aMasaya akong naglalaro ng aking mga bagong download na Desktop games. Siguro nakaharap ako ng limang oras sa kompyuter dahil lang naglalaro ako. Nang magsawa ako, naisipan kong iorganize na yung mga nakakalat na folders and icons sa Desktop ko.

Lahat ng Game launchers nilagay ko sa "Games" folder, mga Program Launcher sa "programs", Music Files sa "Music", at ang mga Slides and Documents for school sa "School Stuff".

Naisipan kong magpahinga muna. Nakakapagod ata mag drag ng mga files! Andami nun ah! Para to set my relaxing mood, niplay ko yung Music Folder. Mas masarap atang humiga pag may music! Right-click Play in Media Player. Dali dali akong tumalon sa kama ko.

Konti pa, pumainlalang ang mahinang tugtog ng gitara. Tugtog na kabisadong kabisado ng puso't isipan ko. Tugtog na nagbalik sakin sa nakaraan, sa panahon kung saan ang buong oras at isipan ko ay nakasentro lang sa iisang tao.

Neon by Alberchie.WAV -


"Hi Albert! Pwede ba tyo maging friends? ako si Wilbert classmate mo." Ang unang unang text ko kay Albert.

Saglit lang nagreply na sya. "Uu ba. hehe"

"Umm wala lang. Taga-san ka?"

"Ako? taga-Bataan ako. Ikaw?

"taga-Manila. Born in Manila, living in Manila, will die in Manila"
(Ang drama ko syet!)

Hindi ko na maalala yung iba pa... Pero ang alam ko, dito nagsimula ang pagkakaibigan namin...

Sa text lang talaga kami nag-uusap. Hindi kami nagpapansinan sa school. Siguro dahil, ayokong mailang sya. Pero in the end, nag-usap din kami tungkol dun. Ang sabi naman nya wala naman daw sa kanya yun. Kasi nung high school may bestfriend syang bading. Kaya simula nun, lagi na kaming nagkakasama. Nagdodota, kumakain, tumatambay.

Makaraan ng ilang linggo...

.
.
.

Dumating ang birthday ko, nagising ako ng mga 5 am. Usual, ang una kong gagawin ay tignan ang cellphone ko. Nakita ko kagad yung pangalan ni Albert bilang sender ng message. Himala, sa isip isip ko, ang aga nyang nagising ah!.

"Happy birthday Wilbert! Salamat dahil napaka-bait mo saken. Hindi ako nahirapan mag-adjest dito sa manila dahil sa iyo. Wala na akong masabi! Tsaka wala din akong gift wala akong pera eh! hehe! Salamat nalang ulet! -Alberchie"


Nagulat ako sa oras ng text na yon. 12:15 am.

Grabeh super na touched ako sa gesture na yun! As in hindi pa kami masyadong close nun! Haaaay!

After ng 1st prelims namin...

"Hmmp... Ano ba magandang itawag sayo?" Tinext ko kay Albert. Nag-iisip kasi ako ng magandang name na itatawag ko sa kanya, na ako lang yung tumatawag. Para special.

kahit ano... OK lang.. hehe" reply naman nya.

Napagdesisyonan ko na...

"Alberchie... yun na lang ang tatawag ko sayo! ahihihihi! " text ko na talagang super excited.

"Pano mo naman yan nakuha?" tanong nya sken.

"Ummm, kasi iniisip ko kung, Albertochie o Aberchie, eh parang ang sagwa pareho, kaya, ALBERCHIE nalang. Ang cute naman diba? ahihihihih!

Simula non, Alberchie na ang tinatawag ko sa kanya. Para sa akin. Dun na talaga nagstart yung closeness namin.

Nagfade na yung kanta. Bumalik na ako sa paglalaro ng desktop games na dinownload ko kanina... (to be continued)