice property yung espada ni Albert at yung mga dagger ni Monil. Tapos nagcast ako ng Level 10 cold bolt. Na-amplify din yung atake ni Albert at Monil dahil ice property yung weapons nila at nasa loob sila ng spell ko na deluge. Tumumba at naglaho ang fire monster, simbolo na natalo namin yung high level monster. We are a great team after all.
Ay wait, back to reality, nasan na ba ang kwento ko. Ah.. sa Avenida. Nung tumawid kami dun sa kabilang side ng Avenida yung malapit sa chowking,
“Nanonood ka Whil dati ditto ng sine noh?” tuksong tanong ni Albert sakin.
“Oo” payak kong tugon.
“Edi may saket ka?” pilyong sabi ni Albert
“Wala no! I’m clean!” pagpapabula ko.
On the way to National Bookstore sa nakakita si Monil ng snowglobe kaso ang chachaka. Kaya dumeretso nalang kami sa destinasyon namin.
2nd stop. National Bookstore Avenida. Eto yung twin towers na branch ng National Bookstore. Una kaming pumunta dun sa pangalawang pinto. NUng paakyat na kami ng second floor tinawag kami nung guard. At tinanong kung bibili kami ng libro. Sabin namin Oo. Dun daw sa kabila 4th floor. Malay ko bang dun na yun. Nung huling punta ko dun nung November nandun pa yung 2nd floor nun eh. So punta kami sa kabila. Umakyat kami sa 2nd lorr pero in vain din. Pati yung snowglobe ni Monil wala din.
After strike two, nagdecide kaming pumunta naman sa Isetann. Yun na kasi yung isa pang pinakamalapit. Nung dumating kami sa kanto. Nakakita kami ng fireworks pero isa lang. kaya akala namin testing lang yun nung fireworks sa UST. Diretso lang kami sa Isetann. Eto na naman ako nanaginip nanaman habang naglalakad.
“CHILLING TOUCH!” Yun naman ngayon ang gusto kong isigaw.
Granado Espada game naman ngayon yung inisip ko.
Ako isang Elementalist.
Si Albert isang Fighter.
At si Monil isang Musketeer.
Gustong gusto ko talaga yung Elementalist na babae. Ang cool kasi nung elemental powers na pwede nyang gamitin. Not to mention the adorable costumes.
Si Albert kaya Fighter kasi sa kanaya ko talaga pinangalan yung Fighter character ko na si Lambret. Like yung reason ko kanina. Matipuno nga sya kaya bagay talaga sa kanya yung mga Job class na ganun.
Si Monil kaya isang Musketeer. Kasi medyo loner sya nung una kong nakilala. Ganun ko kasi nadepict yung isang Musketeer. Walang nakakalapet kasi malayo palang patay na ang kalaban.
Wala akong masyadong naisip kasi medyo malapet lang yung Isetann eh.
Last stop. Isetann.
Umakyat kami from 1st floor to 4th floor pero wala talaga yung hinahanap namin. Wala naman kasi masyadong nangyari ditto kaya hindi ko rin makwento. Pero infairness, maraming gift idea akong nakuha sa mall na to ah.
After nun, bumalik na kami ng UST. Sumakay kami ng jeep to Morayta again. In the hope na maabutan pa namin yung fireworks. Balak pa nga naming umakayat sa University Tower para mapanood un. Un pala yung kaisa-isang fireworks na nakita namin kanina, yun nap ala yung last putok.
Humiwalay si Monil samin ni Albert dahil magbibihis sya for Paskuhan. Bago kami naghiwalay nagpasalamat sya saken sa pagsama ko sa kanila.
0 comments:
Post a Comment