Medyo late na kami natapos ni Lady syo sa Experiment #3 sa Physical Chemisty Lab namin. Napakatroublesome kasi nung experiment na yun. Biro mo, magrerecord ka ng temeperature every 15 seconds. Aba! Hindi biro yun ah! ilang oras ang lab nmin, tatlo! Do the mat hkung ilang readings yuN! Not to mention na naghandle pako ng Glacial Acetic Acid na isang corrosive substance. Imagine nyo nalang to, yung classmate ko, binuksan nya yung takip nung jug ng Glacial acetic acid without turning on the vent, yung vapor nung acis, pinagbalat yung mukha nya! Ganun sya ka corrosive kahit vapor lang nakakalapnos! Nagmukha sya tuloy bagong facial.

Nung finally, natapos na yung lab, nagutom ako, kasi hindi naman ako nagbreakfast. Inaya ko si Jaboy na kumain, dadalan daw siya ni Gladies ng lunch nya. Si Jepoy naman at Nior ay nakakain na kaya mag-isa nalang ako pumunta kina "mother" para kumain.

Tumawid ako ng overpass, dumaan sa may Goldilocks. Habang naglalakad na ako palapit sa carinderia nila mother, meron akong isang pamilyar na bulto na nasasalubong. Malayo pa lang kilala ko na yon. Kabisadong kabisado ko ang bultong yon. Si Albert, ang kasalubong ko. Nung nandun na sya kina mother, hinantay nya ako bago pumasok.

Namili na kami ng ulam, walang sisig so kelanagn pumili ng iba, ako dinuguan, si Albert mechado. Bawal kasi kay Albert yung dinuguan kasi Iglesia sya eh.

Ako, nung nakuha ko na yung pagkain ko, umupo ako dun sa isang empty table. Syempre nakaharap ako sa TV. Hindi ko inexpect na tatabi sya sakin. Ang luwag luwag naman kasi dun sa harap ko diba. Ewan ko. Pero masaya ako. Matagal narin kai nung huli namin ginawa yon. As in matagal na matagal na. It reminded me of the time na lagi akong nasa bahay nya dito sa Manila. Masaya kami laging kumakain. Nakakamiss talaga yung mga panahon na yon.

Ewan ko ba, kahit na medyo nagkaron kami ng gap ni Albert, hindi mawala yung fondness ko sa kanya. Concerned pa din ako, hindi ko lang pinapakita. Haaay ewan. Miss na miss ko na si...



Alberchie...