At last umalis na din kami ng UST. Pumunta muna kami sa apartment nila Ate Ruth sa mag Amoranto Sr Avenue at dun nagpalit ang mga girls ng damit. Nagchillax chillax muna. Kwentuhan tungkol sa Shakugan no Shana, Code Geass, sa pwedeng gawing thesis (Deuterium daw yung kina Cy), etc. Grabeh, parepareho kaming mga walang pera at gutom. Nitry naming kumain dun sa may tapsilogan na malapit kaso ang daming tao. So dumeretso nalang kami dun sa venue.
Sumakay kami ulet ng jeep papuntang Welcome Rotonda. Nakakaloka kasi habang we were having our discussion biglang sumakay etong gusgusin-holdaper-looking pulubi sa jeep. Tumabi sya kay Dane. Tapos, nakakaloka kasi usog sya ng usog kay Dane. Lumipat si Dane dun sa tabi ni Ate Ruth. Kakaloka, pero hindi na namin sya pinatos. Mukha kasing high talaga yung chakang gusgusing yun.
Sumakay kami ng taxi sa Welcome. Tinwagan namin si Ivy (yung organizer) kung pano pumunta ng venue, hindi rin kasi alam ni manong driver eh. Ang sabi, sa tapat daw ng Maginoo bar sa Timog. Alam na da wni Manong yun. So kami naman, pinag-usapan namin si Earl at si Petal. Para sakin kasi bagay sila. Well sila din yun nag tingin hihi!!
Si Earl at Petal at the Rihanna Chris Brown Concert
Nakarating din kami sa venue. Hindi pa nagstart. marami ring banda ang nagplay. Pero to make the story short, meron lang akong tatlong bands na gusto. Iceplus, Sense of Sound, tsaka Cachi. Gusto ko yung finale song ng Iceplus yung problematic Superhero. Yung Sense of Sound naman, rocky na relaxing yung music nila. Ang galing. ganda nung vocals nung lead singer. Tapos yung Cachi, napakasaya tumugtog! Paskuhan worthy! Swear! Eto Friendster account ng Sense of Sound. Puntahan nyo to listen to their songs. I love them!
Sense of Sound
Cachi
Umalis kami kalagitnaan ng gig ng last band na Autokalesa. Nainip nako, tagal kasi nung set-up. Tapos na disappoint ako sa music nila. Hindi ko kasi type yung genre nila eh. Tapos hindi ko pa maintindihan kung ano gender nung lead. Wala lang, hindi ko maconfirm eh. Sori.
Unang humiwalay si Dane. Nagtaxi na sya. kaming tatlo ni Ate Ruth at Cy, naglakad kami papuntang MRT, dumaan kami sa Kapuso Station. Nilakad namin from GMA to Quezon Ave. Masaya sya, malamig tapos may I kwento ako. Dun sumakay si Cy ng Bus to EDSA. Kami naman ni Ate Ruth, nagfootbridge para makatawid. Grabeh, natakot kami na wala ng jeep. Pero buti nalang at meron pa, sumakay kami dun at bumaba sa welcome rotonda. Nagtrike kami papunta sa amoranto ulet at dun na kami nghiwalay.
Akala ko may jeep pa. After 15 mins na walang dumadating na jeep, napag-isipan ko na magtrike nalang ako. Pumunta ako sa trike terminal at nagtanong kung magkano trike to Tayuman. 70 daw! Shet! Wala ako ganung pera! Naglakad nalang ako nang konti sa hindi ko alam. 1st tym ko lang din kasi dun. Nung makakita ako ulet ng trike, nagpahatid nako papuntang UST. Grabeh, kinuha nung driver yung 50 pesos ko. Mahal yun para sakin. Grabeh!
Wala ulet jeep to Tayuman. Naglakad nako papunta dun at sumakay ng jeep papuntang pritil. Dumating ako sa Compound sarado yung gate. So kinailangan ko pang umikot dun sa kabilang gate malapit samin para makapasok. Umakyat ako ng gate at kumatok ng kumatok hanggang sa buksan ni mom ang pinto.
Haaaay! Adventure iyon! From 1:30 am to 2:30 Naglalakad ako! Che!
0 comments:
Post a Comment