Ang mga pumunta kina Nior ay Ako, sina Albert, Monil, Pau, Jepoy, Rabbie, Gelo, at Renz. Isang mahabang lakaran papuntang Legarda ang ghinawa namin. Andami kasi naming stop over.
Una. Tumawag si Rabbie sa payphone.
Pangalawa. Uminom at kumain kami sa Mini-stop.
Pangatlo, si Nior naman ang tumawag sa payphone.
Pang-apat, nadelay yung paglalakad kasi si Jepoy at Rabbie may nakitang classmate nila nung High school.
Panlima, si Jaboy nagpahabol ng text. Regarding sa issue nila ni Glads. (emo ka Jaboy!)
Sumakay kami ng Jeep papuntang Pasig palengke. 20 pesos ang pamasahe. Dun nagkwentuhan yung mga boys. Marami rami din un ah. Lalo pang dumami yun kwento nung sumakaya kami sa pangalawang jeep na papuntang Marikina. Minimum fare lang ang bayad dito. Bumaba kami ng jeep at ni-lead kami ni Nior sa house nila. Sumalubong sa amin yung dad Nior na nakaupo sa front gate nila.
Umakyat kami sa 2nd floor to reveal yung house nila Nior.
Nadatnan namin na nakaayos na yung hihigaan namin. Dun kami sa sala matutulog. Humiram ako ng short kay Nior para mas fresh ang feeling ko. Yung iba naglaro ng cards, yung iba, nakiinternet, yung iba naman naglaro ng PS2.
Ako, nakiinternet muna ako. Kailanagn ko kasi isend nun yung poster namin sa IP lab kasy Michan. Matagal din bago na attach yung rar file na yun. 7 MB kasi yun eh. Nilagay ko kasi pati yung PSD file. Nagcheck din muna ako ng blog at friendster habang hinihintay yun. Afetr ko maginternet si Monil naman yung sumunod.
Sumunod naming ginawa eh nanood ng DVD. Wanted yun pinanood namin. Actually, 3 lang kami nakapanood ng buo. Di Albert, Monil, at ako. The rest, nakatulog nah. Tumatalon talon pa nga yung palabas kasi sa PS 2 namin sya pinanood.
Kinaumagahan, pinag-almusal kami ng parents ni Nior. Thank God for coffee nga ako nun eh. Ansarap talaga ng coffee sa umaga. Kumain kami ng tinapay na may hotdog at keso. Nauna nang umalis is Jepoy at Rabbi eng mga 7am. Di ko din alam kung bakit.
After nun, nilabas na ni Nior yung DVD player nila, kasi tumatalon pa din yung next namin na papanoorin na Twilight. In the end ako lang mag-isa yung nanood ng buo. Kasi yung mga boys nagkumpol kumpol sa PC ni Nior dahil sa mga libreng cards sa online card browser game na Urban Rivals. Ewan ko ba sa mga yun adik pa din sa larong un.
After kumain ng lunch. Nagprepare na kami umalis. Andami pa nga seremonyas bago kami umalis. Ganun talaga yung boys na yun.
Hinatid kami ni Nior kung saan kami bumaba noon. At pinasakay kami ng jeep papunta uling Marikina. Tapos minimum fare ulet at bababa kami sa Ligaya. Nagoverpass kami at sumakay papuntang Santolan, minimum fare pa din. Dumating kami sa LRT station at bumaba sa Legarda station. At sabay sabay kaming naglakad pabalik ng UST.
0 comments:
Post a Comment