So kagabi, pinanuod ko ulet yung anime na Anohana. Infairness, ngumawngaw nanaman ako ulet. Siguro I'm really just a sucker for those touching friendship stories. Nakakarelate kasi ako...
Tsurumi Chiriko
Relate na relate ako sa babaeng ito sa Anohana. In a nutshell, sya ay: matalino, maganda, martyr sa pagmamahal, at higit sa lahat, inaaway ng mga taong dahil close sa mga crush nila. Ay! AKong ako lahat! chos!
Meiko Honma - Anjou Naruko
Matsuyuki Atsumo
Pero seriously, relate na relate ako sa kanya, kasi feeling ko ako sya. nafifeel ko na magkakagusto din ako sa katulad ni Yukiatsu. Gwapo, matalino, mayaman (kelangan talaga may mayaman?!) minus being the crossdresser. Hihihi! Nakikita ko din na hindi ko yun aaminin. Tapos naiintindihan ko yung feeling na hopelessness, yung bang alam mo na never magiging kayo. As in nag-give up na sya dahil kay Menma kasi alam nyang hindi sya mananalo. Tapos selos na selos naman sya kay Anaru kasi anu bang meron sya na wala sya? Haaaaaaay... Akong ako talaga!!!
Kakarelate din ako kasi...
May namatay din ako na friend,. She died mga 18 years old nako. Siguro mahirap din saming magbabarkada to really keep a strong bond kasi we just been friends for only our senior year in high school. Bukod pa dun, we really have different personalities. One of us is finishing her Masteral Degree. Another is now pursuing Medicine. A couple of us still keep in touch since they were classmates in college (they took the same course in the same chool, hindi pa sila nagsawa?). One is successful in Journalism. Another is a graduate of a business course.
Naalala ko pa nung libing nya. Nilagyan namin sya ng Yellow Tulips sa ibabaw ng kabaong nya bago sinemento yung lapida, favorite nya kasi yung bulaklak na yun.. Ako yung naglagay nun. Matapos ko ilagay, niyakap ko na yung friend ko. Hindi ko na rin kinaya kasi napa-iyak nako.
Ganun talaga...
0 comments:
Post a Comment