After ng make up class sa Chemical Process and Industry (CPI), fly ako agad sa SM Manila para makapag-parapara.

Yey! Walang tao! Nakasayaw agad ako! Nka tatlong tokens agad ako kasi wala naman akong kaagaw machine. Tapos non, napagpasyahan kong kumian muna nang lunch. Kain galore ako sa KFC sa baba. Nakaktawa nga kasi mukha akong basang sisiw kasi naiwanan ko yung panyo ko somewhere at pawis na pawis akong pumunta sa KFC para kumain.

After kumain, sayaw to the max nanaman! Pero nung kalagitnaan ng routine ko, may naglaglag ng tokens. Dalawa sila, isang tibo, at isang baklana parehong nakajogging pants na gray. Nung nakit ako yung symbol nila, Pythagorean Theorem(ang cheap!), taga TUP pala sila.

Nung natapos ako, unang sumayaw yung tibo. Wow! Freestyle mode! Expert pa ha! Non-stop mode, at ang mga kanta nya ay Love again Tonight, Hold on me, tapos Delux.
Edi sumayaw na si tibo. Habang sumasayaw sya Meron akong napansin na parang pamilyar sa mga dance moves nya. Lalo na dun sa part sa kanta ng Love again to night na "LOVE LOVE LOVE LOVE!" parehong pareho sila ng dance stepnung isang parapara enthusiast na madalas din sa SM Manila.
Bali eto yung kanta, pero para paramode yan. Take note: kaya ko sayawin yan kahit nakapikit!

Love again tonight



So sumunod si bakla naman, sinayaw niya Hold on me. Meron pa rin silang pagkakatulad nung isang enthusiast, pero may variation, okay saken yun. Ayan si Tibo ulet Deluxe naman. Syet! yun din yung sayaw nung enthusiast! Lalo na sa part na "ohh ah,ohh ah, parapara para!" Syet! yun talaga yung dance step nung Enthusiast!


Deluxe



Naiinis na ako nung panahon na yon. Sumunod si bakla naman, ok naman yung dance step nya. Binigay nya yung last dance dun sa tibo. Tang ina! nag-init na talaga yung dugo ko! I wanna dance yung sinayaw nya! Tapos yung ocho ocho nung enthusiast ginaya nya! Tang ina! Tang ina talaga! dun yun sa part na bago mag dakishimete! Tang-ina! Okay lang na magpasikat sapara para kung sarili mong choreography yung sinasayawmo sa freestyle! kaya nga freestyle eh! kahit ano pwede mong isayaw, kaya sigurado ako, magkaiba ang sayaw ng dalawang enthusiast kahit pa magkaibigan sila. Lahat kaming mga enthusiast nagpapakahirap gumawa ng choreo na sasakto dun sa mga arrows tapos may manggagaya lang? ok lang sana kung parapara mode kasi fix na yung sayaw nun. Eh freestyle yan eh! Walang gayahan nung dance step! taga-PLM yung guy na yun, kaya imposibleng maturo nya sa mga taga-PUP yon! Nakakainis! bilang isang parapara enthusiast i feel na parang ninakawan yung kapwa ko enthusiast!



I wanna Dance