Pagkatapos humiwalay ni Monil sa amin ni Albert, bumalik kami sa ROSE online computer shop. Nakalimutan ko kasing isend yung file para sa Industrial Process Lab dun sa groupmate ko na si Michan. Due na kasi yun kinabukasan. Eh saktong may nakaupo dun sa computer na pinag-gawan ko ng poster. Kaya pina-neighborhood ko yung file. Nung hinahanap ko yung wallet ko ng coins. Kung saan inakala kong nandun yung mga Flash drive ko. Hindi ko mahanap. I figured nalaglag yun kung saan.
“Pahiram naman ng USB, Alberchie.” Maamong sabi ko kay Albert.
Binigay nya saken yung USB nya.
Mamayang konti, natauhan ako kasi bigla ko kasi syang tinawag na Alberchie eh. Nangyari yun nung hinahalukay ko ulet yung bag ko. Tapos nahanap ko yung mga Flash drive ko. Hindi pala sila nakalagay dun sa wallet ko ng coins. Buti nalang! Binigay ko din dun kay Kuya na nagbabantay yung USB ko tapos sa dalawang USB ko pinasave yung file na yun. After nun pumunta na kami sa Paskuhan.
Andaming tao, sa gate palang. Sa text samin nung ibang boys, nasa may simbahan daw sila. Nilakad namin yung Alumni walkway, at sa dulo nun, nakita namin si Ilka. Humingi sya ng tulong kasi napatid yung footwear nya. Hindi rin sya makapagtext dahil mukhang may signal jamming yung smart. (Sponsor kasi yung smart, eh karamihan ng Thomasians Globe) Pinapatawag nya sina Karina na nasa simbahan din.
Andami talagang tao. Super socializing sila dun sa Plaza Major. Nalakalampas na kami dun at tinungo yung simbahan. Dun naabutan naming nagpipicture taking sina Gladies. Syempre fly agad kami ni Albert para makasama kami sa pic. Hihi! Tapos nandun din nga sina Karina at sinabi ko yung problem ni Ilka. To the rescue naman sila kagad.
Eh nakakuha na nang food yung ibang boys. Gusto na rin kumuha ni Albert. Eh nawala ko yung food stub ko.
“Nasa akin yung kay Donald.” Sabi ni Albert
Matapos naming magpaalam sa kanila na kukuha kami ng food. Nagfly na kami dun sa mga tent. Gusto daw ni Albert ay Mcdo. So fly kami dun sa pila for Mcdo. Mabilis lang din kami. Ang ikli kasi nung pila. Nakakuha kami ni Albert ng Chicken Fillet with rice, pineapple pie, at juice.
Ang masasabi ko lang. Hindi na ganun kacrowded yung Paskuhan. Dati kasi naexperience kong pumili na gutom na gutom na ko nung nakuha ko yung pagkain ko. Mas mabilis pa yung pagkain ko kesa nung pumila ako. Ngayon ang bilis eh.
After namin makakuha ng food. Nagdecide kami dun sa bahay ni Albert kakain. At nagtravel kame dun in silence.
Nang dumating kami sa bahay nya, usual, expected ko nang magulo yung kwarto. Umupo ako habang sya naman, hinubad yung ChES shirt nya. Kinuha nya yung gift na binigay ko sa kanya kahapon at sinuot nya.
“Fit sya saken” tugon ni Albert habang inaayos yung pagsuot nung muscle shirt.
“Dapat pala yung large na yung binili ko” Napansin ko kasing parang ang liit.
“Ok lang yan maganda nga eh.”
“Pwede kasi yang panglayering.” Inisip ko yun nung binili ko yun kasi alam kong minsan nagbabakasyon sila sa States.
Naghubad ulet sya ng shirt. Hinalukay nya yung cabinet nya para makahanap ng shirt na susuotin pampaskuhan tapos, yung mga damit na susuotin nya pag nagovernight kami kina Nior. Nilabas nya yung mga laman nung Hawk Bag nya tapos dun nya nilagay yung mga gamit pangovernight.
Habang ginagwa nya yung mga bagay na yun. Inaayos ko naman yung table kung saan kami kakain. Ang dami kasing nakapatong dun sa table. Kinailangan ko pang ayusin para magkaron kami ng space para makakain.
Matapos magsuot ng T-shirt ni Albert kumain na kami. Ambilis naming kumain. Siguro dahil nagutom kami kakalakad kanina sa Recto-Avenida. Walang straw yung juice ko kaya hinintay ko pang maubos ni Albert yung juice nya bago ko nainom yung akin.
Pinaabot ni Albert yung isang plastic nung Mcdo para dun nya lalagay yung tsinelas nya. Ako naman, after namin kumain, nilagay ko sa isa pang plastic yung mga pinagkainan namin at tinapon dun sa basurahan nya.
We’re all set to leave.
Kaso nung palabas na ako, natabig ko yung basurahan kaya tumapon yung mga basura dun.
“Itapon na natin yan sa shoot.” Sabi ni Albert.
Pagkasabi nun, pinulot ko na yung mga basurang nasa plastic. Paglabas namin, binuksan ko yung garbage shoot at hinagis namin dun yung mga basura.
We’re off to UST again.
Wala na si Ilka nung nadaan kami sa spot nya. Bumalik din kami sa may simbahan wala na din yung mga boys. Nung hinahanap namin sila. We stumbled upon Aly, Aaron, Romar, and Farrah. Usual nagtanong kami kung nakita nila yung iba. Ang sabi diretsohin lang daw namin yung way, makikita nmain sila. Minabuting tawagan ni Albert si Nior para makasigurado. Ang rinig ko sa pag-uusap nila, sa may Xmas tree daw.
Fly naman kami dun, wala naman kaming nakita dun. Ang nakita ko lang yung mga fellow staffers ko sa CSC na sina Diane, PI, and Madz. Tinawagan ulet namen. Ang naging response nila ay susunduin nalang daw kame. After a few minutes of waiting dumating si Renz, Son, at Kirby. At dinala kami sa spot nila.
Nang dumating kami nagpupusoy dos sina Nior, Glads, Jaboy, at Kuya Jun. Wala naman masyadong nangyari. Naglaro lang sila ng naglaro hanggang sa yung Bamboo na yung tutugtog. Yung ibang boys naman naglalakad lakad habang naghihintay. Si Jepoy at Rabbie nagjajamming. Nakita pa nga ako ni Mother Carlo at nakipagbeso sakin. Ay meron palang isa! Punyeta yung namimigay nung XO candies! Hindi kami binigyan! Binigyan yung mga katabi namin pero kami hindi! Ang sabi para sa babae lang! Eh bat yung nakita ko sa kabilang grupo eh may lalake hinagisan nya ng sobrang dami! Unfair yun ah! Umalis tapos lumapit ulet malapet samen binigyan naman yung sa kabilang side namin! Che! Pag ako nagging executive ng gumagawa ng XO candies tanggal sakin yung hinayupak na yun!
At sa wakas nagplay na yung Bamboo. Ang comment ko lang sa crowd hindi sila ganun ka lively. Tsaka nagsisigawan yung tao pag kumakanta yung band ng “Rivermaya” songs. Pag Bamboo song hindi ganun kalakas yung sigawan. All in all they played 10 songs. Plus one na libre. Masaya dun sa grupo namin kasi nagkukulitan yung mga boys. Nagtatalunan na parang mga sira ulong mga palaka.
Nung nagpaalam na ang Bamboo at nagclose na ang program sa pagkanta ng UST Hymn, pumunta ako sa stage at ni-congratulate ko ang CSC peepz. Hindi kasi ako tumulong masyado sa pagprepare ng Paskuhan. Ni-congratz ko silang lahat. Syempre, ako hinahanap ko yung isang officer na special sakin. Hindi ako aalis ng hindi ko sya nakikita. Sabi ni PI nandun daw s agitnang booth. Pumunta namn ako dun eh wala naman sya dun. Kaya bumalik ako sa mga boys. Kaso wala na sila dun sa spot nung binalikan ko sila. Eh hindi talaga ako mapakali hangga’t hindi ko nakikita yung officer na yun. Kaya bumalik ako sa stage at, at last, nakita ko din sya. Ni-congratulate sya at binigyan nya ako ng five (nakipag-apir!). After nun hahanapin ko na yung mga boys.
Pagbaba ko ng stage ng may tumawag ng pangalan ko sa may left side ko.
“Whil!” sigaw ng isang babae.
Hindi ko sya nakilala nung una kasi madilim. Si Chii pala, yung girlfriend ni Albert. Kasama nya si Belinda, yung Auditor ng CSC. Tinatanong nya ako kung alam ko daw kung nasan si Albert. Sabi ko magkasama lang kami kanina. Iniwanan namin sina Bien at yung iba pang kasama ni Chii. Syempre plastikan, nasabi kasi saken ni Albert na may pupuntahan daw si Chii ngayon kaya hindi sila magkasama. Hindi natuloy kwento ni Chii. Parepareho naman kaming hirap magtext kasi nga mukhang may jamming ng Smart. Nilibot namin yung field. Pumunta kami sa gitna papuntang tents, tapos pumunta sa corner pabalik sa may harap ng simbahan. At tapos bumalik dun sa malapit sa spot namin kanina. Dun may tumawag na nang pangalan ko kaya nakita na namin sila. Si Chii naman, niyakap si Albert at hinila pabalik sa stage.
Hinanap na namin lahat ng sasama kina Nior. Nabawasan kami ng nabawasan kasi si Kuya Jun at Son wala talaghang balak sumama. Si Kirby mukhang nainip umuwi na din. Si Jaboy naman nung hinahanap namin, ang sabi ni Detdet, nag-eemo daw. Mahabang storya yung kay Jaboy. Tsaka problema nila yun kaya hindi ko ilalabas.
At long last umalis na din kami… Next stop Pasig, kina Nior!
0 comments:
Post a Comment