Niño Calinao; Lenny Villa; Cris Anthony Mendez;
Kilala mo ba sila? Ako oo. Pero hindi ko sila close ah. Hindi ko rin sila mga papaness. Kasi po, patay na po sila. Silang tatlo ay biktima ng epekto ng Fraternity o Kapatiran.
Una kong nabasa ang istorya ni Niño Calinao sa Linking the World through English IV book ko na siyang libro ko sa English nung 4th year high school ako. Si Niño Calinao ay estudyante ng UP. Ang pamilya nya ay kapos sa buhay kung kaya't siya ay nagsisipag mag-aral. Meron pa ngang oras na nag-camping sya sa Sunken Garden para yung pamasahe nya sana pauwi ay magagamit nyang almusal kinabukasan. Sa kasamaang palad, nabiktima si Niño ng mistaken identity. Pinatay siya sa pag-aakalang miyembro siya ng kalabang frat ng mga pumtay sa kanya. Honestly, naawa ako kay Niño nung nabasa ko yung kapiranggot na yugto ng buhay niya. Siguro kasi, sayang. malay mo, since 1991 pa nangyari yon, Senador na sya ngayon at wala nang corruption sa Pilipinas dahil sa kanya. Isang promising na tao, sinayang dahil lang sa Frat War.
Si Lenny Villa ay graduating student ng Ateneo Law School. Biktima sya ng hazing. Actually merong batas against hazing. Merong karampatang kaparusahan pag napatunayang ginawang initiation ang hazing sa pagpasaok sa isang organization. Kasama sa Right to organize ang pag buo ng mga organizations. Kaya hindi pwedeng idecree ng pamahalaan na iabolish ang mga Fraternity at Sorority. Unfortunately for Lenny, nung panahon nya wala pa ang batas against hazing. Too bad. Sana as a lawyer, he could've known better.
September 2007, pumutok ang balita na meron nanamang namatay dahil sa hazing. Isa na namang UP student sa katauhan ni Chris Mendez. Graduating student din siya. Panganay sa dalawang anak. Ang tatay nya mekaniko sa Qatar. Ginagapang silang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas. Si Chris na sana ang pag-asa ng pamilya, siya ang bread-winner. Pero katulad nung kina Lenny at Niño, nasayang din sya. Sa nabasa ko, narinig, at napanood, mata lang daw ang walang latay sa katawan ni Chris. Punong puno ng pasa at maga ang buong katawan nya. Merong animation na ni-flash sa screen nung binabalita yun, nihaha-highlight yung mga body parts nya na talagang severe yung bruises. Pati yung mukha nya meron din eh! My God! Kung ako mag-o-autopsy sa kanya, feeling ko maiiyak ako.
Napanood ko ulet kagabi yung episode ng Kapuso mo, Jessica Soho tungkol dun sa Hazing. Grabeh ang visuals talaga, nakablur lang yung mukha. Pero grabeh. Pag pumapalo, bumebwelo pa. Tapos, yung isang neophyte na si Grace, babae sya ah, pinaluhod, tapos pinagsasasampal, tinatadyakan, sinusuntok sa braso. Tapos nun, pinatayo sya, talagang hinampas sa may baba ng pwetan, Umaray at napaiyak sya! Habang naghuhumyak sa sakit si Grace, tumatawa yung mga “masters” nyang lalake. In her interview with Jessica Soho, pilit na pinagdidildilan ni Grace kay Ms. Jessica na pagmamahal daw yung ginagawa sa kanyang pagpapahirap. Ang sabi pa, “hindi mo matatandaan yung sinasabi nila sayo pag hindi ka sinasaktan.” Kitang kita ko sa mukha ni Ms. Jessica na hindi nya talaga magrasp yung idea ng pagmamahal na yan. Honestly ako rin. Meron naman si Josh, neophyte din, inutusan ng master nya ng kung ano ano, pinagpumping, squatt, duck walk, pinasayaw,at pinakamatindi, pinahalikan at pinadilaan yung rubber shoes nung master! Meron pang instance na tinanong sya ng master nya, “pano kung mamatay ka?” ang sagot ni Josh “Willing po ako master...”
Sorry dear readers pero kelangan ko lang to ilabas. “PUTANG INA MO KA GRACE! TANG INA MO! LECHE KA! PASALAMAT KA AT HINDI NAGALAW ANG BLOOD VESSELS MO! KUNG NAGKATAONG TINAMAAN YAN BALDADO KA! ANO ANG MASASABI MO KAY MS. JESSICA KUNG NABALDADO KA NA?! ANUNG KLASENG PAGMAMAHAL YANG SINASABI MO? IPAMUKHA MO NGA YANG PAGMAMAHAL NA YAN SA MGA NAULILA NINA NIÑO, LENNY AT CHRIS!!! TANG INA!!! SANA ANG ANAK MO MAGING BIKTIMA NG HAZING!!! HA! TIGNAN NATIN YANG PAGMAMAHAL NA YAN!!! TANG INA MO RIN JOSH!!! OK LANG MAMATAY KA DIBA? SIGE AKO PAPATAY SAYO NANG MATIGIL NA YANG KAHIBANGAN MO!!! HINDI KA PINAPAARAL NG MGA MAGULANG MO PARA LANG MANDILA NG SAPATOS NG IBA!!! NAKAKADIRI KA!!!
Sa tingin ko, a more confident person entices a less confident person. And to become in you need to pass the initiation, hence: hazing. Partially, blame must also given to those victims of hazing, because in the first place, if they didn't join such organizations, they will not meet that sad fate. But of course, much more blame must be given to the so called masters of the frat.
Naalala ko nung 1st year high school ako compulsory yung Scouting. Nung nagcamping kami sa Mt. Makiling, meron kaming activity na nakablindfold kami. Pinaglaruan kami. Pinasayaw, pinakanata pinagmukhang tanga. Katulad nung command sa akin, kumanta daw ako ng happy birthday habang sumasayaw ng laban o bawi. Meron akong narinig sa tabi ko na pinagcommand na “act like a chicken”. *obviously si Sir Smith yun, isang higher officer* Hanggang ngayon hindi ko sya makalimutan, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha yung rationale kung baket kelangan namin gawin yon, at kung anong koneksyon nun sa scouting.
Para saken, walang pinagkaiba ang scouting sa fraternity. Pareho kasi silang may superiors. Ibig sabihin merong mataas na tao sa akin kung hindi ako ang pinakamataas. Merong mag-uutos sa akin, na kailangan kong sundin, kasi yun ang Oath na ginawa ko.
Hindi ko na kailangan pa yang mga frat frat at scouting na yan. Meron na akong mga kaibigan. Meron akong BnBp family nung high school ako. At ChE batch 2010, at ang CSC family ngayong college na ako. Hindi rin naman kasi uso ang Frat sa course ko na Chemical Engineering. Madalas kasi, para makapasa sa board, sumasali sila sa frat. Usually para yun sa mga post graduare degrees like Law, Medicine, etc.
Baket nga ba sila sumasali sa Frat? Dahil wala daw iwanan pag nasa loob ka na. Tutulungan ka nila, hindi lang sa loob ng ng iskwelahan kundi ang mahalaga pag nasa labas kana. Madali kang makakapasok sa trabaho. Meron ka agad mahihingan ng tulong pag may problema ka.
Honestly, minsan din akong nagging beneficiary ng isang frat. Yung Kuya Argie ko ay miyembro ng Phi Sigma Gamma ng Fraternity sa Faculty of Medicine and Surgery ng UST. Nung nagkasakit ako, nahospitalize ako for 1 and a half day, at nag Doctor ko ay isang Consultant tapos walang bayad. Benefits daw yun ng pagiging “brod”. Bali ang binayaran lang namin ay yung room lang, nothing more.
Nung neophyte pa si Kuya, nakaranas din sya ng Hazing. Buti nalang mga doctor na yung pumalo sa kanya, alam nila kung anong magiging epekto pag nagkamali sila. Naawa ako sa mother ko nun. Iyak yun ng iyak nung umuwi si Kuya na puro pasa sa katawan. Masyado pa akong bata nun kaya hindi ko pa naintindihan masyado yon. Pero nakatatak sa isip ko, kung pano umiyak si mother dear, at kung anong itsura ng isang parte ng katawan na namamaga at may pasa na kulay ube.
Meron nakapagkwento sa akin nung pumunta ako sa isang Human Rights Seminar on Youth ng Amnesty International, na pag miyembro ka dawn g Frat tapos, yung examiner mo sa board or bar eh miyembro ng Frat mo, sure ball pasado ka na daw. Hindi ko sya naconfirm. Pero I doubt na yung ibang tao na nakapasa ng board or bar. Pumasa ba sila dahil deserving sila? O pumasa sila dahil Brod sila?
In the case naman of my Kuya, deserving yun. I know his capabilities and weaknesses, and I know for a fact na he’s a great doctor.
Nakakalungkot talaga ang nangyari sa mga taong ito. Kaya’t kasama ng mga pamilya at kaibigan nina Niño, Lenny, Cris at iba pang biktima ng epekto ng Fraternity. Isinisigaw ko din. KATARUNGAN SA MGA BIKTIMA NG FRATERNITY!!!!
4 comments:
100% bakla ka
gagong 'tong anonymouse na 'to ah.
Salamat 2nd anonymous. Wag mo na ako pagtanggol dahil totoo naman yun. Inggit lang yang si 1st anonymous baka closeta pa rin yang baklang yan.
http://sensiblesanity.blogspot.com/2010/02/remembering-nino.html
clarification: nino was shot in 1999 not in 1991.
Post a Comment