Fan na fan talaga ako ni Ms. Alessandra de Rossi. Simula palang ng Click days nya sa GMA7, like na like ko na sya. Whether bida or kontrabida, gustong gusto ko sya. Shes that versatile. No. Shes that GOODM!

Sa naalala ko, sya lang from her batch sa Click na talagang nagpush through with being a character actress. Una ko syang napanood sa movie na Hubog. Ang galing galing nya talaga dun. Kaw kaya gumanap na isang autistic? Mangiyakngiyak ako sa nangyari sa kanya dun. Ate nya dun sa movie yung real life ate nya sa Assunta de Rossi.

PhotobucketLalo akong humanga when she portrayed Teache Melinda sa indie film na Mga Munting Tinig. Haru Dyos ko! Ngaw ngaw ever ako sa pelikulang yun. Actually isa itong movie na ito sa reason kung bakit ako nainspire maging teacher. Iba kasi talaga yung movie na ito. It is very moving, kaya I recommend that you watch it. Unfortunately, pinamigay ko yung kopya ko ng indie film na yun. Binigay ko kay Monster. So kahit mameet ko sya in person, hindi ko mapapapirmahan yung fave movie ko ever.

Tapos lagi na syang kontra-bida dun sa mga sunod sunod na soap nya sa GMA7. Hindi ko na maalala lahat kasi bata pako nun ano. Pero tandang tanda ko sya sa mga Fantaserye na ginagawa nya.

PhotobucketPhotobucket


Unang una sa Darna dun sa version ni Angel Locsin. Sya yung prime kontrabida ni Darna na si Valentina. Sya yung version ni Valentina na may Snake Whip-like tentacles. Tapos, naging higante kasi inabsorb nya yung powers ni Braguda sa final battle with Darna.

Sya yung paborito kong Heran sa Etheria. Sya si Heran Andora ng Hera Sensa ng Queendom of Etheria. May Telekinesis sya at Telepathy. Naging pivotal ang role nya kasi sya yung maghihiganti sa pagkamatay ng kambal nyang si Animus. Na syang naging prime reason kung bakit ni-hunt ang mga Sanggre dun sa Past time.

Tapos lumipat na sya ng ABS. Hindi ko na sya napapanood nun kasi College na ako nun tapos, whole day at night sa School. Ayun...

Lately napanood sya sa Sinner or Saint. Tapos sa super like na like ko na Legacy. Ang cute nilang mag-ina ni Martoni Fernandez. Yung mga scheming scenes nila kasi laging may joke factor. Tsaka yung memorable na bathing suit scene nya. Tawa talaga ako dun ng tawa.

Nalaman ko lang recently na may Album pala sya. Una kong napakinggan yung song na Sailing.


Sailing


Gusto ko tong kantang to kasi ang peaceful nya, masarap sya pakinggan sa panahon ngayon na malamig at masarap magrelax.


Make it Better


Nalaman ko tong video na ito ng itweet nya. I soooooooooooooooo love it!!! Tsaka yung video ha!!! Pak na pak!



Actually, nameet ko na sya in person, side view nga lang. Nandun sya sa katabing bar nung nagmeeting yung members ng Rainbow Bloggers Philippines sa Malate. Syempre hindi ako nagpahalatang na-starstruck ako noh. Hihihi!!! Pero sana in the future eh makapag-pa-autograph ako.

Photobucket