Since today ay day of mourning. Ngayon din ang simula ng paglelet-go. There is no turning back now. Napigilan nya ako last time. Pero ngayon hindi na ako lilingon. I made sure na hindi na sya babalik. That is reason enough for me to move forward. Dear readers pag paxenxahan nyo na post ko lately ha! Kelangan ko lang ilabas ang kalungkutan ko. Wala na akong pakialam kung magalet pa sya lalo saken. Kung sya eh ang way nya to deal with his problems eh sarilinin yung mga yun, pwes ako hindi! Kaya nga ako naging Life Blogger eh! Gusto ko ishare ang buhay ko! May interesado man o wala! Sorry sya dahil naging part sya ng buhay ko! Hindi nya ako mapipigilan! Lahat ng sinusulat ko sa blog ko ay totoo. Sinumpa ko yun bilang isang Life Blogger! Kaya kung magagalet sya, it just shows that he can’t handle the truth. Time to finally let go of the memories. One step at a time. One message at a time.
Kahit na ikaw pa din nagluto.. Hehe congrats sa totoo madalang ako kumain ng imbutido depende sa lasa hehehe at honestly nasarapan ako kaya kinain ko haha
Sabi nya masarap daw yung imbutidong niluto ko. Kahit ano naman daw lutuin ko masarap eh.
Kala ko nahihimbing ka na eh. Bakit mo naman ako iniisip?
Iniisip ko sya. Yun lang ang ginagawa ko sa araw araw na gising ako. Nung last time nga diba, kahit na sa panaginip iniisip ko pa din sya at nangungulila ako sa kanya.
Yup kakain po ako para sayo. Hmmmm magkita nalang tayo mamaya para maibigay ko yung pasalubong ko sayo.
Bagong gising lang sya nito. Linggo ito, matapos yung nangyari sa mother nya. Eto yung unang umaga matapos nyang sabihin na mahal nya ako ng ikalawang beses. Nagkita kami nung hapon na yun para ibigay nya saken yung pasalubong nya galing Baguio, at pabaon ko naman sa kanya papuntang Bulacan.
I just can’t afford to study in a school na ganun katas ang bayad habang yung kaibigan ko halos ipanglimos makapag-aral lang. You don’t even know kung ano ang nagtatalo sa isip ko.
Nasabi nya yan kasi inoffer ko sa kanya na sa UST nalang nya ituloy yung Masters nya. Pagtutulangan naming dalawa. Quesejodang Mag-OT ako araw araw sa Petron para lang matustusan yung Master’s nya, gagawin ko. Pero yan ang sinagot nya. Feeling ko talaga nung gabing yun, nireject ako ng pinakamamahal ko.
Malaking bagay ang presence mo. Salamat wag mo muna akong isipin dito. Enjoy ka muna jan. Ok lang ako. Magpapahinga lang para makabawi.
Gabi ng Sabado. Eto yung pumunta na ako sa bahay nila Jebs matapos naming maghiwalay. Galing kami sa ospital kasi nakaconfine yung mother nya. Sinamahan ko sya nung araw na yun. Nandun lang ako sa labas ng kwarto. Tapos nag-uusap lang kami. Kahit na alam ko namang wala akong ginawa. Basta alam ko andun ako kasi kailangan nya ako nung araw na yun.
Hehe ako din naman betong fan mo ako.
Eto yung ikalawang beses na sinabi ko sa kanya na fan nya ako. Alam ko naman fan ko sya eh. Sinabi nya yun saken nung bumalik sya.
Talaga enjoy ka sa kwento ko at kadaldalan ko?
Sobra! Sobra sobrang enjoy ako sa kadaldalan nya. Nakakawili kasi sya magkwento eh. Kahit hindi ko interest nagiging interest ko na din kasi nakakatuwa sya magkwento. Nakikinig lang ako habang nakatingin sa mukha nyang mukhang angel.
haha topless nako if pede nga lang magbrief lang ako hahahha
Wala naman malisya sakin yun. Eh mainit eh, ako pa nga nag-open na mag-underwear na lang sya total mag-isa lang naman sya sa kwarto.
Sige po text kita. Pero mas ok ako ngayon kesa kanina… Salamat betong! Salamat sa oras, pagpapahalaga, at pagmamahal mo!
Eto na yung napapayag ko na syang samahan ko sya sa ospital. Para saken naman kasi, hindi naman nya kelangan magpasalamat pa nun kasi ginagawa ko yun kasi mahal nya ako. At dahil ganun, sinusuklian ko lang din yun ng pagmamahal.
Hindi ka burden… Please don’t think that way. Sige pahinga ka na. Please pray for Jay na makapagenroll sya this sem. We will work it out. Goodnight.
Matapos ang rejection ko, naisip ko na masyado akong naging insensitive kasi sya lang nga ang iniisipi ko. I didn’t mean it that way. I only want what’s due to him. Recognition of how great he is in his profession.
Tama! Kakakilig yun kasi nung college naman ako nagplay kami sa Rizal namin ng Noli. Ako si Elias na nakipaglaban sa buwaya para iligtas si Ibarra. Hahaha may dugong actor ako eh… Nung high school din ako member ako ng theatre group. Dancer ako. Hehe interpretative nga lang.
Topic namin nun ay si Rizal. Nasabi ko sa kanya na favourite scene ko sa Noli ay yung Pag-uulayaw sa Azotea na kinilig talaga ako. Natawa ako nung nabasa ko yung may dugong actor sya. Sinabi ko sa kanya na gusto ko yung makita. Nakita ko rin yun. Well… Sort of… May nakita kasi akong picture nya na sumasyaw sya. The best ang expression ng mukha! At ang left foot! Nakapoint! May dugong actor talaga! Syempre hindi nagpadaig ang Dyosang ito! President lang naman ako ng Dance Troupe namin nung HS at isa sa recipient ng Service Award for Dance nung graduation!
Bakit ka ba umiiyak? Dahil ba sa mga text ko? Sorry po. I’m just trying to explain my side.
Yung gabi ng rejection. Sinabi ko sa kanyang umiiyak nako.
Sige Prince Wilter von Phar… White Knight will sleep but my spirit will protect you! Hehehe hayan ha kinakarir ko na pagiginig White Knight ko para sayo! Nyt! GBU!
White Knight kasi ang tawag ko sa kanya. My protector. Si Prince Wilter von Phar ay isang fictional character based sakin. Meron kaming lahat sa barkada namin.
Ok lang yan sino ba fav author mo?
Nagluluto kasi ako nun ng imbutido. Handa yun sa Bday ng pamagkin ko. Eh antagal maluto. Nung nagkita kami. Binigay nya yung book na hinihiram ko. Tsaka dalawang paperbacks ng John Grisham Books.
Oo kaya nagwoworry ako lalo na nung umiinom ka at nagkatext tayo na nag-iisip ka ng bongga!
Umiinom kasi ako ng my alcohol of choice, Vodka, twing hindi ako makatulog sa kakaisip para kumalma ako.
Totoo naman eh. Bihira yung teacher na may malasakit. Karamihan para lang kumita kahit na maisakripisyo ang para sa mga bata. Kaya kelangan ka namin sa propesyong ito!
Ganyan sya ka passionate sa profession nya. Alam naman nya na ganun din ako. Alam ko ito ang dahilan kung bakit kami click eh. Pareho kaming may malasakit sa estudyante. Magkaiba nga lang kami ng teaching style. Masungit yun eh. Ako mabait at pala smile.
Baka po maya kasi ang sakit ng katawan ko eh. Tulog na muna ako.
Reply nya yan nung nasabi ko kung anong oras kami magkikita malapit sa kanila. Actually andun nako sa lugar nung nagtext ako. Naiintindihan ko naman sya kaya nag-intay ako dun. Buti nalang may compshop at hindi ako masyadong nainip.
hehehe kelan ba tayo mag-inuman? Miss ko na yung bonding natin?
Naundlot kasi yung plano naming inuman nun. Kaya ayan.
I’m trying but I can’t… parang gusto ko nalang bigla makalimot yung mablangko kahit nagyong gabi lang. Magkaron lang ng peace sa isip ko.
Nagtext sya sakin na hindi daw sya makatulog kasi sabay sabay yung mga problema na naglalaro sa isip nya. Same night to ng Night of rejection. Pero kinalimutan ko yun kasi mas mahalaga na mapakalma ko sya.
hehe yup… yun nga yun bakit di ka ba sasama dahil date yun?
Tinanong ko kasi kung yung pag-aya nya sakin kumain sa labas date ba yun. Niconfirm ko lang. Kasi nung inaya nya akong lumabas kami wala akong malisya eh.
Try kaya natin bukas?
Ang final date ng inuman namin ay naging bukas after nyan.
Hmmmm ok lang… ahmmm sa first na sahod ko kain tayo kahit sa simpleng fastfood lang treat ko basta magkasabay tayo kumain… OK lang ba sayo?
Ang text na nag-aaya syang kumain sa labas. Wala naman kaso saken yun nun. Basta kasama ko lang sya. Masaya nako.
Pwede bang hindi ka isipin? Eh mahalaga ka din sakin. Pero kung yun nasa isip mo. Wala akong magagawa.
Night of rejection. Additional text message. Sabi ko kasi wag na nya akong isipin. Isipin nalang nya yung mga mahahalaga sa kanya.
I can’t sleep. Parang sasabog ang utak ko kakaisip.
Night of rejection part 2. Text na nakakgulantang.
Sige lang just in case na umabot lang dalhin ko pa din book baka kasi paghintayin ako dun habang ginagawa ang cp ko. Or bahala na basta hayaan lang natin minsan mas ok yung di pinaplano eh hahaha
Biglaan lang yung pakikita namin nyan. Basta napag-isipan lang namin. Nagluluto ako ng imbutido nyan. Same day ng bigayan ng books.
Dito na po ako sa tapsihan. Ano po payag ka? Kain tayo ng sabay hehehe sabagay kapag tumanggi ka magtatampo ako ng bongga.
Nanunuod kasi kami ng I am Number 4 nyan kaya hindi ako nakapgreply agad dun sa invite nya. Pero in the end hindi rin natuloy ang date na yan kasi “busy” sya.
hehe tama… pero it’s nice to know na may nagpapahalaga satin noh? Thanks din my betong
Nung nabasa ko yung my betong naiyak nanaman ako. Acceptance yung theme namin. Tinanong kasi namin kung ano kami sa isa’t isa. Inangkin nya ako kaya nag-paangkin ako sa kanya.
I failed to be your white knight… I was not able to protect you instead I just hurt you. I’m so sorry for what I have done. Patawad po sa lahat ng sakit na dinulot ko.
Kahit na alam kong totoo ang sinabi nya, sinabi ko pa rin na minsan may kahinaan din ang mga Knights. Kaya naiintindihan ko sya.
Wala naman. Basta asar ako tapos pakiramdam ko pa kanina di mo naintindihan kung bakit di ako makakasama sa conference. Alam mo bang gusto ko yun puntahan kaya lang dahil sa work ko kaya hindi ako maka-oo sayo.
Kasalanan ko din naman. Naging mapilit ako. Kasi minsan lang ganapin sa Pilipinas yung ganung International Conference. UST pa yun host kaya madali para sakin makapagpa-sign up. Sayang yung opportunity. Sa Hong Kong na kasi sya next year.
Naalimpungatan ako. Nagtoothbrush lang tapos pagpatuloy ko na ule yung pagpapahinga ko. Thanks for being always there for me. I love you so much!
Sobrang saya ko nung gabing yan. That’s the 2nd time na sinabi nyang mahal nya ako. Hindi matanggal yung ngiti ko habang naglalakad pauwi mula kina Jebs. Sinabi ko din na mahal na mahal ko din sya.
Nakaboxer na po, joke lang yung sa brief
I heard naughtier jokes than that!
opo… Gulong gulo ang isip ko eh. Nakapagretreat nga ako puro problema naman ang kaharap ko pag-uwi ko. Ang hirap at bigat sa pakiramdam. Parang gusting sumabog ng puso ko.
Eto 1st text nya saken Sabado ng umaga. Syempre nagwonder naman ako kung ano yung nagpapabigat sa puso nya. Yun pala sinugod s ahospital yung mum nya nung umuwi sya ng Friday night from their retreat. After nya sabihin saken ang prob tinanong ko sya kung gusto ba nyang samahan ko sya.
hmmm… yung taong alam ko na tanggap ako kahit na may kahinaan. Yung tao na palaging nakasuporta sakin, taong ayaw ko na mawala kasi tinuturing ko ng mahalaga at bahagi ng buhay ko.
Ang sagot nya kung ano ba ako sa kanya.
Yup sa Faculty meron. Hehe talaga over na ha baka maspoil ako.
Balak ko kasi syang bilhan nun ng table warming gift. Buti naman ay naibigay ko pa rin sa kanya. Sabi nya marami daw umaarbor nun. Sinabi na lang nya na bawal.
Hehe matagl pa yun at syempre dapat nandun ka dahil di ko yun kaya gawin mag-isa for sure sayo din ako lalapit hehe.
Sabi ko kasi sa kanya, sa thesis defense nya gusto ko andun ako. Gusto ko syang makita in action.
Sige text kita. Ok lang ba talaga sayo? Pero talagang kelangan ko ng masasandigan sa ngayon.
Text nung araw na pupuntahan namin ang mom nya sa ospital.
Wala naman. Naisip ko lang na siguro kung di nako magtuturo mas ok. Anyway never mind baka asar lang ako kaya ko yun nasabi.
Nagulantang talaga ako nung gabing yan. Super asar na asar sya kasi nga mapilit ako dun about sa conference. The point is, nasabi nya na wag nalng syang magturo really means super galit sya.
I wanna stay the friendship nasa stage lang ako na gusto ko muna maging empty yung nararamdamn ko. Sobrang pagod na kasi ako. Text kita kapag ibabalik ko ang gamit mo.
The week after ng judgment Friday night, sinabi nya saken to. Nangungulit kasi ako eh. Gusto ko malaman kung hindi nya ako mapapatawad sa paghack ko ng email account nya. Hindi ko pa rin maintindihan ang text nato. Kahit ilang beses ko syang basahin. Hindi ko pa din maintindihan. Ayaw ko na din mabalik saken yung mga gamit ko. Siguro sunugin nalang nya. Ipamigay. Feeling ko nirereject nya ako sa ginagawa nya. Hindi ko naman hinihingi kasi hindi ko naman kailangan. Bakit kelangan pang mag-effort isoli? Hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon. Hindi pa din. Tapos sasabihin nya, na ako lang ang may gusto na maging friends kami. Haaay buhay!
Okay lang po kung hindi tayo matuloy today. Uhm, kung di po talaga tapos yung lesson plan mo or you have pressing matters to do. Okay lang po. Pupunta rin naman talaga akong SM San Lazaro kasi hahatid ko yung laptop at wifi ni kuya. Don’t worry, after our talk last night I have a clear idea kung anung papel ko sa buhay mo. It’s fine. I understand. =D -betong
Isang napakamartyr na message mula saken. Sa totoo lang hurt nanaman ako nyan. Actually kasi, the night before nyan, inaya nya akong kumain sa labas. Eh sabi nya sa status nya sa FB eh hindi daw natuloy ang meeting nila sa Church at gagawa na lang daw sya ng Lesson Plan. Kinausap ko pa sya nun at sinabing dalian na nya para matapos agad. Dun pa lang alam ko na may chance na hindi na kami matutuloy. Naghintay ako hanggang 3pm kung magtetext sya kung tuloy kami. Nung dumating yung 3pm, inunahan ko na sya at tinext ko na yang message na yan. Alam mo na understanding na martyr.
Betong nakitext lang ako. Ok lang po ba talaga? I’m working on the powerpoint. Demo kasi eh. Hmmmm babawi ako sayo pangako. Angel here. Thanks sa pang-unawa,. Reply ka sa cp ko.
Syempre kahit hindi ok, sinabi kong oo. Ang mas nakakahurt pa dyan, nung nalaman ko na Wedenesday pa yung demo nya. As usual, hindi nako umasang magagawa nya yang pangako na yan. I’m sure I’ll sound bitter here. Pero kung natuloy kaya yung meeting sa Church anu kayang nangyari? Tuloy pa rin kaya kami?
Ano ba nangyayari sayo? Di ikaw yung Wilbert na kilala ko. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.
Aha! Ang text message na nung nabasa ko inisip kong tumalon sa 19th floor ng Avida Towers. Ikaw ba naman sabihan nyan ng taong pinakamamahal mo diba? Ang text ko sa kanya nun eto: “
Angel, nasan ka na ba? Kailangan kita. Nangungulila nako sayo. Angel, kelangan kita.” Something like that. Saturday ata to if I’m not mistaken. Andun ako sa condo ng kuya ko. This was three days after nagsimula syang hindi na magrespond.
Ramdam ko nagtatampo ka. Sorry ha wala nanaman ako sa focus… Sorry talaga!
Pauwi nako neto from C4. Nung gabing wala akong napala kasi hindi naman nya binigay yung itatype ko. Ewan ko lang, daming reasons na doesn’t make sense.
Dito na ako nakita na kita. Nakabike kasi ako
Pinuntahan nya pa din ako sa C4 kahit hindi nya ibibigay saken yung itatype ko sana. Pumunta pa rin sya para maibigay ko yung Table Warming gift ko para sa kanya.
Punta ako dyan. Wait mo ako. papunta na ko wait lang.
Ayun, sinabi ko kasi na torn ako na papuntahin pa sya. Nag-intay na kasi ako nun eh. Mga 2 hrs, pero andun ako sa compshop nun at nagbloblog.
Yung itatype mo lang po ba ang sadya mo? Kasi if may iba ka pang sadya punta ako dyan kasi nakaready nako umalis.
Humihingi nako kasi nun nang go signal para umuwi. Kasi sinabi na nya na may mga dapat baguhin pa daw sa Lesson Plan at hindi lang basta matataype. Ewan ko lang. Nung sana nung hapon palang sinabi na nya yun para hindi nako nagsayang ng oras kakahintay.
goodnight! Xenxa na talaga super pagod ako sa dami ng activities kanina eh.
Nasa Leadership training sya neto. Kahit sana few messages lang of how this day went. Nasa conference kasi ako nun nung umaga. Gusto ko din magshare. Pero inintindi ko nalang na baka talagang pagod lang talaga sya. Mahal ko eh.
Sige rest well my betong… GBU and ILY! Mwaaahs!
Ang text nya nung nakauwe nako galing kina Jebs. Pagod na pagod din ako nun. Eto yung day na sinamahan ko sya sa ospital. May 3rd time pala nyang sinabing I love you ano… Feel na feel kong sa kanya lang ako diba? My betong daw oh.
Pahinga ka na din. For sure pagod ka din. Pagpatuloy ko na din ang pagpapahinga ko. Mas ok na pakiramdam ko kesa kanina… Salamat ulit my betong ha…. Mwaahs!
Reading these kinds of messages really makes me feel… UGH!!! Same day from the hospital.
Ingat ka ha. Wag kang mawawala… Kasi pag wala ka na baka hindi ko kayanin…
*sigh* *close fist*
Salamat ng marami! Buti at nanjan ka. Pakiramdam ko napakasecured kong nanjan ka.
Nung naghiwalay na kami galing hospital. Ang reply ko nyan, “
Syempre naman! Kasi mahal na mahal na mahal kita eh! =D”
Sa unang pagkakataon sasabihin ko ang mga salitang hindi ko nasasbi sayo before. MAHAL NA MAHAL KITA! Alam ko sobra kang nasasaktan dahil sakin at inihihingi ko ng tawad un. Handa akong pakawalan ka wag ka lang lubusang masaktan.
Ang 1st time na sinabi nyang mahal nya ako. Kinagulat ko talaga to. Kasi tanggap ko na nun na hindi nya ako kayang mahalin eh. Mahal ko din sya kaya sumugal ako. Ayoko ko din mawala sya. Kaya kahit alam kong hasty yung desisyon ko. Go nalang ako.
I just read your letters. Lahat sila napangiti at napaisip ako ng husto. Tama ka sa lahat ng sinabi mo. Sa totoo may mga pinagdaanan ako this passed few days including you. At nakakapanghinayang dahil kung kelan ko naisip gawin yun eh ito yung time na parang mawawala at lalayo ka na…
Ang reply ko sa kanya dyan. Hindi naman ako lalayo. Alam ko naman kasi na hindi mo ako kayang mahalin… mga chuvang ganyan. Tas ayun yung next message eh yung 1st time that he said he loves me.
Ah ok lang ba sayo kahit ano? Kasi di ko kabisado mga gusto mo maliban sa pizza eh. Kain na po tayo.
Nasa Tapsihan sya malapit sa kanila. Nasabi ko kasi sa kanya na I love pizza nung 1st time namin nagmeet simula nung bumalik sya sa buhay ko. Continuation nung pag-uusap patungkol dun sa pag-aya nya sakin lumabas. Sabi ko kasi kahit ano hindi naman ako maarte sa food.
Hehehe d kalakihan ang sahod ko pero sapat para makapagtreat ako hehehe thanks at pumayag ka. Hehe
Para nga akong tanga sa reply ko nun. Parang atat na atat ako. Sa naalala ko, yung reply ko something like.. “
Sige ba! Bakit ko naman tatanggihan ang grasya? Excited nako! Wihi!” Something like that!
Hehe tama po! Di ako nakatiis tignan yung gift… Hmmm salamat… Di ko pa ata nasabi before karamihan sa nabili kong books ay mga inspiring yung stories. Salamat! I really like this book lalo na yung ABA… Hehe
Bisperas ng retreat nila to. Nagmeet kami sa may puregold Tayuman. Humihiram sya ng travelling bag. Eh nung nagtext kasi sya, malapit nako sa Puregold. Alam ko meron ako sa bahay pero sira yung zipper. Kaya tinanong ko yung Ate ko na relatively nearer sa Puregold kung meron sila. Sira din daw yung zipper. So ang ginawa ko, sumakay ako ng jeep papuntang Tutuban. Pumunta ako sa 2nd floor ng Robinson’s dun at tumingin ng bag. Buti na lang mababaet yung mga staff at natulungan nila ako makapili agad. In short, bumili ako ng bag. Tapos dali dali nakong bumalik sa Puregold. Syempre hindi ko na sinabi sa kanya na bago lang yun. Sigurado kasi ako na magagalit sya. Kasabay nun, binigay ko din yung pabaon ko sa kanyang macaroons at yung mga libro na binili ko para sa kanya. Yung Aba! N K K B S N P L AKO! Ng kanyang favourite author na si Bob Ong na galing pang Cubao. At the Outliers. Inspirational book. Basta sabi ng instinct ko bagay daw sa kanya yun eh. Kaya binili ko. Nasa jeep palang sya nyan nung tinext nya yan.
Sana makabawi ako sa kahit na simpleng paraan… Salamat po ulet!
Wala na hindi na sya makakabawi. Dahil hindi na sya babalik. Simpleng paraan na saken na ni-kwekwentuhan nya ako. Ok na din na tinetext nya ako. Yung mga hindi naman super bigat pero para saken mahalaga.
Hahahaha ang kulit kasi ni Jay eh. Hmmm maraming maraming salamat for making me feel so special.! Salamat po Betong.
Bisperas pa din to ng retreat. Nung nagmeet kasi kami sabi nya ang itim nya daw. Kinulit daw kasi syang magswimming ng kaibigan nyang si Jay. Eh sabi ko naman. OK lang kasi gwapo pa din naman sya. Punyeta! Ang cheesy! Special naman talaga sya saken. I’m sure no one will refute that.
Salamat sa pagpapahalaga patawad sa minsang pagiging sensitibo ko ha.
Hmmmp… hindi ko na sure kung kelan to. Nung sinabi nya atang wag na syang magturo to eh.
Wag na kaya akong magturo? Parang mas ok un. Sige tulog ka na.
Nagimbal talaga ako neto. Haru! Walang warning, tinext lang nya yan saken. Nalaglag nga ata yung cellphone ko nung binasa ko yan eh.
Alam ko nagtatampo ka kya wala akong magagawa.
Eto yung nung hindi sya makapayag na samahan ako sa International Conference on E-learning. Syempre, tampururut ang dyosa!
Ahahahaha… Talagang inaagapan ang pagrereact ko.
Sabi ko kasi, treat ko sya ng Harry Potter 7.2 3D. Pampabirthday ko na yun sa kanya para hindi na sya magreact pah. Alam nyo naman na medyo steep ang bayad sa MOA. At alam kong hindi sya papaya na ganun kamahal.
Ok lang yun noh… Nag-enjoy ako kasi nanjan ka. You are really a good listener. Thanks!
Eto yung unplanned meeting namin. Lagi kong iniisip na boring akong kasama kasi lagging math and science stuff yung lumalabas sa bibig ko. Pero yan yung sinabi nya.
Ano ka ba ok lang yan. Mas gustong ganyan ka po. Kasi nararamdaman ko napakahalaga ko. Kung mahalaga nga ako sayo.
Nasa Ortigas ako nito. Kakatapos ko lang umalis dun sa interview ko sa Cubao as a sales engineer. Pumunta akong Rob Galle kasi naghahanap ako ng copy ng “Mga Munting Tinig” para sa kanya. Tsaka naghahanap din ng magandang table warming gift. Tapos dumerecho akong Megamall after. Yung sa mas gusto kong ganyan ka po part, kasi sabi ko sa kanya magiging submissive ako. Eh lagi kong nakakalimutan eh. Kasi im normally pro-active. Hindi ko na ata alam kung ilang beses ko na nasabi sa kanya na super napakahalaga nya saken.
Nung una natakot talaga ako kasi pakiramdam ko lagi lahat ng ganitong sitwasyon isa lang kakahantungan. Masasaktan lang ako. Katulad ng palaging nangyayari. Sabi nga ng mga kaibigan ko di daw dapat ganun ang thinking ko dahil iba iba daw ang sitwasyon.
Yah, ganun nga ang kinahantungan. Only, ako ang nasaktan at hindi sya. Ganun talaga pag nainlove ka sa duwag.
Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pakikiisa sa nararamdaman ko ngayon. Napakatunay ng pagmamahal mo at natatakot akong di masuklian yun. Ganun pa man maraming salamat. Mahalaga ka sa buhay ko tandaan mo yan. Pahinga ka na pipilitin kong kumalma parang di ka na mag-alala
Hmmmp… he cares? Yeah! He cared! Ngayon hindi nah. Lagi nalang may takot. Hindi pa man nasusubukan, may takot na agad. Haaay! Kasama naman nya ako, bakit kaya sya natatakot?
It includes you. Diba di mo naman ako papabayaan?
Yeah, hindi ko sya pababayaan. Kaso, ako yung pinabayaan nya eh.
Hehe so panu my betong antok na si White Knight eh. Totoo na talaga to. Medyo nawala na yung hilo ko. Nytnyt! GBU!
Nag 2nd round kami ng text kasi hindi sya makatulog dahil brownout sa kanila. May 10 to. Eto yung night na nag-inuman kaming dalawa.
Kaw yung taong may malawak na kaisipan na handa akong tanggapin at unawain. Taong alam kong kahit sa anung laban di ako iiwan basta basta. Taong ayaw ko din mawala dahil bahagi nan g buhay ko.
Infairness, naiyak ako nung nabasa ko to ulet. This is one of those messages that always makes me question
WHY? Bakit? Bakit bigla nalang nagbago ang lahat and I wasn’t able to react quick enough. Malabo kasi. Malabo talaga. Kaya ko naman syang tanggapin eh. Kaya ko din syang ipaglaban. Pero BAKIT ba sumuko nalang sya bigla?
Magsawa? Hehe di rin. Tsaka di ka naman nakakaintinimidate eh. Ok yang ganyan ka para sakin basta wag ka lang mawawala.
Hindi ako ang nawala. Sya. Greatest fear ko yan, yung magsasawa saken. Brainy nga kasi ako. Yun at talent ko lang ang maiaalay ko sa minamahal ko. Hindi nako physically attractive dahil tumaba ako nung college.
Di ako makatulog hehe pero mukhang nahihimbing na yung isa jan hehehehe
I’ll tell you a secret. Nakatulog na talaga ako nyan. Nagising ako one minute matapos ko mareceive yung message na yan. Wahahah! Tapos ayun, tuloy ang kwentuhan. Hindi sya makatulog kasi brownout.
Betong thanks sa jacket ha. Super tagal ko na plan bumili ng ganun. Salamat talaga.
Wala na akong care kung sinunog na nya yang jacket na yan. Binigay ko yun kasi sa isip ko yun ang tamang gawin.
Buti naman at nagenjoy ka kala ko nabore ka sa kwento ko eh… hehehe
Never akong nabore twing nagkwekwento sya. This is after namin magmeet matapos nyang bumalik ulet sa buhay ko.
hehe lumipad ako eh. hahahahaha
Tinanong ko kasi kung bakit ang bilis nya. Susunduin ko sya dapat sa may Panday Pira. Yan yung sagot nya. Si Superman? Sabi ng isip ko nung oras na yun.
Tama! Magagawan yan ng paraan… makakaya mo yan kung kinakailangan ako gumawa ng LP mo at kung ano ano pa ako gagawa hahahahaha
Kasi iniisip ko nun pag nag-eeduc units nako tapos sa Petron ako nagtatrabaho. Parang mahihirapan ako pero sabi ko kakayanin ko. Tapos yan yung reply nya.
Hehe ganun ako ang nagbibigay kulay? Hehe Bakit naman? Naku kapag nagsimula ako magturo tapos magkwentuhan tayo mas marami akong masheshare sayo. Di ako nauubusan ng kwento. Hahaha
Masaya talaga ako pag nagkwekwento sya. Hindi matanggal ang ngiti ko lagi. Whether sa text yun or in person. Tanong nyo pa sa mga close friends ko. Puro sya lang ang kinukwento ko lagi. Super in love ako sa kanya kasi.
Syempre similar sa mga dati kong kwento. Di kaba nagsasawa sa kadldalan ko?
Tanong ko kasi sa kanya kung anung pagkwekwentuhan namin pag nag-iinuman na kami. Kahit kelan hindi ako magsasawa sa kadaldalan nya. Yun nga yung gusto ko eh. I love to listen.
yehey… Sige tuloy na tuloy na tayo. Hehe naexcite ako!
Nung nafinalize na namin na magiinuman kami sa bahay after maudlot yung naunang plano namin.
Oo naman noh wala yun. At anu ka ba mura lang naman pagkakabili ko kaya ok lang kakahiya nga eh hehe pag kaya ko na yung mas ok naman hehehe
Binili nya ako ng dalawang books. Parehong John Grisham. The Last Juror, tsaka yung The Brethen. Syempre nagpapasalamat ako. Kasi nasa wishlist ko yun eh! Hihi! At binili nya yun ng hindi ko naman birthday. Eto yung unplanned meeting namin.
Ngayon lang ako nagkafan ever… At kabuuan pa ng buhay ko haha astig ang sikat ko pala sa mga mata moh. Thanks!
Sinabi ko sa kanya na fan ako ng kabuuan nya. Totoo naman yun. Until he turned 180.
Hahaha hayan may magpupush saken. Yun ang sinukuan ko eh. Sa pamilya ko kasi kapag may ginagawa akong tulad ng masteral walang suporta. Pero pag kuya ko full support. Di ko alam kung dahil walang pera sa propesyon ko o dahil di nila interes. Haay salamat at kahit pano may tulad mong naniniwala sa mga kaya kong gawin. Hayan nangingilid ang luha ko.
Bilib naman talaga ako sa kanya eh. Alam ko naman kaya nya tapusin yung masteral nya. Alam ko din na he can get a scholarship whenever he wants to. Kaya nageffort talaga akong magresearch na school na pede sa kanya. At tingin ko DLSU Manila ang pwedeng pwede. Madali kasing makakuha ng scholarship yung mga kagaya nya dun. Alam ko kayang kaya nya yun. Walang duda naman akong makukuha nya yun. Pumunta nakong DLSU at humingi ng mga kailangang information at pinadala ko lahat sa bahay nila. Hindi ko nga lang alam kung tutuloy pa sya dun. Baka nga hanggang PNU nalang talaga ang kaya nya kasi tingin nya dun lang ang hangganan nya. Dyan ulet pumapasok yung hindi pa nya nasusubukan, ayaw na nya agad.
Talaga sakin? Di nga? Hehehe napangiti mo ako dun ah. Bakit naman sakin lang eh ang tatalino nga ng mga friends mo. Mas angat sila kesa sakin sa school pa lang na pinanggalingan angat na angat na.
Sa kanya ko lang nakukuha yung mga enticing intelligent conversation na kailangan ko. Basta pag nag-uusap kami, sigurado yun na may sense ang pag-uusapan namin. Peeve nya din yan. Yung pagmamaliit sa sarili. Being humble is one thing pero iba yung kanya eh. Lagi kong sinasabi sa kanya dati na wala naman sa school yun eh. Magaling sya. Napakagaling nya.
Hmmm di po. Di naman ako uminom ng bongga. Tanghali lang ng gising napasarap ang tulog ko. Sila lang uminom ng marami. Medyo umiiwas ako sa pag-inom ng marami at kahit nuon naman mahina ako uminom eh. hehehe
Hmmmp… dito ata nag-ugat yung nagplano kaming uminom.
hehe kwento ko talaga? Buti naman hindi ka nabore kasama ako.
Paulet ulet eh noh?
But I want you to be my friend. Kaya nga nagrisk ako na magreach out cause I don’t want to lose you. Mahalaga ka sakin. Kaya if mawawala ka malulungkot ako. Yun po ang totoo. Pero kung ang paglayo ang mas makakapag-ayos ng lahat just let me know.
1st ever time na he broke my heart. Umiinom kasi ako ng vodka nun to calm down. Kasi sya nalang lagi kong iniisip. Tas nasabi ko sa kanya na gusto ko sya. Ayan. Ayan ang reply nya. Naging ok naman kami afterwards.
I miss you… Kasi I miss the way you explain things. Namiss ko din yung pagiging bukas ng isip mo sa maraming bagay. Marami akong kaibigan pero ilan lang kayong bukas ang isip, At di ba nga idol kita dahil sa mga write ups mo.
Hi I miss you! Yan kasi yung unang message nya sakin nung bumalik sya. Kaya tinanong ko what he means about it.
Mahal na mahal kita Angel ko. Handa nakong maging iyo. At sayo lang. Katulad mo, impossible din na hindi ako mag-alala sayo. Napakaimportante mo kasi. Pero ngayon ang magagawa ko lang, ay ipagdasal kasyo kasi sa ngayon mahina pa ako.
… wala akong masabi… kasi ako nagsabi nyan…
hahaha… joke lang yun kaw naman. Kahit ano ka pa wala ka na magagawa dahil tanggap kita. Hehehe kasi tangap mo din ako eh. Diba?
Ang dami nya kasing prejudice saken. Kaya nagmaktol ako. Sabi ko papabulaanan ko lahat ng prejudice nya. At nagreply ako sa tanong nya na tatanggapin ko sya ng buong puso!
Try naten to. Alam mo ba Gel, mahal na mahal kita? Na kahit anung hilingin mo at kaya ko gagawin ko? Pero ngayon, ang kelangan mong gawen, pumikit at maging kalmado. Ang tanging iicipin mo lang ay mahal ka ni Betong. Yung bawat tawa ko sa kwento mo nagpapasaya talaga sa akin. Kung panong bawat Segundo ng oras na gising ako kaw ang iniisip ko. Ngayon nakikiusap yung nagmamahal sayo. Pumikit ka at isipin na mahal na mahal na mahal kita.
Ako nagsabi nito. Wala akong macomment paxenxa nah…
Kasi nga iniisip ko mayaman kasi UST eh. Matalino pa. Feeling ko ang liit liit ko hahaha ikaw nga lang nagpapaintindi sakin that I’m somebody… and the award goes to Angel.
Ayoko talagang minamaliit nya yung sarili nya. He’s destined for greatness. Yun nga lang, nililimit nya lagi yung sarili nya. Ganyan talaga pag nauunahan ng karuwagan.
Ideal guy ko. =D Si White Knight. Yung taong alam ko I can be myself. That despite my many complexities, naiintindihan na ako lahat yun. =D yung taong alam ko at nararamdaman ko, ayoko nang mawala sa buhay ko. Kasi pag nawala ka, alam ko magiging kulang nah. Kasi alam ko, we complement each other eh. =D
Ano raw sya skin, o ayan ang sagot ko. Pareho namin sinabi na ayaw namin mawala ang isa’t isa pero ngayon, he chose to leave me alone and I chose to leave him behind. So Ironic. Ferric Sulfate pentahydrate!
Haru! Ang haba! Wahahhaha!!!