Iba’t iba ang halaga ng Four Hundred fifty pesos sa iba’t ibang tao. May mga taong nakasasalay ang buhay nila sa ganung halaga. Meron din naman na parang barya lang ang halagang ito. Sige try nating magbigay ng ilang examples na napansin ko sa buhay ko:
-Kung 10 mins per 5 pesos ang bayad sa charge station, may 900 mins ka para magcharge.
-May 450 tweets ka na from your Mobile phone to your twitter account.
-Makakabili ka na nang ingredients para makagawa ka nang dalawang cheesecake na pwede mong ibenta ng 800 pesos each.
-Siyam na pirasong pirated DVD from the Home of Quality Pirates: Carriedo.
-Enough na yan para makagawa ng pitong batches ng Krinkles.
-Anim na 75 pesos orig DVD mula sa Astrovision.
-Cost ng pagpapatest namin sa La Salle, para dun sa Atomic Absorption Spectrophotometer 3x.
-Labimpitong banig ng Paracetamol na yan para sa katulad ko ngayon na nilalagnat.
-Isang brand new paperback novel ni John Grisham.
-Isang 2 gig Flash Drive.
-Minus 60 pesos, dalawang parts na yan ng General Engineering Reviewer ni Matias Arreola.
-Merong mga estdyante na yan ang baon isang araw. Lalo na sa UST na syang pinanggalingan ko. Pero meron din na 9 days nyang baon yan dahil singkwenta pesos lang ang baon nya araw araw katulad ng mga estudyante ko dati sa TP4.
-Konti lang ang deperensya pero halos yan na yung halaga ng Minimum Wage sa Manila. Makakabuhay na yan ng isang pamilya.
-Dalawang Venti na yan ng aking Starbucks Caffeinated drink of choice! Dark Mocha Frappe, less ice, twice blended, blend in the whipped cream, affogato style for Whil!
-Dagdagan mo lang ng 50 pesos yan, Entrance Exam fee na yan sa UST entrance test. Isang libreng exam din yan para sa isang public school student na walang pera pang exam.
-Pamasahe ko din to ng dalawang araw plus 25 pesos load sa Globe.
Marami talaga ang magagawa ng halagang Four Hundred Fifty Pesos sa isang tao. Pero para sakin, ang Four Hundred Fifty pesos na halaga ng pera ay pinambili ko neto:
Ticket para sa Harry Potter 7.2 1st day screening sa MOA 3D
Ticket na nasayang dahil wala namang gumamit. Four Hundred fifty pesos worth, na maraming magagawa ay sinayang ko lang sa pagbili ng ticket na hindi naman ginamit. Ticket para sa movie na inabangan ko ng buong taon. Ticket na regalo ko sa sarili ko at sa taong gusto kong makasama ngayong gabing ito. Ticket na kalabisan sa mata ng iba, pero sa mata ko ay nararapat lang sa katulad kong nagtatrabaho ng mabuti. Ticket na akala ko magpapasaya saken, yun pala magdudulot ng labis na hapdi at disappointment. Four Hundred fifty pesos, sinayang ko lang.
Sa totoo lang, hindi ako nanghihinyang sa perang yan. Kayang kaya kong kitain yan. 4.5 hrs lang yan na nakaupo ako sa Lab ko, may Four Hundred Fifty Pesos nako. Mas importante kasi yung emotions at time na ininvest ko para mabili lang yung ticket na yan.
Actually, muntik ko na ngang hindi bilhin yan. Nung una kasi nagcancel na nung kasama ko sana sa screening dahil sa napakalabong dahilan. Tapos, sumunod naman, kasi akala ko magfly nako agad to Malaysia kaya hindi na din ako makakapanuod kahit gusto ko pa. Nakiusap pa nga sakin yung friend ko na organizer na tulungan ko syang maghanap ng mabebentahan kasi nakareserve na yung tickets. Pero nung naconfirm ko na pwede pa din akong manuod, napagpasyahan ko na bibilhin ng tuluyan yun.
Dalawang tickets ang nakareserve saken. Syempre yung isa para saken, at yung isa para sa kasama ko sana. Ilang araw na din akong kinukulet na friend ko na organizer ng screening kung kukunin ko na yung ticket. Nagpapalusot nalang ako na wala pa akong pera for it. Partly true naman yun kasi 500 Php lang ang cash on hand ko. Kulang pa ng 400 para mabili ko yung dalawang ticket. 450 pesos kasi isa. If I remember correctly, Sunday yun eh.
Sakto nakaonline din yung gusto ko sanang kasama manuod nun. Well nakaprogram na kasi sa isip ko na sya yung kasama ko for that movie kaya napag-isipan ko na ioffer ulet sa kanya yun. Tinanong ko sya kung hindi ko na ba mababago yung isip nya about dun sa HP7.2 screening. Nagulat ako kasi positive yung response nya. Hindi ko na nga nagamit yung pang blackmail ko sa kanya eh. Hihilingin ko sana na kahit yun nalang yung Birthday gift nya saken (Malapet na po ang birthday ko!). Kelangan lang daw nya iconfirm yung schedule nya.
Come Monday, tinanong ko sya ulet. Binura ko kasi yung number nya sa cellphone ko para hindi ako makapagtext sa kanya. Sa Facebook lang kami normally nag-uusap. Kahit na nilalagnat nako, pinilit ko pa din na mag-online sa compshop para makausap sya at maconfirm yung lakad namin. Well apparently may problema nanaman sya sa work nya. Sinubukan kong kausapin sya about it pero he said “Sorry but I can’t”. But I tried pa din na kausapin sya in the hope na kahit papano mapagaan yung loob nya. So anyhoo, nung tinanong ko sya about the screening, nag-iba nanaman ang ihip ng hangin. Hindi na nya daw alam. Masyado daw kasing maraming changes sa work nya. Pero bago kami naghiwalay, nakiusap pa din ako na sana bukas (Tuesday) eh maconfirm na nya kung sasamahan nya ako. Nak ng tuchi nagpupumilit pa din eh!
Sa totoo lang, nung Monday palang nung sinabi nyang hindi nya alam, tumaas na yung chance na hindi na nya ako sasamahan. Masaya pa naman yung araw na yun para saken. Pero hindi nalang ako nagpaapekto para hindi masira ang araw ko. So anyway, dumating ang judgement day. Kahit antok na antok nako dahil sa pagod, sakit ng katawan, at hilo dahil sa decolgen, nag-online nanaman ako sa compshop. Unang message ko palang tinanong ko na agad sya…
Hindi ko alam.
Yan ang sagot nya. Syempre hiniling ko na kahit yun na lang yung birthday gift nya sken. Pero wala pa din, hindi pa din nya alam. Naluluha nako nun, pero pinigilan ko. Nasaktan nanaman ako. Bakit ba hindi nya ako pwedeng maging choice? Sabi nya, gusto nya mag-unwind kasi nga maraming problema kaya halos mapapayag ko na sya nung Sunday. Tapos ngayon hindi nya alam? Physical presence na nga lang ang gusto kong regalo sa birthday ko bat hindi pa nya ako mapagbigyan? Hindi ba mabuti nga na manuod sya ng sine para makapag unwind? Ano ba talaga ang dahilan kaya ayaw nya akong samahan? Gusto nya lang ba talagang sinasarili at binuburo ang sarili nya sa mga problema nya? DAHIL BA SAKEN? DAHIL BA AKO ANG KASAMA NYA?
Nung nabasa nya yung A Letter to Myself, nag-iiyakan kaming dalawa nung nag-uusap kami. Sinumbat nya saken na akala nya ako yung kakampi nya pero katulad din daw pala ako nung mga ibang tao na mababa ang tingin sa kanya. Hindi yun totoo! Alam kong ginagawa kong lahat para maintindihan sya. Para maging kakampi nya. Gusto kong maging kakampi nya pero anu bang sinasabi nya saken pag ni-a-assume ko yung role na yun? Sorry but I can’t. Anlabo! Anlabo labo!
Ang sabi nya din nung gabing yun, mahalaga daw ang friendship namin at papahalagahan pa daw nya yun. Pero bakit ganun? Pero bakit kahit anong effort ko na maramdaman yun, wala? Masasabi ko naman na hindi ako high maintenance. Dati nga isang text lang diba? Ngayon, ginagawa ko to kasi birthday ko! Minsan isang taon lang to! Once in a lifetime na 1st screening sa MOA ng last installment ng Harry Potter series pa! Pero bakit hindi pa din nya ako magawang choice? Trust issues lang ba talaga to? O may iba pang reason? Haaaay!
Binili ko yung ticket gamit ang natirang pera ko para i-jumpstart ang Project ENREACH at yung 500 pesos birthday cash saken ng Kuya Doc ko. Nakipagkita pako sa friend ko para kunin at bayaran yung ticket sa may Pedro Gil nung pauwi ako kahapon (Wednesday) kasi sa Paco na pala sya nakatira at nagmeet lang kami half way. Kung natuloy ang pagsama nya, makikipagmeet pako that night din sa kanya kasi kelangan ko ibigay yung ticket nya. Kahit dun malapit pa sa kanila pupunta ako para lang samahan nya ako. Quesejodang mabinat ako. Ako nag-aya sa kanya kaya ako ang mag-eeffort. 5PM kasi yung labas nya sa work kaya mga 7PM na sya makakarating sa MOA. Eh 7PM din yung screening kasi. Kaya kung natuloy yung pagsama nya, hindi na ako pumasok kanina. Para mauna ako sa venue, pumila at makakuha ng magandang seats for the both of us. 5PM din kasi labas ko, 7PM din ako makakarating sa MOA.
TANGA. Yun ako. I’m trying to make a friendship work nang ako lang mag-isa. Wala bang halaga sa kanya na mahalaga sya saken? Lagi nalang ba akong maghihintay sa Lucid Interval na sya ang mag-eeffort na kausapin ako? Sa Lucid time na kaya nyang mag-open up saken? Yung Lucid time na gusto nya akong maging kaibigan? Fuck! How can two people be so alike yet be so different at the same time? Fuck talaga!
Don’t you dare greet me on my Birthday! You know that you already ruined it!
0 comments:
Post a Comment