Monday, Aug. 25, 2008, 1:30 pm, nagbalak kami ni Mom na pumunta sa Makati para kunin yung voucher from a company. NIrefer kasi si Mudra ng isa sa mga churchmate nya. Totoo daw yun, kasi nakareceive na daw yung nagrefer sa kanya ng voucher. Not to mention, tinawagan na si mudra the other day ng company.

So sumakay kami ng jeep to Tayuman, at doon sumakay kami ng LRT. alam kong hindi sanay sumakay sa ganun si mom kya step by step ko syang tinutulungan kung anong dapat gawin sa LRT. Alam kong walang mauupuan si mudra pag sinama ko sya sa mga cart sa likod kaya pinaupo ko nalang sya dun sa Female cart. Bago kami naghiwalay, sabi ko sa GIL PUYAT kami bababa, intayin nya ako dun sa exit paglabas nya ng tren.

Nakapasok na kami, umandar na ang tren. Nagpatuloy ang paglalakbay namin papuntang GIL PUYAT. Nakaupo pa nga ako, siguro bandang UN Avenue yun. Nang dumating kami sa PEDRO GIL, napaisip ako bigla. Shet! Baka dito bumaba si mom!!! Pero hindi ko na rin pinansin alam naman ni mom kung san kami baba.

Dumating na ang tren sa GIL PUYAT Station. Dali dali akong bumaba. Takbo agad sa Femal cart, hinahanap ko si mom. Umalis na ang tren hindi ko pa din nakikita si mom. Nawala na ang nagkakagulong mga tao sa exit. SHIIIIIIIIIIIIIIIIT!!! NASAN SI MOTHER!!!!???? Sigaw ko sa isip ko. Kinalma ko muna nag sarili ko. Bumaba ako ng hagdan hanggang sa kalahati ng buong hagdan. Tinanaw tanaw ko sa kabilang lane kung bababa si mom. Inisip ko na lumagpas is mama dahil hindi sya bumaba ng tren. Bumaba na ako ng tuluyan at naghanap ng payphone. Sakto naman, may nakita ako kagad sa may tabi. Tumawag ako kay ate. Naisipan ko kasing kontakin ang mga kapatid ko. Nasa bag na dala ni mom ang cellphone ko. Siguro naman mararamdaman nya ang pagvibrate nun. Sa isip ko kasi, ok lang saken na maiwan ako. Ang inaalala ko ay si mom. Hindi kasi sanay bumiyahe yun. Pero alam ko, may pera naman sya pantaxi pauwi. Tinawagan ko ng tinawagan si ate grace pero hindi nya sinasagot ang phone nila. Nagbayad nalang ako dun sa mamang bantay nung payphone. Nakakahiya hindi ko nga nakausap si ate pero kanina pa ako tawag ng tawag. Pinambayad ko yung 20 pesos na sukli kanina sa pambili ng ticket ng LRT. So ibig sabihin 15 pesos nalang ang pera ko!

Nag-isip ako mabuti kung anong gagawin ko. Kung uuwi ako, 15 pesos ang pamasahe from LRT GIL PUAYT station to TAYUMAN. Lalakarin ko nalang from Tayuman papunta kina ate, but that would take me approximately 1 hr. Baka san na mapunta ang mother ko. Bumalik ako sa GIL PUYAT station Baclaran. Siguro napansin ni Ate guard na medyo parang troubled ang mukha ko. Sinabi ko ang problema ko. Wala rin naman din sya magawa kasi hindi namin alam kung sang station bumaba si mudra. Ginawa kong lahat para hindi magpanic.

Naisipan kong maghanap ng payfone na coins sincemay barya nako. Pumasok ako sa mall adjacent to the station. Naghanap ako ng payfone. Wala akong nakita. NagCR nalang muna ako. paglabas ko, nakakkita kao ng SMART payphone. 8 pesos lang daw ang tawag to cellphone. Shet! Naexcite ako! Pwede kong tawagan ang Kuya doc ko para sya na kumontak kay Ate at kay Mom. Hinanap ko ang coin slot. Hinanginan ako ng malamig nang mapansing Fonkard lang itong payphone na ito.

Bumaba ako at lumabas ng building. Tatry ko ulet tawagan si Ate. Baka sakaling sumagot na sya. Pupunta na ako sa pinagtawagan kanina ng may biglang tumawag sakin.

"Tong!"

Paglingon ko, si Mudra! Shet! Napayakap nalang saken si Mother.

Ako honestly, napaluha ako. Super alala ako kay mother. Wala akong pakialam kahit pa lakarin ko simula Pasay hanggang Tondo basta alam kong safe si Mother!

Kaloka kasi tong si Mother! Sa PEDRO GIL sya bumaba!

Kaloka! SABI KO NA NGA BA!