Ay nako! Patapos na itech! last episode na bukas. Nakakapanabik ang bawat eksena! Nakuha yung Reiji Maigo kay Yuji. So ngayon, twing gagamit sya ng spell, mauubos ang existence nya at hindi na ito maibabalik. He was so cool habang gumagamit ya nung silver na apoy. The coolest kanina eh nung gumamit si Margey Daw, the Interpreter of Condolence ng Spell para ibuka yung swirl hole nung blue pseudo-Fuzetsu. Unfortunately, she was attacked by Sydonay, the Metamorphosis, nung nakapasok sya. Haaay! Excited nako para bukas!
Si Yuji after makuha ang Reiji Maigo
Ang Interpreter of Condolence habang nagcacast ng spell insignia
Ang duguang Margery matapos atakihin ni Sydonay
Samuri X
Ang pinakapaborito kong episode ang pinalabas kanina. Yun yung istorya ni Soujiro. Kung pano sya naging protegeé ni Shishio. He was an illegitimate child. Tapos minamaltrato sya nung mga kapamilya nya. (Better be a Kapuso!) Eh tinulungan nya si Shishio. Naearn nya yung trust ni Shishio. Kaya binigay ni Shihio yung espada nya kay Soujiro na siyang ginamit ni SOujiro patayin ang mga masasamnag Kapamilya nya! I don't know parang mas maganda pa ngang patayin nga naman sila kesa sya yung patayin diba. Actually, siguro kung nandun ako, pipiliin ko din maging tauhan ni Shishio. Juppon Katana din ako. Gusto ko kasi yung cause ni Shishio eh.
Si Soujiro
Code Geass
Super Twist ng events ito! Akala ko happy ending nah! Nakakaloka! Ang galing ng sumulat neto! Dapat lang talagang maging award winning ang animé na ito. Ang galing galing ng timing! Haaay! Parang yung Forlorn namin na hindi na matapos tapos ang pagsusulat. Forlorn na forlorn ang buhay ni Lelouch. Hindi talaga lahat umaayon sa plano mo. Minsan uu, minsan hindi. At isa itong episode na ito sa talagang nagbago sa takbo nung istorya. After ideklara ang Special Japanese Administrative Region, kung saan lahat ng mga denizens ng Area 11 ay mabibigyan ng karapatan katulad ng sa Britannian. Nagkaron ng official declaration nito sa isang assembly. Nag-usap si Euphemia at Zero privately. Since tinatanggal naman talaga ni Lelouch ang helmet nya pag kausap si Euphy, hindi naiwasan ang biglang pangyayari. Biglang nag-auto activate ang Geass nya at nsabi nya jokingly kay Euphy na "patayin lahat ng mga Japanese". Syempre being under the Geass, sinunod yun ni Euphemia unwillingly. So ayun baril baril galore! Tuwang tuwa yung Emperor! Yung last scene pinag-utos ni Zero na patayin ang mga Britannian with Euphemia included. Ang hirap siguro yun, papatayin mo yung sarili mong kapatid. Haaaay! Forlorn talaga!
Si Euphemia nung kakautos lang sa kanya under the Geass
Si Euphemia, bang bang galore! Astig ah!
Nung pinag-utos ni Zero na patayin si Euphemia
0 comments:
Post a Comment