Hindi ako pumasok ng Unit Ops Lab namin ng umaga para magshopping ng gifts sa SM Manila. Actually gift lang dapat ang bibilhin ko. Eh sayang ang ganda kasi nung shirt na nakita ko. Bagay kay Albert, so binili ko na.
Actually, I debated pa kung bibilhin ko yun. Yung una kong nakita yung blue muscle shirt na Large. Maganda yung kulay at yung design nya. Ganung design yung gusto ko. Bali sleeveless sya tapos may design na maganda. Napicture ko naman na bagay kay Albert yun, kaya tinanong ko dun sa attendant kung may medium sila nun. Unfortunately wala daw. May kinuha yung attendant na muscle shirt sa same rack. Medium muscle shirt kaso kulay maroon at may design din na maganda. Super debate talaga ako kung bibilhin ko. Marami pa kasi akong bibilhin tapos yung price nya eh 431 pesos. Umalis pa ako at lumabas para maghanap ng iba. Pero nagdecide na akong bilhin yun dahil baka maunahan pa ako ng iba kasi maganda talaga yun.
Binili ko din yung gift ko sa nabunot ko, kisses with almonds. Walang kwenta! hindi man lang ako nahirapang hanapin!
Ang next challenge ay maghanap ng magandang box kung san ko lalagay yung mga gifts. Wala kasing papemelroti sa SM Manila kaya sa National Bookstore ako pumunta. Challenge ang paghahanap ng box. Buti nalang may nakia akong "box" na punung puno ng boxes na binibenta. Naghanap ako ng magandang box para dun sa regalo ko kay labert. Ayun! Nakakita ako ng isang green na box. Inisip kong green ang box na ibigay sa kanya para pwede nyang ipanrecycle at ibigay naman sa GF nya. (fav color nun green) Dun naman sa kisses nilagay ko na lang sa isang paper bag.
After that fly na ako to UST were our class xmas party was already taking place. Dumating ako marami nang kumakain at naubusan na ako ng ibang ulam (mga masisibang boys na yun! Che!). Kumain na ako, at nagsecond round. Yung Chicken fillet namin mukhang breading fillet. Ang liit nung Chicken eh. Pero all in all masarap din naman. Pinagtimpla pa nga ako ni Romar ng iced tea eh! *kilig* Hihi!
After magsilamon ng lahat, nagexchange gift na kami. Syempre nauna yung president namin na si Noelle. At sunod sunod na... Nang dumating kay Berna, nagulat ako at siya ang nakabunot sakin. Binili nya yung sinulat ko sa wishlist. yung "isang napakalaking kaastigan" by Vlad Gonzales. Ako naman binigay ko na rin yung gift ko sa nabunot ko. After nun, tapus na ang xmas party. Kahit simple lang naging masaya naman kami.
Umuwi ako ng bahay ng makausp ko si Ma'am Berna Duran, yung department chair namin. Pinapaayos nya kasi yung regarding sa discount namin sa tuition. Eh nakalimutan ko yung Discount form namin. Kaya nagmadali pa akong umuwi. Nung dumating ako, nakapaturo na si Ma'am regarding sa calorific losses dun sa Fuel. (Si Ma'am din kasi yung prof ko sa Stoich 2). In the end hindi ko din natapos yung pagpapapirma sa mga classmates ko sa special class. Dahil nakauwe na yung dalawa.
After ng class, fly agad ako sa ROSE online compshop. gusto ko kasing ibigay yung gift ko kay Albert eh. Unfortunately wala sya dun. Pumunta ako sa dorm nya. Walang tao. Along the way there tinext ko sya. Nagreply sya na wala daw sya sa dorm. Tapos nun si Monil naman ang nagreply, kung nasan daw ba ako at kung gusto ko makishare sa bag ni Jaboy (read my previous post). Sabi ko papunta akong SM, at sige magshare ako.
Sa SM nagkita kami sa Bag section ng SM department store kung saan nandun yung Hawk bag. Ang mga dumating ay si Albert, Monil, at Kirby. Binili namin yung Black. Lahat kami nagshare ng 40 pesos for that. Katouch yung mga boys na yun.
Dapat bibili pa kami ng box para dun sa bag sa National bookstore. Actually, nandun na nga kami. Kasi inaalala ni Monil na baka umalis daw si Jaboy dahil pinapaipit lang daw nila yun sa iba. Kaya lumabas na kami ng National.
Nagitla kaming lahat ng biglang tumunog yung sensor ng National. Nung una ako pinaghihinalaan, kasi ako yung huling lumabas. Nung punadaan ako sa sensor ulit. Wala namang tumunog. Sumunod si Albert. Nung dinaan yung bag nya sa sensor tumunog. Search galore si Manong guard. Hanggang sa makita yung binder ng filler ni Albert. Presto! tumunog! Impossible namang kinuha ni Albert yun noh bukod sa may sulat na yun, medyo burado na yung tag. Ayun, niscan ni Kuya guard sa cashier, and we were let go without complications.
Sumakay kami ng jeep to España. Hindi pa nga alam ng mga kasama ko na 6 pesos na ulet yung pamasahe eh. Grabeh ang traffic sa Lacson. Mga 20 mins, hindi pa rin kami nakakaalis dun sa kanto malapit sa SM. Pero nung nakalagpas kami dun, ambilis na ng biyahe.
Bumaba kami sa Medical Arts building at pumasok sa UST. Ambilis maglakad nung mga kasama ko. Kaloka.
Nakarating din kami sa ROSE. Nagkacounter-strike yung mga boys na nandun. Binigay namin agad yung bag kay Jabs. naiyak nga ata eh. Nagpagroup hug pah! Tuwang tuwa talaga si Jabs dun.
tapos nakipaglaro nako ng Counterstrike sa kanila. Ang saya saya grabeh! Naalala ko tuloy nung 1st year high school nung naadik ako dun. Ang sarap talagang pumatay sa counter strike lalo na pag alam mong mas magaling sya sayo. Tapos pupurihin ka nila kasi napapatay mo sila. Wahhahah!
Mga 10 pm na din kami natapos maglaro. Kumain muna kami nila Albert at Monil sa mga sizzling house malapit sa University Tower kung saan nakatira si Monil. Ang bagal ng service dun. Hindi ko marerecommend na dun kumain. Super bagal talaga ng service. habang kumakain, nagkwentuhan kami tungkol sa Thesis. sandali lang din yun. After nun nagpaalam na kami ni Albert kay Monil.
Bumalik kami ni Albert sa Rose kasi nakalimutan ko yung folder ko. After nun, tinungo na namin yung daan papunta s Lacson. Along the way, binigay ko yung regalo ko sa kanya. "yung laman sayo, yung box kay Chii" Ang sabi ko sa kanya. Nagthank you nmn sya. "Next tym pag nasa bahay mo ako, sukat mo para makita ko." after nun, tumawid na ako at hindi na lumingon at umuwi.
0 comments:
Post a Comment