Exam: Numerical Methods
Professor: Engr. Jojo Blanza
Difficulty: Normal
Comments:
Kasalukuyan akong busy sa pag kuha ng root mula sa non-linear equations:
F1(x,y) = x2 - y + 1
F2(x,y) = 3cos x - y
actually, nasa Δx3 na ako nang may naramdaman akong hindi kaayaaya. Gustong gusto ko na talagang magpaalam at lumabas para magCR. Pero sa isip isip ko. Hindi pwede! Hindi mo matatapos ang exam! Kaya ayun. Todo pigil ako sa paglabas ng mahiwagang makyohong surprise na nagmula sa paghilab ng aking tyan. Nakakainis! Waaaaaaah! Kaya naman pagkatapos ng exam, linunok ko na ang bato, sumigaw ng DARNA!!! at nag-fly na kagad sa TAN YAN KEE para chumorbells! Yey! Relief!

Feeling ko bumagal yung computing ability ko ng 30%. Kya yung mga last questions na sinagutan ko 70% nalang yung computing powers na nagamit ko! Pero ok lang, confident naman ako sa mga sagot ko prior to the hilab thing. So feeling ko naman pasado ako. =D