PROJECT SSS

Photobucket


PROJECT SSS now online!

Wilberchie and Patty join force!

http://projectsss.blogspot.com

most terrifying 15 mins of my life

Monday, Aug. 25, 2008, 1:30 pm, nagbalak kami ni Mom na pumunta sa Makati para kunin yung voucher from a company. NIrefer kasi si Mudra ng isa sa mga churchmate nya. Totoo daw yun, kasi nakareceive na daw yung nagrefer sa kanya ng voucher. Not to mention, tinawagan na si mudra the other day ng company.

So sumakay kami ng jeep to Tayuman, at doon sumakay kami ng LRT. alam kong hindi sanay sumakay sa ganun si mom kya step by step ko syang tinutulungan kung anong dapat gawin sa LRT. Alam kong walang mauupuan si mudra pag sinama ko sya sa mga cart sa likod kaya pinaupo ko nalang sya dun sa Female cart. Bago kami naghiwalay, sabi ko sa GIL PUYAT kami bababa, intayin nya ako dun sa exit paglabas nya ng tren.

Nakapasok na kami, umandar na ang tren. Nagpatuloy ang paglalakbay namin papuntang GIL PUYAT. Nakaupo pa nga ako, siguro bandang UN Avenue yun. Nang dumating kami sa PEDRO GIL, napaisip ako bigla. Shet! Baka dito bumaba si mom!!! Pero hindi ko na rin pinansin alam naman ni mom kung san kami baba.

Dumating na ang tren sa GIL PUYAT Station. Dali dali akong bumaba. Takbo agad sa Femal cart, hinahanap ko si mom. Umalis na ang tren hindi ko pa din nakikita si mom. Nawala na ang nagkakagulong mga tao sa exit. SHIIIIIIIIIIIIIIIIT!!! NASAN SI MOTHER!!!!???? Sigaw ko sa isip ko. Kinalma ko muna nag sarili ko. Bumaba ako ng hagdan hanggang sa kalahati ng buong hagdan. Tinanaw tanaw ko sa kabilang lane kung bababa si mom. Inisip ko na lumagpas is mama dahil hindi sya bumaba ng tren. Bumaba na ako ng tuluyan at naghanap ng payphone. Sakto naman, may nakita ako kagad sa may tabi. Tumawag ako kay ate. Naisipan ko kasing kontakin ang mga kapatid ko. Nasa bag na dala ni mom ang cellphone ko. Siguro naman mararamdaman nya ang pagvibrate nun. Sa isip ko kasi, ok lang saken na maiwan ako. Ang inaalala ko ay si mom. Hindi kasi sanay bumiyahe yun. Pero alam ko, may pera naman sya pantaxi pauwi. Tinawagan ko ng tinawagan si ate grace pero hindi nya sinasagot ang phone nila. Nagbayad nalang ako dun sa mamang bantay nung payphone. Nakakahiya hindi ko nga nakausap si ate pero kanina pa ako tawag ng tawag. Pinambayad ko yung 20 pesos na sukli kanina sa pambili ng ticket ng LRT. So ibig sabihin 15 pesos nalang ang pera ko!

Nag-isip ako mabuti kung anong gagawin ko. Kung uuwi ako, 15 pesos ang pamasahe from LRT GIL PUAYT station to TAYUMAN. Lalakarin ko nalang from Tayuman papunta kina ate, but that would take me approximately 1 hr. Baka san na mapunta ang mother ko. Bumalik ako sa GIL PUYAT station Baclaran. Siguro napansin ni Ate guard na medyo parang troubled ang mukha ko. Sinabi ko ang problema ko. Wala rin naman din sya magawa kasi hindi namin alam kung sang station bumaba si mudra. Ginawa kong lahat para hindi magpanic.

Naisipan kong maghanap ng payfone na coins sincemay barya nako. Pumasok ako sa mall adjacent to the station. Naghanap ako ng payfone. Wala akong nakita. NagCR nalang muna ako. paglabas ko, nakakkita kao ng SMART payphone. 8 pesos lang daw ang tawag to cellphone. Shet! Naexcite ako! Pwede kong tawagan ang Kuya doc ko para sya na kumontak kay Ate at kay Mom. Hinanap ko ang coin slot. Hinanginan ako ng malamig nang mapansing Fonkard lang itong payphone na ito.

Bumaba ako at lumabas ng building. Tatry ko ulet tawagan si Ate. Baka sakaling sumagot na sya. Pupunta na ako sa pinagtawagan kanina ng may biglang tumawag sakin.

"Tong!"

Paglingon ko, si Mudra! Shet! Napayakap nalang saken si Mother.

Ako honestly, napaluha ako. Super alala ako kay mother. Wala akong pakialam kahit pa lakarin ko simula Pasay hanggang Tondo basta alam kong safe si Mother!

Kaloka kasi tong si Mother! Sa PEDRO GIL sya bumaba!

Kaloka! SABI KO NA NGA BA!

Yari ka!

Photobucket


Si Micheal V. nasa cover ng September 2008 ng Reader's Digest! Kalerkey! I'm so Proud of you Kapuso! You deserve that! Hihi!

Celebrity Duets 2

Photobucket


Presenting ang new Contenders:

Photobucket
1st line from left: Melanie Marquez, Joey Marquez, JL Cang, JC Buendia
2bd line from left: Carlene Aguilar, Bayani Fernando, Cory Quirino, Phil Younghusband


ay! gusto ko tong bagong line up ng contenders! napakadiverse! Iba't ibang klaseng tao! i love it!

Melanie Marquez, the beauty queen-supermodel-actress. Ay wala aketch masay! tignan natin ang vocal powers ni Mother. Ay nko mother ah! Pwede na kitang ijudge kahithindi ka book ok?

Joey Marquez, the basketball player-comedian-politician. Kwela ito! I can't wait sa mga pakulo ni Tsong sa concert stage!

JL Cang, the Celebrity Chef. At sa wakas nalinawan na din ako kung bakit umalis si JL sa Katoque. Well anyway, nakakaexcite kasi napapansin ko kasi pag nagluluto si JL, ang bilis nyang magsalita. Let us see kung his singing skills is at par with his cooking skills. BTW, nagsabi sya ng oo nung tinanong sya kung gagayahin nya daw si Dr. Hayden Kho sa pagsing ng topless. Ay! titili ako nun!

JC Buendia, the famous designer. Ay! Kelangan ng Powers ito! Para matalo ang 2 hearthrobs!

Carlene Aguilar, the beauty queen. Ang pagkamataray attitude nya kaya ay papatok sa mga viewers ng Celebrity duets para iboto sya?

Bayani Fernando, the MMDA chairman. Che! Matatalo to! I'm sure of it! exposure ito para sa pagtakbo nya sa 2010 elections!

Cory Quirino, the beauty expert. Winner kaya ang anak ng dating presidente Elpidio Quirino sa singing? Infairnalou! Winner ang beauty ni mudra ah!

Phil Younghusband, the professional soccer player. Kaloka ito! Napabilib nya ako, nakatapos sya ng Sports Science at Math Mechanics ng 17 years old! Kaloka! Pero mas like ko pa din yung bro nya na si James. Nako lahat ng mga bakla I'm sure boboto dito. Um-oo din sya nung tanungin sya kung kakanta din sya ng topless. Shet! Uuwi ako talaga ng maaga twing sabado para manood neto!

Can't wait magstart to!

Ang cutie naman neto


Photobucket<
Ramon Joseph Revilla



You read it right! Isang Revilla ang cutie na yan! Meaning! Kapatid sya ni Bong Revilla Jr. Isa na namang kapatid nya! Kalerkey! Mukha ba syang 14 years old? 14 lang daw yan eh. Pero infairness, may Revilla blood. Mukhang chickboy. Sabak agad syang Movie, kasali sya sa Xenoa 2, tapos, indie film na Fidel. Kaloka! Can;t wait to see him in action!

Dingdong!

PhotobucketPag may doorbell kayo sa bahay anong maririnig mo pag tumunog ito?

DINGDONG!

Pag tapos na ang misa sa simbahan anong maririnig mo?

DINGDONG!

DINGDONG ang tunog ng kampana

DINGDONG ang pangalan ng kapatid ni Dante

DINGDONG din ang pangalan ng pinakasexy na lalaki sa Pilipinas!


Haaaaay! DINGDONG! DINGDONG! DINGDONG DANTES!

Naloka ako sa Chizzmaxx na kasali si Dingdong sa 25 sexiest men ng E! I'm so proud of you Kapuso! Infairnalou! May taste ang mga kabatak sa E! Studios ah! Kalerkey! I'm so proud Kapuso!

Another thing, Nadisturb ako sa commercial na ito:


Anu ba naman yan, baket nagpropromo sila na makakadate mo ang isang kafederasyon! Naku ha! Wag nyang magalaw galaw si DingDong!

Presenting:
Photobucket
The Beautiful and the Gay

Che!


Haay nako like na like ko na talaga ang body ni Dingdong ngayon. Kahit pa nagkaron pa sya before ng nipple issue. Isantabi na natin yun ngayon. Super hot na sya ngayon!



Pinakafavorite ko. Meron akong copy ng cosmo na itech
Photobucket
Eto naman ang favorite kong billboard. hihi!

Moody Wilberchie!

Haaaaay ang init ng panahon! Kahit umuulan medyo mainiit pa din.

Pagkatapos ng linggong ito, grabeh, andami kong emosyong ibinigay sa mundo

Photobucket sinundan ng Photobucket kasi pasado ako sa Numericals.

Photobucket kasi pasado ako sa Phychem

Photobucket sa English class ko.

Photobucket pagkasama ko si Patty! My partner in crime!

Photobucket Gusto kong gawin sa prof ko sa stoich kainis kasi yung prelims

Photobucket Gusto kong gawin after nung thermo quiz 2

Photobucket Naramdaman ko nung wala daw si Sir Tengkiat

Photobucket Nung natalo yung team ako sa Battle Ships kasi nung una kami yung nangangarne

Photobucket Ang dram ako kagabe kaya hindi ako nakapanood ng Master Showman

Photobucket Todo cheer sa UST players! WE STILL BELIEVE!!!

Photobucket Nahilo ako kanina sa coding eh!

Photobucket Ginagawa ko ngayon.

Sana this coming week medyo maganda ganda naman ang linggong to

Hishoku no Sora

Like ko tong opening song ng Shakugan no Shana. Sana kantahin yan ni Alyssa-chan!


Hishoku no Sora - Mami Kawada

Hishoku no Sora
Shakugan no Shana

Soshite kono sora akaku somete mata kuru toki kono imi de susumu dake

Sure tsukatte iku 'hito' mo magire nakushita 'mono' mo
itsuka wa kieyuku toki
Atsuku yuru ga su 'sou yo sa' hakanaku yureru 'you a sa'
Sosen onaji mirai

Sonna nichi koukoka o tokashi awareru hi kureru sekai

Kaze ni nabikase sen o hiite nagareru yo na
kansaki toki o susu
Furi kitta aoi mirebiru yume
Subete wa ima kono kede shimei hatashite yuku dake

Mata higa hitotsu otosare sotto doko kade kieta
Genjitsu kawaranu hibi
Dakedo tashika ni kanjiru kimi no nukumori kodou
Kore mo shinjitsu dato

Soshite kurenai koujin o noki yuhi o so ni ima hajimaru saa...

naze takanaru kokoro ni mayoi tomadoi kanjiru no
Ayuku itazura ni amaredasu itami kowashite

Sora ni mijin da yaketa kuma wa utsu ni himeta negai ga kogashiteru
Tameratta koni fukabu namida demo ashita no
chikaga ni kaete

Subete sasagete naiori-tachi saeru yaiba hitotsu de yami o kiru
itsudatte mune no obe no hikari matatakasete
kono imi de shimei hatashite yuku made

Haaay sayanG!

Photobucket
Willy Wang


Haaay! Super excited pa naman ako kagabi nung napanood ko na nanalo yung si Willy Wang sa Wushu. Only to find out nung nagreresearch ako ng picture nya na demostration sport lang sya ngayon sa Beijing. Ibig sabihin yung napanalunan nyang medal hindi counted sa counting sa medals ng country. Pero still, I'm proud na isang Pinoy ang nanalo sa demo sport na yan!

Si Vj Drei

Photobucket Crush na crush ko talaga tong si Vj Drei ng Myx. Ang alam ko Dj din sya, tapos lately napag-alaman ko kasali pala sya sa Tiyanakz movie. Actor din pla sya!

Fav ko yung episode ng Daily Top 10 after nung Myx music awards. kasi yun yung episode ns umayaw sya. He was os sexy and cute! Grabeh! Nakakakilig! Tapos, kumanta din sya ng Bleeding love on air. Love it! Syet! Sana magkaron to ng soap! Papanoorin ko yun! Sa research ko, kasali pala sya before sa Cyberkada sa channel 2 before, nung bata ako pinapanood ko yun, hindi ko sya maalala don, tapos, si Dennis Trillo din nandun daw hindi ko rin maalala.

Basta like ko yan si Vj Drei!

Survey! Hindi ko alam kung baket kulang ang numbers.

2. School mo?
♥ UST! Proud to be Thomasian!
.
3. Anong year mo na?
♥ 4th year nako syet! Ang hirap ng 4th year!
.
4. Anong color ng uniform mo?
♥ Black ang white ang cheap nga eh
.
5. Sinu-sino ka-tropa mo sa school?
♥ Dota boys, Lady Seo, Partner in crime patty, Baklerj Goddess ChE Circle, CSC Family, UST-ChE 2010, SIKLAB fifol.
.
6. Fave tambayan?
♥ Sa CSC Office! Sa Labas ng Lab 5!
.
7. San kayo palagi kumakain?
♥ Kina mother
.
8. Kaninong fave haus kau lge gumagawa pg group proj?
♥ Kina Donky, Albert
.
9. Sino mdalas mong kasama?
♥ Wala naman, marami rin kasi akong ginagawa
.
10. Sino kasabay mong pumasok?
♥ Wala naman din, minsan nakakasabay ko sa Jeep si Joanne, Ena, Lady Seo and Toto
.
11. Sino kasabay mong umuwe?
♥ Wala den, minsan si Renz, taga Tondo din kasi yun
.
12. Fave pntahan pg walang class?
♥ CSC office! Libre na internet! libre pa pangungulit! Minsan, pag tinopak si John, Libre fidza hat!
.
14. bkit un ang pinili mong skul?
♥ I shall return kasi drama ko!
.
15. Fave hnihiram ng clasm8 m sau?
♥ USB
16. kabisado mo ba ang skul hymn nio?
♥ YES! BY HEART AND SOUL
.
17. plagi ka bng late?
♥ Muntik lang malate
.
18. palagi ka bng ngllakwatsa?
♥ Yes! nakakatamad kasi yung english stoch tska Thermo
.
19. Ngccutting classes k b?
♥ UU!! KATAMD KASI!
.
20. palagi ka bng absent?
♥ OO!
21. May crush ka ba s classrum?
♥ Yes! Si Toto, si Sir Raniel,
.
22. crush?
♥ Si ano, Si Rex, tska si Jar-jar... pero pawala na din yung sa pangalawa
.
23. Ano oras ka umuuwi?
♥ 10pm!
.
24. Best thing in HS?
♥ andami mong tym makihang out with friends
.
25. last na toh..i-rate mo 1-10 ang school mo, 1 ang mababa?
♥ 10! Proud to be Thomasian! go USTe!

Paraiso ni Wilberchie




OMFG! Uploaded nah!

Eating lunch with Alberchie...

Medyo late na kami natapos ni Lady syo sa Experiment #3 sa Physical Chemisty Lab namin. Napakatroublesome kasi nung experiment na yun. Biro mo, magrerecord ka ng temeperature every 15 seconds. Aba! Hindi biro yun ah! ilang oras ang lab nmin, tatlo! Do the mat hkung ilang readings yuN! Not to mention na naghandle pako ng Glacial Acetic Acid na isang corrosive substance. Imagine nyo nalang to, yung classmate ko, binuksan nya yung takip nung jug ng Glacial acetic acid without turning on the vent, yung vapor nung acis, pinagbalat yung mukha nya! Ganun sya ka corrosive kahit vapor lang nakakalapnos! Nagmukha sya tuloy bagong facial.

Nung finally, natapos na yung lab, nagutom ako, kasi hindi naman ako nagbreakfast. Inaya ko si Jaboy na kumain, dadalan daw siya ni Gladies ng lunch nya. Si Jepoy naman at Nior ay nakakain na kaya mag-isa nalang ako pumunta kina "mother" para kumain.

Tumawid ako ng overpass, dumaan sa may Goldilocks. Habang naglalakad na ako palapit sa carinderia nila mother, meron akong isang pamilyar na bulto na nasasalubong. Malayo pa lang kilala ko na yon. Kabisadong kabisado ko ang bultong yon. Si Albert, ang kasalubong ko. Nung nandun na sya kina mother, hinantay nya ako bago pumasok.

Namili na kami ng ulam, walang sisig so kelanagn pumili ng iba, ako dinuguan, si Albert mechado. Bawal kasi kay Albert yung dinuguan kasi Iglesia sya eh.

Ako, nung nakuha ko na yung pagkain ko, umupo ako dun sa isang empty table. Syempre nakaharap ako sa TV. Hindi ko inexpect na tatabi sya sakin. Ang luwag luwag naman kasi dun sa harap ko diba. Ewan ko. Pero masaya ako. Matagal narin kai nung huli namin ginawa yon. As in matagal na matagal na. It reminded me of the time na lagi akong nasa bahay nya dito sa Manila. Masaya kami laging kumakain. Nakakamiss talaga yung mga panahon na yon.

Ewan ko ba, kahit na medyo nagkaron kami ng gap ni Albert, hindi mawala yung fondness ko sa kanya. Concerned pa din ako, hindi ko lang pinapakita. Haaay ewan. Miss na miss ko na si...



Alberchie...

Sayang...

Dumaan ako sa Divi kanina. Bibili sana ako ng M2M porn. Pinuntahan ko yung place kung saan ako suki. Dumating akong empty yung lugar as in walang katao katao. Normally pag bumibili ako dun, andaming nakikiusyoso. Tingin ng tingin hindi naman bumibili. Kaya naman pala walang tao dahil wala na pala dun yung pinagbibilan ko. Naraid daw yun sabi nung mamang nandun sa kabilang stall.

Haaaay sayang! Ireregalo ko pa naman sana kay Baklerj Joeward! Follow up bday gift ko sana sa kanya. Wala lang akong time kaya hindi ako makabili. Ngayon naman ngakaoras ako, nawala naman yung pinagbibilhan ko. Oh well.

Nung dumaan ako sa may Simbahan ng Tondo, meron ngtitinda puro indie films. May foreign may local. Sayang! Kasi, isa lang mabibili ko, 80 isa eh, 100 lang pera ko eh. Gusto ko sana pakyaw tapos mamarathonin ko buong magdamag! Hahahaha!

titles include:
The Masseur
Sikil
The Shelter
A Singapore Love Story
Mga chorvang ganyan. Wow ah! Pambading! Wahahhahah!

Sayang Baklerj!

tv5 Shows

Aba! Humahaba ang listahan ng favorite songs ko from tv5 ah! Eto ang mga nadagdag:

Photobucket

Animé yan na super ganda! Tungkol sa Flamehaze, Lord of Crimson Land and cheverlou! Shet ang ganda!

Photobucket

Ang weird ng animé na ito na adapted from a manga series. Weird pero ang kulit! kaya ang saya saya panoorin!

Photobucket

Ang kukyut ng mga papaness! Tapos nakaspeedos pa kasi tungkol sa men's synchronized swimming itech! Kalerkey! Like ko yung nasa center yung Council President! Kontrabida sa una, then sasali din sa group! Yey! Kaexcite! Notable din si Kankuro yung lead! Natawa nga ako nung una kong narinig yung name nya. Kasi ang pinakafamous na Kankuro ay yung nasa Naruto.


PhotobucketPhotobucket
Magkamukha ba?

Torotot & M-gage



Torotot Trailer


Excited ako sa movie na ito. Hindi dahil mukha siyang indie, o dahil may pagkasexy yung movie. Kundi curious ako kung baket torotot ang title nya. Dati kasi ang mga "bomba" films, pahabaan ng pangalan. Tukso Layuan mo ako. May gatas pa sa labi. Mga echos na ganyan. Kaya ayan. It star, Maui Taylor, Precious Adona, Baron Giesler, and Manila's very own, Councilor Yul Servo.

Kagabi sa Walang tulugan with the master showman, kinanta ng M-gage ang theme song ng Torotot, Ikaw lamang ang sa akin. For me, napaka-ekek nung lyrics. Walang ka latoy-latoy! Kung hindi lang medyo goodlooking ang mga kumakanta hindi ko pag-aaksayahan ng oras pakinggan yun.

Photobucket



M-gage, short for Male Engagement, is another all male sing and dance group by Direk Marjo J. delos Reyes. Honestly, gwapo talaga sila. Eto ang isang excerpt form the net

The boys are so good looking; fresh and wholesome. Craig alcantara, 23 Years old is a graduate in business administration from thames International business school. He used to be lead singer in an alternative Band in dumaguete city. He excudes the aura of mystery and naughtiness With his fine flawless mestizo looks. Orlando sol 21, the youngest in the Group is a look – alike of best actor Yul Servo with his dimpled smile. He has the highest vocal range, can sing falsetto, loves to body build and has The strongest sex appeal. He loves dancing and is very athletic. Saj Hufalar is A graduate of the Hotel Tourism Institute of the Philippines. Being the Younger brother of masculados kiro amirati, he has the same middle – Eastern look that excudes boyish charm. He is baritone, loves ballads aside From their regular Pop and R & B repetoire. Often mistake as Kiro, he is Working hard to make a name on his own without living his brother’s Shadow. Blumark roces hails from calape, Bohol. He’s graduated Computer secretarial but has joined show business after he passed auditions Of the weekly sitcom, ‘’ Let’s Go ‘’ where he plays the boy next door, norman. Last but not the least is joe armas, a former Ginoong Pilipinas title holder. He is finishing a course in computer engineering from Adamson University But looks forward to having a career in entertainment tha’s why he joined M – GAGE.
- from http://www.viva.com.ph


Anyway, gusto ko yung Orland Sol, yung Lead vocalist. Sabi niya kagabi sa Walang Tulugan, pupunta daw syang Brussels para kantahin yung theme song. Sa sobrang pag kagusto ko sa kanya nahanap ko itong picture na ito!

Photobucket


Yummy! Slurrrp!

Mico and Marco Aytona

Photobucket
Mico and Marco Aytona


Ngayon ko lang talaga medyo nakikita yang magkapatid na artistang yan. Dahil pareho silang sa kabilang bakod nagpapakita. Pero kagabi (kaninang madaling araw actually) sa Walang tulugan with the Master Showman, kumanta silang dalawa. Infairness, may chemicstry sila sa pagkanta. Parehong maganda ang boses nila at, magaling mag-gitara si Marco. Kung bibigyan ng break yang dalawang yan together in an album bibili ako ng orig. Swear! ang ganda ng rendition nilang dalawa ng Magazine orginal by the Eraserheads.

Between the two brothers, mas gusto ko si Marco, para kasing mas cute sya, at mukhang mas mabaet at maamo. Hihi! Sa pagsesearch ko sa net eto ang favpic ko nila.

Photobucket
Mico

Photobucket
Marco

New Para para song!

Syet! I so love this video! Ang ganda nung ginawang dance! tapos yung kanta Favorite ko na ginawang dance mix!

trivia: Ang let me be with you ay ang opening song ng animé na Chobits

eto na sya

Let me be with you parapara!



yey! May bago nanaman akong gagawan ng sayaw!

Crush by David Archuleta

Una nyo syang napangkinggan sa blog ni Patty at ngayon nakarating na sya sa blog ko!

Presenting ang bago kong favorite song!

naalala ko si Whel dito! =D

Crush
By David Archuleta

David Archuleta - Crush (HQ) + Lyrics.MP3 - David Archuleta

I hang up the phone tonight
Something happened for the first time
Deep inside
It was a rush, what a rush
Cause the possibility
That you would ever feel the same way
About me
It's just too much, just too much

Why do I keep running from the truth
All I ever think about is you
You got me hypnotized, so mesmerized
And I just got to know

Do you ever think
When you're all alone
All that we can be
Where this thing can go
Am I crazy or falling in love
Is it really just another crush
Do you catch a breath
When I look at you
Are you holding back
Like the way I do
Cause I'm trying, trying to walk away
But I know this crush aint going away, going away

Has it ever cross you mind
When were hangin, spending time girl,
Are we just friends
Is there more, is there more
See it's a chance we've gotta take
Cause I believe that we can make this into
Something that will last, last forever, forever

Do you ever think
When you're all alone
All that we can be
Where this thing can go
Am I crazy or falling in love
Is it really just another crush
Do you catch a breath
When I look at you
Are you holding back
Like the way I do
Cause I'm trying, trying to walk away
But I know this crush aint going away, going away

Why do I keep running from the truth
All I ever think about is you
You got me hypnotized, so mesmerized
And I just got to know

Do you ever think
When you're all alone
All that we can be
Where this thing can go
Am I crazy or falling in love
Is it really just another crush
Do you catch a breath
When I look at you
Are you holding back
Like the way I do
Cause I'm trying, trying to walk away
But I know this crush aint going away
This cush aint going away
Going away
Going away

Fucking Choreography Stealer!

After ng make up class sa Chemical Process and Industry (CPI), fly ako agad sa SM Manila para makapag-parapara.

Yey! Walang tao! Nakasayaw agad ako! Nka tatlong tokens agad ako kasi wala naman akong kaagaw machine. Tapos non, napagpasyahan kong kumian muna nang lunch. Kain galore ako sa KFC sa baba. Nakaktawa nga kasi mukha akong basang sisiw kasi naiwanan ko yung panyo ko somewhere at pawis na pawis akong pumunta sa KFC para kumain.

After kumain, sayaw to the max nanaman! Pero nung kalagitnaan ng routine ko, may naglaglag ng tokens. Dalawa sila, isang tibo, at isang baklana parehong nakajogging pants na gray. Nung nakit ako yung symbol nila, Pythagorean Theorem(ang cheap!), taga TUP pala sila.

Nung natapos ako, unang sumayaw yung tibo. Wow! Freestyle mode! Expert pa ha! Non-stop mode, at ang mga kanta nya ay Love again Tonight, Hold on me, tapos Delux.
Edi sumayaw na si tibo. Habang sumasayaw sya Meron akong napansin na parang pamilyar sa mga dance moves nya. Lalo na dun sa part sa kanta ng Love again to night na "LOVE LOVE LOVE LOVE!" parehong pareho sila ng dance stepnung isang parapara enthusiast na madalas din sa SM Manila.
Bali eto yung kanta, pero para paramode yan. Take note: kaya ko sayawin yan kahit nakapikit!

Love again tonight



So sumunod si bakla naman, sinayaw niya Hold on me. Meron pa rin silang pagkakatulad nung isang enthusiast, pero may variation, okay saken yun. Ayan si Tibo ulet Deluxe naman. Syet! yun din yung sayaw nung enthusiast! Lalo na sa part na "ohh ah,ohh ah, parapara para!" Syet! yun talaga yung dance step nung Enthusiast!


Deluxe



Naiinis na ako nung panahon na yon. Sumunod si bakla naman, ok naman yung dance step nya. Binigay nya yung last dance dun sa tibo. Tang ina! nag-init na talaga yung dugo ko! I wanna dance yung sinayaw nya! Tapos yung ocho ocho nung enthusiast ginaya nya! Tang ina! Tang ina talaga! dun yun sa part na bago mag dakishimete! Tang-ina! Okay lang na magpasikat sapara para kung sarili mong choreography yung sinasayawmo sa freestyle! kaya nga freestyle eh! kahit ano pwede mong isayaw, kaya sigurado ako, magkaiba ang sayaw ng dalawang enthusiast kahit pa magkaibigan sila. Lahat kaming mga enthusiast nagpapakahirap gumawa ng choreo na sasakto dun sa mga arrows tapos may manggagaya lang? ok lang sana kung parapara mode kasi fix na yung sayaw nun. Eh freestyle yan eh! Walang gayahan nung dance step! taga-PLM yung guy na yun, kaya imposibleng maturo nya sa mga taga-PUP yon! Nakakainis! bilang isang parapara enthusiast i feel na parang ninakawan yung kapwa ko enthusiast!



I wanna Dance

Hell Week 4th year Prelims 1st Sem Day 5

Exam: Chemical Process and Industry
Professor: Engr. Andrew Benedict Tengkiat
Difficulty: Normal
Comment:
Nung unang bese akong nag-aral para sa subject na ito, naloka ako! andami kasing information dun sa slides na binigay ni Sir, nag-overload nanaman ang utak ko! Hello! Kabisado ko kaya yung mga dimensionless number sa Heat transfer, magmula sa Fourier's hanggang Prandlt! Che! Sa exam, sa identification lang nya nilabas yon! Che! Meron akong hindi nasagutan ng 2 identification, sa enumeration, merong isa, nakalimutan ko yung isang factor sa evaporation. test III. What are the use of baffles, hindi ko maalala ung iba, basta ang alam ko it prolongs the contact time of the fluids in the process. Test IV. isang whopping na 60 point essay! Ikaw daw ay isang process engineer sa isang planat ang gumagawa ng orange juice, ngayon, yung raw juice mo ay gagawin mong mas concentrated kaya syempre, paiinitan mo para magevaporate ang tubig, ito ay gagawin mo sa isang multiple effect evaporator, Q1: Anong type ng evaporation feed ang i-rerecommend mo?

Ang sinabi ko isang forward flow evaporation feed. Why?
Reason 1: Sa first effect kasi, kontrolado ko kung gano karaming ipapasok na init para maraming mag-evaporate na tubig. Consequently, kontrolado ko na rin ang dami ng steam na lalabas sa iba pang effect.
Reason 2: Ang design ng isang forward flow ay normally na may pump inbetween ng mga effect. since ang orange juice ay nagiging viscous pag nagiging concentrate, kelanagn mo nang pump para maachieve ang constant velocity within the system.
Reason 3: Mas konti ang magagamit na init sa last effect compared to the 1st, mas less ang chance na masuong yung raw juice.
OMG! TAMA AKO!! SINABI DAW NI SIR SA BUONG CLASSROOM!!! OMG!! OMFG!

Exam: Technical Writing
Professor: Assoc. Prof. Virginia Sembrano
Difficulty: FUCKING EASY!!!
Comment:
Wala super dali! natapos ko in 10 mins! Antagal ng inintay ko, ihing ihi nako!

For the First Time

KC Concepcion and Richard Gutierrez 1st movie together.



For the First Time


Grabeh! Anniversary namen ang labas nyan! August 27, 2008! Kalerkalou! Shet parang ang mushy nung movie, ang sarap panoorin. This is the 1st and last time na mag-fifeature ako ng Star Cinema Movie sa blog ko. Lam nyo nman, Wilberta Dyosa is a proud Kapuso!

Can't wait sa GMA films naman ng KC and Richard movie shet!

Thermochemistry Quiz Number 2! 2! 2! 2...

Grabeh! Nakakilito pag may choices! Sana wala na lang!
Paulit ulit na ΔH, ΔU, Q, at W.
Nag-overload ang utak ko! Kaya eto! Fly kagad ako sa CSC office para pakinggan ang bago kong fav song mula sa bet ko sa American Idol, David Archuleta. First heard from Patty's blog! Grabeh i so love it sobra!


Wala din akong thermodynamic table. Hindi naman kasi sinabi ni Ma'am na kelangan eh. Haaaay. Oh. Di bale, pasado naman ako nug last quiz, babawi nalang ako sa prelims. Mag-aaral ako mabuti! Go Wilberta Dyosa!

Cancer of the blood

PhotobucketKagabi, habang nanonood ao ng 24 oras sa Kapuso, nabigla ako sa sinabi ni Mike Enriquez. Nanganagailangan daw ng blood donation ang ating Master Rapper Francis M. Wala pa raw statement si King of Pinoy Rap, at bukas daw sa Eat Bulaga daw magbibigay ng official statement.
So nagbasa basa ako sa net at nabasako na may Leukemia daw ang ating Nationalisting Rapper. Haaay! Mga Kapuso! type O daw si Francis M! Donate nah!

Gustong gusto ko yung mga Rap ni Francis M, kasi hindi offensive tapos, nationalistic pa! Remember Tayo'y mga Pinoy? Gustong gusto ko talaga yun! Pero ang pinakafav ko talaga sa kanta ni MasterRapper ay kaleidescope world. Funny, walangrap yun!

Let us pray for Francis M's recovery.

ChllingTouch!


Photobucket + Photobucket = ICE POWER!


Grabeh. Namimiss ko na yung characters ko sa Granado Espada. Especially yung Elementalist ko. Pinag-ipunan ko yung costume nyan. Mula buhok hanggang sa Maid Uniform. Miss na miss ko na yung pagsigaw nya ng "Chilling Touch!". Memorable sya, kasi ako yung isa sa unang nagkaron ng elementalist samin na babae. The best akopumiling char eh.

Naalala ko si Allora, dahil ang lamig lamig na lately ng gabi. Kasi super duper bumuhos ang ulan. Sana ganyan lagi! Ang sarap ng feeling eh. Hindi ko na kelanagn ng e-fan pag natutulog. Tipid sa kuryente!

Abangan!

May pakulo kami ni Patty. HIntayinn yo yan mga kaTomasino at KatTomasina!

Ang naisip kong title ay SSS:

SO THOMASIAN;SO ENGINEERING; SO CHEMICAL ENGINEERING;

Pero hindi pa sure hindi pa kami nag-uusap tungkol dito ni Patty.

Kaya Patty! i-accept mo na yung invite ko sa yo!

ABANGAN NYO PO IYAN!!

Hell Week 4th year Prelims 1st Sem Day 3

Exam: Numerical Methods
Professor: Engr. Jojo Blanza
Difficulty: Normal
Comments:
Kasalukuyan akong busy sa pag kuha ng root mula sa non-linear equations:
F1(x,y) = x2 - y + 1
F2(x,y) = 3cos x - y
actually, nasa Δx3 na ako nang may naramdaman akong hindi kaayaaya. Gustong gusto ko na talagang magpaalam at lumabas para magCR. Pero sa isip isip ko. Hindi pwede! Hindi mo matatapos ang exam! Kaya ayun. Todo pigil ako sa paglabas ng mahiwagang makyohong surprise na nagmula sa paghilab ng aking tyan. Nakakainis! Waaaaaaah! Kaya naman pagkatapos ng exam, linunok ko na ang bato, sumigaw ng DARNA!!! at nag-fly na kagad sa TAN YAN KEE para chumorbells! Yey! Relief!

Feeling ko bumagal yung computing ability ko ng 30%. Kya yung mga last questions na sinagutan ko 70% nalang yung computing powers na nagamit ko! Pero ok lang, confident naman ako sa mga sagot ko prior to the hilab thing. So feeling ko naman pasado ako. =D

fwetfatuters!




Matino pa ako, hindi pa ako naglalaway kay Sam Milby. Dyos me! No matter how sexy your chest is, kung hindi Wendell Ramos-ass ang pwet mo. Waley ka sa listahan ko ng sexy. Bukod pa sa hindi ako nalilibugan sa bading! Nyahahahha!

At the Beginning

Pag napapakinggan ko tong kantang to. Naaalala ko ang Toto Jes love team. Nakakakilig! They're so cute together! I'm so happy for them! Bagay na Theme song sa kanila yan.


At the Beginning - Richard Marx and Donna Lewis
At the beginning -Anastasia
We were strangers starting out on our journey
Never dreaming what we'd have to go through
Now here we are and I'm suddenly standing
At the beginning with you

No one told me I was going to find you
Unexpected what you did to my heart
When I lost hope you were there to remind me
This is the start

(chorus)
And Life is a road and I want to keep going
Love is a river I want to keep flowing
Life is a road now and forever
A Wonderful journey

I'll be there when the world stops turning
I'll be there whenthe storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you

We were strangers on a crazy adventure
Never dreaming how our dreams would come true
Now here we stand unafraid of the future
At the beginning with you

(chorus)

I knew there was somebody somewhere
Like me alone in the dark
I know that my dream will live on
I've been waiting so long
Nothing's gonna tear us apart

(chorus)

In the end I wanna be standing at the beginning with you

Aral Break muna

Nagtext si Lady Seo. Wala daw kameng Prelims sa Environmental Engineering bukas. Thank God! Para focused ako sa Numerical Methods! Grabeh. Walang puknat na computation itu! So far, natapos ko na yung mga madadali. Bisection Method, Method of Successive Substitution, tsaka Newton-Rhapsson Method. Rerefresh ko nalang yung series tutal naman, medyo stuck knowledge na ang Mclaurin's at Taylor's Series sa akin.

After neto, magtutuos na kami ng Secant Method, Bairstow's Method. At ang mga Matrices.

Buti pa si Patty, ok sa Stoich. Good for you Patty! Ako, ewan, sana umabot na pantapal sa grade ko yung pareho kong pasadong quiz sa sa subject na yun. Oh well.

Ang kukulit ng mga tao sa CSC office. Trip na trip nila yung football design ng "lunchbag" ko. Lunchbag kasi, lunchbox yun na ginagawa kong bag. Asteg diba? Ayun, algi nilang binabato bato, pinaglalaruan ni Jarry, Mon, at Kuya Cachi. Mga "Lakas" trip! Chos! Wahahhahahahha!

Makapaglaro nga ng internet game. Hihi!

Hell Week 4th year Prelims 1st Sem Day 2

Exam: Chemical Engineering Calculations I
Professor: Prof. Evelyn Laurito, Ph. D.
Difficulty: SOBRANG HIRAP!!!
Comments: Tangina!!! ANG INIT NUNG CLASSROOM!!! ANG HIRAP!!! puro relative humidity, vapor pressure, Antoinne Equation, dew point, etc! kainis! Sobra! ANg hirap! 2 hrs. lang nya tinuro yung mg ayun tapos ayun yung majority nung exam namin!!! !waaaaaaah!

Hell Week 4th year Prelims 1st Sem Day 1

Exam: Physical Principles II
Professor: Mr. Virgilio Agbayani
Difficulty: HIRAP!!! GRABEH!!!
Comments: Pagkatapos kaming ulanan ng computations sa Lecture at Quizzes. Kinarne kami sa principles dito sa Prelims! Puro Computation pa naman yung ginawa kong review! Nakakairita! Waaaaaah! Bagsak! Ang hirap manghula! Sobra!

Cerealicious!!!

Photobucket


Mabuhay naman!!! Hindi pa ako nag-aaral!!! ARRRGH!!! Pero ok lang. Nakalibre naman ako ng Cerealicious mula sa gift checks from CSC!!! Bwahahahahhaa! Ansaya saya!!!

Ang saya sayang experience neto! Grabeh! Iba ang blessing dito! ang sarap! Bwahahha!

Here are my brothers and sisters of Cerealicious:

Photobucket
Sky, Ako, Yza, Rexa, Alex


Ang saya saya! Paxenxa first time ko kasi kumain sa Cerealicious eh! Super nakakaexcite yung mga pangalan ng flavors! Spoof ng mga movies! Blockbuster talaga! Shet! Yung akin, Harry Butter Finger of Azkaban. Kalerkey ang nem. Eto ang mga kinain namin!

Photobucket
Photobucket

SARAP!!! SHET!!!

Lipgloss

Photobucket


ABC 5? No!!! TV5 na sya ngayon! At kasabay nun ay ang pagrevamp ng mga shows!

Pero gusto ko tong particular show na ito dahil nandito silang dalawa.
PhotobucketPhotobucket
Mikee Lee and Rodjun Cruz


Crush ko talaga yang dalawang yan. Unfortunately, pareho silang Kapamilya. Kaya hindi ko sila napapanood. Eh katulad nga nang lagi kong sinasabi, ako po si Wilberta Dyosa, Proud to be Kapuso!

Crush ko si Mikee kasi he exudes that nerdiness na gustong gusto ko. Si Rodjun naman, kasi magaling sya sumayaw. Crush ko na sya before nung time nya pa sa 5 and up. Nakasama ko sa trabaho yung partner nya na si Giggles. Hihi!

Ang title nung show nila eh LIPGLOSS. Parang Gossip Girl actually. Sa mga nabasa ko, dark side daw ng kabataan, yung makikita naten. In contrast dun sa typical teen shows na puro pacute at love story. Shet naeexcite nko sa show na ito. Kaso puro kapamilya yung cats eh. Aldred Gatchalian, Sam Concepcion etc. Well anyway, at least wala sila sa motehr station nila pwede ko na sila mapanood. ha!

13 going on 30


Photobucket


Napanood ko sya ulet kanina sa TV5. Una ko syang napnood nung pauwi ako ng Manila galingkina Donky. Inpeyrness maganda talaga sya. Nakakkilig lalo na si Mark Ruffalo na leading man ni Jennifer Garner.

Trivia: si Mark Ruffalo din yung leading man ni Reese Witherspoon in the movie Just like Heaven.

HELL WEEK 4th year style!


Photobucket


Ayan ang iskeydiyul ng exams namin this coming week.
Physical Principles II - Si Sir Agbayani kagad yung 1st exam! Syet! Goodluck naman! Gibbs, Helmholts, Chemical Potential, Vapor Pressure, van der Waals equation, Redlich-Kwong equation... Shet!! SASABOG ANG UTAK KO!!!!

Chemical Engineering Calculations I - OK ako dun sa mga first lessons, pero etong mga huli na humihirap na, shet kakayanin ko kaya? pasado naman ako sa quizzes eh. Dito kaya sa prelims kakayanin ko?

Numerical Methods - Sir Blanza ang pangatlong exam. Shet Ang aga! 7 - 9 am! Sana hapon nalang kami! Medyo marami rami pa naman yung topics nya.

Environmental Engineering - Si Ma'am Evee ulet from Stoich! Mamaniin ko to, medyo kabisado ko pa yung mga laws, tsaka minsan common sense nalang, siguro rereviewhin ko lang yung ibang terms like the colier's effect and the like.

Chemical Engineering Thermodynamics - Quiz lang itech. Medyo madali kasi elementary Thermodynamics pa lang ito napag-aralan ko na rin naman yung iba, magsosolve nalang ako ng problem sa book. Anyway hindi pa naman eto yung prelims namin.

Chemical Process and Industry - medyo mahaba haba to I'm thinking, feeling ko nga puro basa ako ng basa dito as in memorization to the max. wala eh, matalino kasi prof ko dito. Hindi ako papayag na mamaliitin nya kami.

Technical Writing - Basa lang to, hindi ko na to seseryosohin.

GOODLUCK SA LAHAT NG MAGPREPRELIMS!

Brod ka ba?


Niño Calinao; Lenny Villa; Cris Anthony Mendez;



Kilala mo ba sila? Ako oo. Pero hindi ko sila close ah. Hindi ko rin sila mga papaness. Kasi po, patay na po sila. Silang tatlo ay biktima ng epekto ng Fraternity o Kapatiran.

Una kong nabasa ang istorya ni Niño Calinao sa Linking the World through English IV book ko na siyang libro ko sa English nung 4th year high school ako. Si Niño Calinao ay estudyante ng UP. Ang pamilya nya ay kapos sa buhay kung kaya't siya ay nagsisipag mag-aral. Meron pa ngang oras na nag-camping sya sa Sunken Garden para yung pamasahe nya sana pauwi ay magagamit nyang almusal kinabukasan. Sa kasamaang palad, nabiktima si Niño ng mistaken identity. Pinatay siya sa pag-aakalang miyembro siya ng kalabang frat ng mga pumtay sa kanya. Honestly, naawa ako kay Niño nung nabasa ko yung kapiranggot na yugto ng buhay niya. Siguro kasi, sayang. malay mo, since 1991 pa nangyari yon, Senador na sya ngayon at wala nang corruption sa Pilipinas dahil sa kanya. Isang promising na tao, sinayang dahil lang sa Frat War.

Si Lenny Villa ay graduating student ng Ateneo Law School. Biktima sya ng hazing. Actually merong batas against hazing. Merong karampatang kaparusahan pag napatunayang ginawang initiation ang hazing sa pagpasaok sa isang organization. Kasama sa Right to organize ang pag buo ng mga organizations. Kaya hindi pwedeng idecree ng pamahalaan na iabolish ang mga Fraternity at Sorority. Unfortunately for Lenny, nung panahon nya wala pa ang batas against hazing. Too bad. Sana as a lawyer, he could've known better.

September 2007, pumutok ang balita na meron nanamang namatay dahil sa hazing. Isa na namang UP student sa katauhan ni Chris Mendez. Graduating student din siya. Panganay sa dalawang anak. Ang tatay nya mekaniko sa Qatar. Ginagapang silang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas. Si Chris na sana ang pag-asa ng pamilya, siya ang bread-winner. Pero katulad nung kina Lenny at Niño, nasayang din sya. Sa nabasa ko, narinig, at napanood, mata lang daw ang walang latay sa katawan ni Chris. Punong puno ng pasa at maga ang buong katawan nya. Merong animation na ni-flash sa screen nung binabalita yun, nihaha-highlight yung mga body parts nya na talagang severe yung bruises. Pati yung mukha nya meron din eh! My God! Kung ako mag-o-autopsy sa kanya, feeling ko maiiyak ako.

Napanood ko ulet kagabi yung episode ng Kapuso mo, Jessica Soho tungkol dun sa Hazing. Grabeh ang visuals talaga, nakablur lang yung mukha. Pero grabeh. Pag pumapalo, bumebwelo pa. Tapos, yung isang neophyte na si Grace, babae sya ah, pinaluhod, tapos pinagsasasampal, tinatadyakan, sinusuntok sa braso. Tapos nun, pinatayo sya, talagang hinampas sa may baba ng pwetan, Umaray at napaiyak sya! Habang naghuhumyak sa sakit si Grace, tumatawa yung mga “masters” nyang lalake. In her interview with Jessica Soho, pilit na pinagdidildilan ni Grace kay Ms. Jessica na pagmamahal daw yung ginagawa sa kanyang pagpapahirap. Ang sabi pa, “hindi mo matatandaan yung sinasabi nila sayo pag hindi ka sinasaktan.” Kitang kita ko sa mukha ni Ms. Jessica na hindi nya talaga magrasp yung idea ng pagmamahal na yan. Honestly ako rin. Meron naman si Josh, neophyte din, inutusan ng master nya ng kung ano ano, pinagpumping, squatt, duck walk, pinasayaw,at pinakamatindi, pinahalikan at pinadilaan yung rubber shoes nung master! Meron pang instance na tinanong sya ng master nya, “pano kung mamatay ka?” ang sagot ni Josh “Willing po ako master...”

Sorry dear readers pero kelangan ko lang to ilabas. “PUTANG INA MO KA GRACE! TANG INA MO! LECHE KA! PASALAMAT KA AT HINDI NAGALAW ANG BLOOD VESSELS MO! KUNG NAGKATAONG TINAMAAN YAN BALDADO KA! ANO ANG MASASABI MO KAY MS. JESSICA KUNG NABALDADO KA NA?! ANUNG KLASENG PAGMAMAHAL YANG SINASABI MO? IPAMUKHA MO NGA YANG PAGMAMAHAL NA YAN SA MGA NAULILA NINA NIÑO, LENNY AT CHRIS!!! TANG INA!!! SANA ANG ANAK MO MAGING BIKTIMA NG HAZING!!! HA! TIGNAN NATIN YANG PAGMAMAHAL NA YAN!!! TANG INA MO RIN JOSH!!! OK LANG MAMATAY KA DIBA? SIGE AKO PAPATAY SAYO NANG MATIGIL NA YANG KAHIBANGAN MO!!! HINDI KA PINAPAARAL NG MGA MAGULANG MO PARA LANG MANDILA NG SAPATOS NG IBA!!! NAKAKADIRI KA!!!

Sa tingin ko, a more confident person entices a less confident person. And to become in you need to pass the initiation, hence: hazing. Partially, blame must also given to those victims of hazing, because in the first place, if they didn't join such organizations, they will not meet that sad fate. But of course, much more blame must be given to the so called masters of the frat.

Naalala ko nung 1st year high school ako compulsory yung Scouting. Nung nagcamping kami sa Mt. Makiling, meron kaming activity na nakablindfold kami. Pinaglaruan kami. Pinasayaw, pinakanata pinagmukhang tanga. Katulad nung command sa akin, kumanta daw ako ng happy birthday habang sumasayaw ng laban o bawi. Meron akong narinig sa tabi ko na pinagcommand na “act like a chicken”. *obviously si Sir Smith yun, isang higher officer* Hanggang ngayon hindi ko sya makalimutan, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha yung rationale kung baket kelangan namin gawin yon, at kung anong koneksyon nun sa scouting.

Para saken, walang pinagkaiba ang scouting sa fraternity. Pareho kasi silang may superiors. Ibig sabihin merong mataas na tao sa akin kung hindi ako ang pinakamataas. Merong mag-uutos sa akin, na kailangan kong sundin, kasi yun ang Oath na ginawa ko.

Hindi ko na kailangan pa yang mga frat frat at scouting na yan. Meron na akong mga kaibigan. Meron akong BnBp family nung high school ako. At ChE batch 2010, at ang CSC family ngayong college na ako. Hindi rin naman kasi uso ang Frat sa course ko na Chemical Engineering. Madalas kasi, para makapasa sa board, sumasali sila sa frat. Usually para yun sa mga post graduare degrees like Law, Medicine, etc.

Baket nga ba sila sumasali sa Frat? Dahil wala daw iwanan pag nasa loob ka na. Tutulungan ka nila, hindi lang sa loob ng ng iskwelahan kundi ang mahalaga pag nasa labas kana. Madali kang makakapasok sa trabaho. Meron ka agad mahihingan ng tulong pag may problema ka.

Honestly, minsan din akong nagging beneficiary ng isang frat. Yung Kuya Argie ko ay miyembro ng Phi Sigma Gamma ng Fraternity sa Faculty of Medicine and Surgery ng UST. Nung nagkasakit ako, nahospitalize ako for 1 and a half day, at nag Doctor ko ay isang Consultant tapos walang bayad. Benefits daw yun ng pagiging “brod”. Bali ang binayaran lang namin ay yung room lang, nothing more.

Nung neophyte pa si Kuya, nakaranas din sya ng Hazing. Buti nalang mga doctor na yung pumalo sa kanya, alam nila kung anong magiging epekto pag nagkamali sila. Naawa ako sa mother ko nun. Iyak yun ng iyak nung umuwi si Kuya na puro pasa sa katawan. Masyado pa akong bata nun kaya hindi ko pa naintindihan masyado yon. Pero nakatatak sa isip ko, kung pano umiyak si mother dear, at kung anong itsura ng isang parte ng katawan na namamaga at may pasa na kulay ube.

Meron nakapagkwento sa akin nung pumunta ako sa isang Human Rights Seminar on Youth ng Amnesty International, na pag miyembro ka dawn g Frat tapos, yung examiner mo sa board or bar eh miyembro ng Frat mo, sure ball pasado ka na daw. Hindi ko sya naconfirm. Pero I doubt na yung ibang tao na nakapasa ng board or bar. Pumasa ba sila dahil deserving sila? O pumasa sila dahil Brod sila?

In the case naman of my Kuya, deserving yun. I know his capabilities and weaknesses, and I know for a fact na he’s a great doctor.

Nakakalungkot talaga ang nangyari sa mga taong ito. Kaya’t kasama ng mga pamilya at kaibigan nina Niño, Lenny, Cris at iba pang biktima ng epekto ng Fraternity. Isinisigaw ko din. KATARUNGAN SA MGA BIKTIMA NG FRATERNITY!!!!

Saturday: blue vs yellow

Panalo ang USTe vs AdU! yahoo! Yellow!

Hindi nagalit si Sir Agbayani samen at natapos na nya yung lesson! Yellow!

Nasarapan ang mga tao sa experiment kong sloppy! Yellow!

Hindi ako nakapagconcentrate sa quiz ko kanina sa CPI dahil nagchizzmax ang dalawang frofesora sa harap. Nakinig ako sa chizzmax nila! Blue!

Sabi ni Sir Tengkiat magaling daw ako magluto dapat daw hindi ako nagchemical Engineering dapat ng Culinary arts nalang daw ako! (Green! Why? yellow + Blue makes Green!)

Pasado ako sa Quiz sa Stoichiometry! Yellow!

Prelims na next week! Blue!

Aral nah! Blue!

Tugtog ng Gitara (Alberchie Series part 1)

aMasaya akong naglalaro ng aking mga bagong download na Desktop games. Siguro nakaharap ako ng limang oras sa kompyuter dahil lang naglalaro ako. Nang magsawa ako, naisipan kong iorganize na yung mga nakakalat na folders and icons sa Desktop ko.

Lahat ng Game launchers nilagay ko sa "Games" folder, mga Program Launcher sa "programs", Music Files sa "Music", at ang mga Slides and Documents for school sa "School Stuff".

Naisipan kong magpahinga muna. Nakakapagod ata mag drag ng mga files! Andami nun ah! Para to set my relaxing mood, niplay ko yung Music Folder. Mas masarap atang humiga pag may music! Right-click Play in Media Player. Dali dali akong tumalon sa kama ko.

Konti pa, pumainlalang ang mahinang tugtog ng gitara. Tugtog na kabisadong kabisado ng puso't isipan ko. Tugtog na nagbalik sakin sa nakaraan, sa panahon kung saan ang buong oras at isipan ko ay nakasentro lang sa iisang tao.

Neon by Alberchie.WAV -


"Hi Albert! Pwede ba tyo maging friends? ako si Wilbert classmate mo." Ang unang unang text ko kay Albert.

Saglit lang nagreply na sya. "Uu ba. hehe"

"Umm wala lang. Taga-san ka?"

"Ako? taga-Bataan ako. Ikaw?

"taga-Manila. Born in Manila, living in Manila, will die in Manila"
(Ang drama ko syet!)

Hindi ko na maalala yung iba pa... Pero ang alam ko, dito nagsimula ang pagkakaibigan namin...

Sa text lang talaga kami nag-uusap. Hindi kami nagpapansinan sa school. Siguro dahil, ayokong mailang sya. Pero in the end, nag-usap din kami tungkol dun. Ang sabi naman nya wala naman daw sa kanya yun. Kasi nung high school may bestfriend syang bading. Kaya simula nun, lagi na kaming nagkakasama. Nagdodota, kumakain, tumatambay.

Makaraan ng ilang linggo...

.
.
.

Dumating ang birthday ko, nagising ako ng mga 5 am. Usual, ang una kong gagawin ay tignan ang cellphone ko. Nakita ko kagad yung pangalan ni Albert bilang sender ng message. Himala, sa isip isip ko, ang aga nyang nagising ah!.

"Happy birthday Wilbert! Salamat dahil napaka-bait mo saken. Hindi ako nahirapan mag-adjest dito sa manila dahil sa iyo. Wala na akong masabi! Tsaka wala din akong gift wala akong pera eh! hehe! Salamat nalang ulet! -Alberchie"


Nagulat ako sa oras ng text na yon. 12:15 am.

Grabeh super na touched ako sa gesture na yun! As in hindi pa kami masyadong close nun! Haaaay!

After ng 1st prelims namin...

"Hmmp... Ano ba magandang itawag sayo?" Tinext ko kay Albert. Nag-iisip kasi ako ng magandang name na itatawag ko sa kanya, na ako lang yung tumatawag. Para special.

kahit ano... OK lang.. hehe" reply naman nya.

Napagdesisyonan ko na...

"Alberchie... yun na lang ang tatawag ko sayo! ahihihihi! " text ko na talagang super excited.

"Pano mo naman yan nakuha?" tanong nya sken.

"Ummm, kasi iniisip ko kung, Albertochie o Aberchie, eh parang ang sagwa pareho, kaya, ALBERCHIE nalang. Ang cute naman diba? ahihihihih!

Simula non, Alberchie na ang tinatawag ko sa kanya. Para sa akin. Dun na talaga nagstart yung closeness namin.

Nagfade na yung kanta. Bumalik na ako sa paglalaro ng desktop games na dinownload ko kanina... (to be continued)

John Mc Cain against Obama



I am highly displeased about this message of John Mc Cain towards America about Presidency rival Obama. I mean, this is a black propaganda paid for by him! He's just pure politics! as early as now, he is feeling threatened of his younger rival, and is going to this degradation propaganda against his political enemy! He even used, clips of celebrities without consent! He should clearly be sued for using it in an offensive manner! He's a public servant, he knows the law. He should have been more creative in creating corners to get pass the laws. But yet he decided for the direct approach. John Mccain may you rot in Jail.

Chris Tiu model ng Hanford

Photobucket


Hindi na ako maka-Chris Tiu ano. Pero I just can't help but admire etong billboard ni Chris Tiu sa España. Ang ganda nung shots! It's so sexy! Maganda ang taste ng Hanford for their endorser, ang higpit pa naman kalaban ng BENCH/. Basta gusto ko yung mga pics ni Chris Tiu!


PhotobucketPhotobucket


Aug. 18, 2008 mag start na ang Ripley's Believe it or not kung saan ang host ay si Chris Tiu. Pero tuloy pa din nag Pinoy Records nila ni Manny Paqiuao. Which means, two shows na mapapanood si Chris. Grabeh ito! Captain ball na ng Ateneo Blue Eagles, Kagawad ng Barangay, Entrepreneur, tapos Honor student pa! Che! Ferfektong tao na yan! Ay hindi! Dyos na yan!